Chapter 14

218 10 1
                                    


There are wounds that never seen on the body, that are more profound and more excruciating than whatever bleeds. I'm not a good daughter for I lost my baby brother.

I lost him upon the arrival of my birthday...

That day alarms me to come. It just reminds me how irresponsible sister I am toward him and to my sister, Nicole.

The disappointment I planted on my family had blurred... however, on myself, it deepened every day of my  birthday.

I hate celebrating my birthday. I almost drown myself way back then. I hate to see myself smiling to somebody when it was exactly the day I made everyone screams in pain.

Natuto akong magkulong buong araw sa kwarto at hindi inaalintana ang mga tao sa paligid. I shut my contacts and everything... but this day is different. I have to make things flow better now. I shouldn't be hard to other people.

Nang lumabas ako ay nagulat sila Mama at Papa. Ramdam ko rin ang lungkot nila pero binalewala ko iyon at ngumiti sa kanila. Nakangiti ako pero ang kirot na lumulukob sa dibdib ko gustong-gusto nang humiyaw sa konsensyang nararamdaman.

Nakita ko kung paano nagkanda ugaga si Mama sa pagbaba ko. Hindi alam kung babatiin ba ako o ano. Tumayo lang ito sa harapan ko at naglahad ng mga kamay akmang yayakapin ako.

"H-happy birthday," garalgal ang boses nang binati ako.

I stood right here. Hindi ako nagsalita dahil alam kong maiiyak ako. Imbis na yakapin ang Ina ay tumalikod ako at nagpakawala ng buntong hininga.

Tumingin ako sa itaas para pigilan ang mga luhang malalag. Ilang sandali ko pang kinalma ang sarili bago siya muling binalingan.

"Aalis po ako, Ma."

"Ha? Saan?"

"May kakausapin lang po... b-babalik rin ako agad."

Naguguluhan itong tumango at agad na hinahanap si Papa. "Ma, 'di na po ako magpapahatid. Mag tetext ako kapag papasundo ako." Pigil ko sa kanya.

"Baka anong mangyari-"

"Ma, ayos lang po ako," ani ko at hinawakan ang mga kamay niya.

She let me out. At least after years during my birthday, I have the courage to go out and face my family...

Ilang oras pa akong nag-antay kay Zack sa garden na palagi kong pinupuntahan kapag hindi ako okay. I told him not to fetch me dahil napaaga ako.

Nanlalamig ang mga kamay kong hinihintay siya. Panay ang buntong hininga ko hanggang sa dumating siya.

He's wearing a sweat pants and his branded LV top shirt. Umupo siya sa tabi ko at doon ko lang naramdaman na parang dito na matatapos ang kung anong mayroon sa amin.

Deritso lang ang mga mata niya. Samatalang ako ay nasa kanya nakapukol ang mga tingin. If only he knows what I feel... I smiled sadly.

"Kumain ka na?"

"Aalis ka 'di ba?"

Nagitla kami pareho nang sabay kaming magsalita.

I bit my lower lip and divert my attention somewhere to avoid his dark stare.

"Y-yes... k-kanina pa," nauutal kong saad.

I heard him sighed beside me. It was a long paused between us. I waited for him to speak but in a long while, he still did not.

I don't know where did I get the audacity to asked him, I just caught myself.

"Kailan alis mo?" I damn tried my best  to sounds as good as I should be!

Jailed With You (Architect Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon