Chapter 15

15 4 0
                                    

CENDRICK'S POV

Nagising ako na nandito parin sa bahay ng lola ni Athena. Did I passed out last night?



Tatayo na sana ako ng biglang sumakit ang ulo ko. "Fvck!!" I cursed.



"Ang aga-aga mura agad" Paninita sa akin ni Jester. "Yan ang naidudulot sa pag-iinom ng marami" he continued with a teasing smile.



"What time tayo aalis?" I asked still holding my head. Ang sakit talaga eh! Hang over amp.



"Now" Delius casually said. This early?! Ugh! I want to rest more!



"Get up, mahaba-haba pa ang byahe natin" saad ni Sherwin habang nalalamin. Akala mo naman mababago yung mukha niya.



"Anong oras na ba?" yan inom pa Cendrick pvta!



"5am" Vannes said while fixing himself. Pvta! Ang aga pa ah?! Hayst 'di bali na nga. Babawi na lang ako mamaya sa tulog. Pvtang mga 'to!



JAYCE'S POV

Last night was indeed a memorable night. I enjoyed the party as well as the people who's there.



No class but still I have to go to school. Isa ako sa mga nagpresenta na sumali sa mga mag-aassist sa mga athlete. Dalawang linggo mamalagi sina Athena dito para turuan ang mga player namin.



"Ang aga mo naman yata, diba wala kayong pasok?" tanong ni ate sa akin.



"Kasali kasi ako sa mga assistant ng mga badminton player for the whole 2 weeks" pagsasabi ko ng totoo sa kanya para wala ng maraming tanong.



"Sa'n ba gaganapin?" para naman 'tong detective eh.



"Doon po raw malapit sa mansion ni Doña Soledad" yan ang sabi sa akin kasi may gymnasium raw doon na malawak ang espasyo.



Tamang tama lang 'yon sa kanila, mahangin pa naman rito. 'Pag open ang court na gagamitin nila paniguradong 'di nila ma-control ang shuttlecock sa lakas ng ihip ng hangin.



"Ahh yung gym ng badminton at volleyball ba o yung sa basketball?" dagdag pa niyang tanong. Hanggang kailan ba 'to matatapos kakatanong?



"Yung sa badminton at volleyball po" magalang ko'ng baling sa kanya.



Pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko para makaalis na. Si ate naman ay panay ang pagkekwento nito.



"Mababait yang mga Perez" napahinto ako sa sinabi niya. Kilalang kilala niya ba talaga ang mga Perez?



"Si Doña Soledad ay merong sampung mga anak. Tatlong babae at pitong lalaki. 'Di ko gaanong kilala ang mga anak niya kasi madalang na lang yun sila pumupunta rito. Pero madali lang naman silang malapitan" mahabang lintaya niya.



Ngayong taon ko nga lang rin sila nakita eh. May kilala ako sa mga anak ni Doña Soledad ito ay ang ina ni Michelle na pinsan ni Athena. Nagtataka nga ako kung bakit nandito sila nakatira na halos mga pinsan niya ay nandoon sa siyudad.



Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon