"Si Lyka?"
Napahinto ako sa pag sosolve at nag angat ng tingin sa teacher na nakadungaw sa pintuan. I raised my hand and stood up so he could see me.
Ngumiti siya sa akin at tinuro ang labas. "Follow me," aniya at nauna nang maglakad.
"Hala! 'Di man lang sinabi bakit? Tamang turo lang kuha na agad, grabe naman!"
"Ganyan talaga pag matalino, Cring! Itikom mo na lang bibig mo hindi naman ikaw ang pinapupunta ro'n!"
Tumawa ako sa pambabara ni Shan sa kaibigan. Sumunod na ako sa labas at tumungo sa faculty.
Nagmamadali akong pumasok at sa kamalas-malasan ay nabangga ako ng lalaki. I bowed my head a little as I asked for apology.
"I should be the one to say sorry," he said casually and smirked.
I just gave him a nod and excused myself.
"Sir, ano po iyon?"
"May bagong transferee. Ikaw na bahala sa kanya. Ikaw ang mag totour sa kanya sa buong South. No worries dahil excuse kayo ngayong araw."
Tumango ako sa kanya. "Saang section siya mapupunta, Sir?"
"ABM 12-2," aniya at tumingin sa likuran ko. "He's here!"
Nanlaki ang mga mata kong binalingan ng tingin ang tinutukoy niyang transferee. He's the one I encountered a while ago!
He looks familiar but I couldn't remember him.
"Patrick, Miss," pagpapakilala niya.
Tiningnan ko ang nakalahad niyang kamay sa harap ko at inangat ang tingin sa kanyang mukha.
"Maquiling," nakangiting saad ko at tinanggap ang kamay niya.
Dinismiss na kami sa faculty. So, yeah... it's awkward. Hindi ko alam saan kami magsisimulang mag tour nito. Tahimik rin siya at mukhang seryoso. Nakakaintimidate ang datingan niya!
He's wearing his grey hoodie na termo pa sa kulay ng kanyang mga mata. He's tall and long haired guy.
Namalayan ko na lang nasa library na kami. Talagang hindi kami nag-uusap na dalawa! Hindi ito tour guide! Para lang akong alalay niya!
Bumuntong hininga ako at pekeng umubo para makuha ang atensyon niya. Hindi naman ako nadismaya dahil tumingin nga ito sa akin.
"Yes?"
"Do you know how to speak tagalog?" I asked him. Baka hindi siya nagsasalita ay dahil hindi ito marunong.
"Medyo," aniya na may kaunting slang.
Umupo ako sa bakanteng mesa. Sumunod naman siya. "Bakit ka nag transfer?"
He shrugged his shoulder off. "My Mom wants me here, I guess?"
Whoa, Mama's boy! Ang cute.
"Why are you smiling?"
Nakagat ko ang mga labi sa pagsita niya. Nakangiti ba ako? Hindi naman, ah!
"Shuta, ang gwapo ng transferee!" Crisa exclaimed during recess. Wala rito si Patrick siguro ay sumama sa ibang ka klase naming pumunta sa cafeteria.
"Yan ganyan! Sa pogi, buhay na buhay! Ano nga score mo sa finance?" tanong ni Dee sa kanya.
"Itlog."
"Wala kang karapatang humarot! Gaga, ka!"
"E, bakit? Si Etyl nga 'di rin naman nakapasa sa passing score pero hinaharot yong bagong kaklase! Nasa canteen pa nga, e! Sinama!"
BINABASA MO ANG
Jailed With You (Architect Series #4)
عاطفيةLyka Mae Maquiling is an Architecture student from Amstar University. SSG President, epitome of class, elegant as chandelier. Because of her ability to work on silence she became what she dream of. She once a dreamer, now an achiever. Zackael Kish I...