Chapter 24

189 7 0
                                    


Nagising ako sa maingay na paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at puro puti ang halos nakikita ko. I was wondering if nasa langit na ba ako at patay na nang marinig kong sumigaw ang isang babae.

"Oh, thank, God! You're awake!"

I tilted my head to see Crisa. She walked towards my bed and saw her tear fell. Kunot ang noo kung nilibot ang mga mata at nakita ang isa pang kaibigan sa pabilog na sofa. They are watching me and their eyes twinkle for some reason.

"Where is Kael?" my voice still sulking but I manage to say those clearly.

Nagkatinginan silang dalawa na para bang hindi alam ang sasabihin sa akin. Magsasalita na sana akong muli nang bigla bumukas ang pintuan ng hospital room kung nasaan ako naka-confine at iniluwa no'n ang isang Doctor.

He was shocked seeing me awake and then he looked at my friends questionably.

"Uh, kagigising niya lang, Doc." Dee answered him.

Tumayo naman sila at sila ang nagsasagot sa mga katanungan ng Doctor para sa akin. Nalaman ko ring tatlong araw akong tulog dahil sa pagod ng aking katawan sa mga sugat na natamo. My spinal cord was in critical condition the reason why I can't stand nor wake up for the past three days.

"Si... Kael?" tanong ko sa gitna ng pag-uusap nila.

Tumingin sila sa akin at hirap na hirap sa pagpili ng mga salita kung ano ang isasagot.

"You should rest well, Lyk, kasi... ano... uh, baka mabinat ka."

"Okay na ako sabi ng Doctor. Nakapagpahinga na ako ng tatlong araw," hindi maitago ang inis sa tonong ginamit ko.

Natahimik silang dalawa sa sinabi ko at nagbuntong-hininga na lang. "Nasaan si Kael?" ulit ko sa mas kalmadong tono na.

"Today is the hearing... pero habilin niyang 'wag kang tumungo sa korte kung magigising ka."

Nanliit ang mga mata ko sa sinabi ni Crisa.

"I beg your pardon, Cring? I heard you wrong," ang sakit sa boses ko ay nanatili habang inaantay ang kanyang sagot. Dee on the other side was in silence too. "That was my sister's case! I should be there! Hindi niya kakayanin ang lahat ng iyon! Alam niyo ba, ha? Ramdam niyo ba kung anong pinagdadaanan naming magkapatid, ha?!"

Isa-isa kong tinanggal ang mga nakatusok sa katawan ko at bumababa sa kama. They stopped me but I was too determined to get out of this hospital and go to my sister.

"Oo na! Sandali, dadalhin ka namin do'n just don't move aggressively! Manganganak ako sa'yo nang wala sa oras!" sigaw ni Dee na siyang humatak sa akin pabalik sa hospital room.

I look at her feeling sorry but to dismay, she only shook her head on me.

Tinulungan ako ni Crisa na maligo at magbihis ng sarili dahil hindi pa tuluyang bumabalik aking lakas. I only wear a black suit partnered to my heels. Hinayaan lang din na bumagsak ang aking mahabang buhok sa likuran.

Nasa byahe pa lang kami ngunit ang daming pumapasok sa ulo ko. Nang makaramdam ako ng pananakit ay hinayaan kong mamahinga ang ulo sa balikat ni Crisa. Nagising na lang ako nang may mahinang tumatampal sa aking pisngi at tumambad sa akin ang mukha ng kaibigan.

Papasok kami ng court nang mangatog ang aking tuhod sa kaba. Libo-libong sari-saring pakiramdam ang lumulukob sa akin sa bawat hakbang papasok ng korte.

Timing naman ang pagdating namin nang inanunsyo ng Judge ang desisyon na siyang nagpahulog ng mga luha ko sa mga mata.

"Case closed!" anito sa matigas na tono. "Proven not guilty!"

Jailed With You (Architect Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon