Chapter 11

190 6 1
                                    

Tinanghali ako nang gising ngayong araw. Nang tingnan ko ang tabi ay wala na rin doon ang kapatid sa kanyang kama. Sobrang taas na rin talaga ang sikat ng araw para tumagos ang init nito bintana ng kwarto.

Hindi ko pa rin lubos na maisip ang nangyari kagabi. Mula sa ihatid ako ni Zack hanggang sa makatulog ako. Nangingiti akong tumayo at dumiretso na sa cr para makaligo. Maga ang mga mata ko sa salamin pero ayos lang dahil normal naman talagang maitim ang ilalim ng mga mata ko.

Kumakain ako nang biglang dumating ang mga kaibigan ko. Napanguso ako dahil kahit summer break ay ayaw akong lubayan ng dalawa. Nakakasawa na kaya ang mga mukha nilang makita araw-araw.

"Magandang araw, binibini!" Umikot ang mga mata ko sa sigaw ni Crisa. "Sana inantay mo man lang kami bago ka kumain 'di ba?! Wala ka talagang puso, kaibigan!"

"Pwede bang itikom mo ang mga bibig mo kasi ang ingay?! Baka magkaharap lang naman tayo no?! Hindi ba halata, ha?! Bingi kausap mo, bhe?!" Hindi ko na ring mapigilan singhalan siya.

"Eh, bakit kasi hindi mo kami inantay?!"

Mahaba ang pasensya ko pero hindi sa babaeng ito. Bumuntong hininga ako at pinagkatitigan siya.

"Nagsabi ba kayong pupunta kayong dalawa rito? Hindi naman 'di ba?"

"Ay, sabagay," natauhang saad ni Dee at kinuha ang pagkain ko sa plato.

Nanliit ang mga mata ko sa dalawa. Bakit parang ako pa ang dapat magutoman sa aming tatlo e, sila ang dayo? Mga walang hiyang kaibigan balak pa akong gutomin sa sarili kong pamamahay!

Matapos kong kumain ay nanuod na lang ako ng netflix. Ang dalawang babae hindi pa rin tapos sa pagkain nila. Bahala sila at sila ang maghuhugas ng pinagkainan namin.

Wala si Nicole nang bumaba ako. Si Mama at Papa ay nasa trabaho rin kaya mag-isa lang talaga ako kung hindi dumating ang dalawang impakta ngayon. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko ngayong bakasyon. Siguro ay magtatrabaho pa rin doon sa store. Tapos na rin naman ang pag-tututor ko sa mga Lamirez dahil wala na ring pasok si Charmaine.

Zackael Kish:

How's your first day of summer break?

I smiled when I read his chat. I fastly type my reply.

Ako:

Okay lang naman. Ikaw, kamusta? Still reviewing for finals?

Zackael Kish:

Yep. We're having recitation later.

Ako:

Whoa! Goodluck, then.

"Hoy! Nginingiti mo r'yan? Malande ka na?"

My cheeks flushed. Nakakahiyang mahuli pa ako ni Dee na nakangiti sa cellphone! I mean, there's nothing wrong with it but I can't help to feel ashamed. Oh, Lord.

"Kayo na?" Crisa asked. She sat down beside me. Inagaw na naman ang unan na nasa kandungan ko.

Umiling ako sa mga kaibigan. "Hindi pa pwede. Tsaka, hindi ko siya gusto sa ganoong paraan..." I trailed off.

"Minsan lang may magseryoso sa'yo! Ayusin mo ang desisyon mo sa buhay, bruha ka!"

"Anong ibig mong sabihin? Walang may magseseryoso sa akin?!" pasinghal kong tanong kay Dee.

She groaned so I frowned.

"Mahigpit ang mga magulang mo sa tingin mo madali sa kanilang manligaw? E, kung hindi lang nag the moves 'yang si Zack ay olats ka pa rin hanggang ngayon."

Jailed With You (Architect Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon