Chapter 31

16 3 0
                                    

JAYCE'S POV

Nakita ko sa labas si Darius, may kausap ito sa phone. Probably Sky, hindi kasi ako naniniwala na engaged sila ni Athena. Noong nakaraang buwan nga lang ay ang sweet nina Darius at Sky. Tsaka alam ko'ng hindi ng aagaw si Athena ng gusto ng kaibigan niya.



Nilapitan ko ito.



"Anong meron sa pagkukunwari niyo?" agad ko'ng tanong sa kanya at sumandal sa kotse.



Kahit na sabihin nating kunwari lang 'yon ay masakit parin silang tignan.



Si Athena ay naliligo na. Ibinigay ko na kanina sa kanya ang damit.



"Ba't mo naman nasabing nagkukunwari kami?" he ended the call. Napasarkastiko ako ng tawa.



"'Di ba nagpaplano na kayo ni Sky magpakasal? Saksi ako sa mga nangyayari no'ng party ni Hame" he smiled like I got already the point.



"Are you willing to fight for Athena now?" nabigla ako sa kanyang tanong. "'Wag mo'ng hayaang si Athena lang palagi ang lumalaban sa inyo. Napapagod rin siya, baka sa huli mapagsisihan mo 'to" he then tap my shoulder at pumasok na siya sa kotse niya.



Iniwan niya akong nakatulala. Kaya ko naman siyang maipaglaban kaso nangingibabaw 'yong takot ko kay Raoul. Hindi namin alam kung ano ang kaya niyang gawin para sa amin.



It's Friday morning. Napag-isipan ko'ng bisitahin si Dr. Heinz, 'yong nagbigay sa akin ng iinject para kay Athena.



"Dr. Heinz, how are you?" I asked him. Medyo may kaedaran narin ito.



"Good. You're officially a chief now huh? Ang bilis lang ng panahon. Siguro malaki na ang anak mo ngayon" mahabang lintaya n'ya habang nakatuon sa mga pinipirmahan niyang mga papeles.



"About that. Marami ka na bang naging operation ng katulad sa amin? Successful ba talaga?" gustong gusto ko kasing malaman ang katotohanan.



"Marami-rami narin. The operation was successful pero may ibang hindi nakakaya ng mga magdadala nito. Bakit? Hindi ba successful 'yong sa inyo?" tinignan na niya ako ngayon.



"Naghiwalay kasi kami no'ng nagdala ng baby namin. She has a daughter right now. I don't know if it's mine. But I have a feeling that it's mine. I badly want to know the truth Doc" sincerity was visible in my voice.



"Madali lang ang case mo. DNA test is the key for your problem" napangiti ako ng malawak sa sinabi niya.



Maasahan talaga si Dr. Heinz pagdating rito.



"Ano ang kailangan ko Doc?" tanong ko sa kanya.



"Kailangan mo ang pinaggamitan niyang toothbrush o kutsara, or maybe a strand of her hair. Take note, sa bata ka kukuha hindi sa magulang nito. And also kumuha karin ng sa'yo. Kung ano ang kinuha mo sa bata 'yon rin ang dapat mo'ng kunin sa'yo" tumango ako sa sinabi niya. "Usually the result will come 1-2 months but I will help you to make it fast. I'll refer you to my friend" nakangiting saad niya sa akin.



Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon