Chapter 15

193 6 2
                                    

"Uy, congrats!" I turned around when Crisa slightly pulled down my curly hair.

Lumawak ang mga ngiti ko nang makitang nakasuot na kami ng toga. Si Dee ay papalapit rin sa pwesto namin. A bright smile was plastered on her lips. They're undeniably gorgeous!

"Grabe, akala ko hindi ako makaka-alis sa Finance! Tunay ngang mag-co-college na tayo!"

"Magkikita pa rin naman kayo ng worksheet mong hindi ma-balance-balance sa college kaya chill ka lang," si Dee at nagpakawala ng tawa.

"Shuta, oo nga pala!"

Nakapagkwento kasi siya sa amin noon. E-pupursue niya ang Accountancy dahil iyon ang gusto ng pamilya niya. Samantalang si Dee naman ay ipagpapatuloy ang linya ng pangarap ng kanyang  pamilya rin which is Education.

"Ikaw, Lyk?" baling sa akin si Dee.

I shrugged my shoulders off. "Architecture," ani ko at mabilis na inilipat ang mga mata sa pamilyang ka-agaw-agaw ng atensyon.

Iland family...

Patrick walks proudly. He is the batch valedictorian while I am the salutatorian. He really deserves the spot! Matalino talaga kahit loko-loko lang kadalasan.

Parehong nasa gilid niya ang mga magulang niya. Her mother is a lot intimidating compare to before. Her sophisticated aura remains, the way she moves screams gracefulness! She's a model though. While on the other side is a blue-eyed uptight man. Halatang hindi basta-bastang tao lang ito. He shared the same features as Zack who wasn't here today.

Nataranta ako bigla nang tinapunan ako ng tingin ng Babae. Last time that we encoutered wasn't that good. Ang mga tingin niya ngayon ay wala ang pamamaliit doon pero ramdam ko pa rin ang pagka-ayaw niya sa presensya ko.

I sighed heavily at pinaling ang ulo sa mga kaibigan. Si Jian at Lexel nandito rin. Zack and I still communicate. I tried to cut our communication but then, he was persistent to continue what we have.

"Ayaw mo na talaga?" he asked seriously.

I stared at his face on my screen and nodded.

"Ako gusto ko pa," aniya at nagpakawala ng maliit na ngiti. "Umayaw ka lang... hindi pa naman ako napapagod, hindi ka naman nakakapagod."

His words sent me assurance that I wanted to hear especially for our situation. Long-distance might be hard for us as well as we have reason to hold on, I guess life must go on.

"Congratulations!"

Napantig ang aking tenga sa pamilyar na boses na aking narinig mula sa likuran. Kumakalabog ang aking dibdib sa kaba nang unti-unti ko siyang nilingon.

She's retouching her make-up. Mula sa malapad na salamin sa aming harapan nasilayan ko ang mga ngiting minsan ko nang nakita sa anak niya.

"S-salamat po," I bowed my head a little bit.

She then nodded and continue her kind of stuff. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Really her presence making me uncomfortable. Patago kong kinurot ang aking palad.

"Matalino ka nga," pagsasalita niya uli. "Tama ang desisyon mong lumayo sa anak ko. Hindi kita gusto noon sa kadahilanang maaaring bata ang maglalayo ng mga pangarap ng aking anak sa kanya."

Pinipiraso-piraso ang puso ko sa sinasabi niya. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at piniling huwag na lamang magsalita.

"He was engaged to someone else when you were flirting him going back."

Naestatwa ako sa mga katagang narinig mula Mommy niya. Nagsusugat na ang labi ko sa kakagat ko para pigilan ang pag-react sa mga salitang binitawan.

Jailed With You (Architect Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon