Chapter 30

13 3 0
                                    

SKY'S POV

Mahigit isang buwang hindi ko nakikita si Jayce. Hindi ko naman tinatanong kay Athena baka kasi malaman niyang minamanmanan ko na naman 'yon.



"The farmers want to meet us on this week" saad ni Darius.



Siya ang nag-handle sa stocks sa mga restaurants ko. I want it to be fresh. Athena's helping also, she has a lot of connection when it comes to farmers.



Nabalitaan ko ngang nabili niya ang sakahan ng mga magulang ni Jayce. Eh sa bait ni Athena, binigyan niya parin ito ng mga trabaho.



"Sorry pero hindi ako makakasabay sa'yo" he kissed my forehead.



"I understand. Just take care of yourself here. I'll be gone for a week. Kasama ko naman si Athena" biglang nanlaki ang mga mata ko sa pagkabanggit ng pangalan ng best friend ko.



"'Wag na 'wag mo'ng pababayaan si Athena. Don't let that girl come closer to her" I reminded him.



He knew that I don't trust that girl for Athena.



He then chuckled.



"Hayaan na natin sila. Matatanda na ang mga 'yon" he gave me an assuring smile.



"Kahit na. Wala parin akong tiwala do'n" napailing na lang ito sa sinabi ko.



"Take care of yourself. Aalis na ako" pagpapaalam niya.



"You take care of yourself too" I said and he finally hop into his car.



LG'S POV

Athena told me what happen after that party. I can't believe that Raoul's can be that scandalous.



Nakatutok ako masyado sa trabaho ko. Anytime soon our operation will come. Baka hindi ko maasikaso ng maayos ang kompanya dahil may malaking operation ang magaganap sa organization.



Akala ko ako lang ang nakakahalata pero si Athena ay nakakahalata rin na hindi gaanong natataman ng mga hahawak ng snipers ang target. We can't make a decision, tutal si Avi naman ang masusunod.



"Eat first. You're too busy on your work" here comes my engineer again.



"I'll eat after this" saad ko habang nakatutok sa laptop ko.



"Hindi ba kayo napaghahalataan ni Sky sa mga pinaggagawa niyo?" tanong ni Delius.



Yep, me and Delius are now together. Kasal na kami pero wala pang plano magka-baby. Dadating rin kami sa ganyang stage.



"Hindi naman. Maingat kaya kami ng kambal mo" tinutukoy ko si Athena.



Ewan ko ba kung bakit naging kambal sila nito bigla. Eh ang layo naman ng pagmumukha ng mga kumag na 'to.



"Lagot talaga kayo 'pag nahuli kayo ni Sky" I smiled sweetly to him. Bigla naman siyang napalunok.



"Subokan mo lang magsumbong Delius" I said without breaking my sweetness.



Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon