Chapter 36

13 3 0
                                    

JAYCE'S POV

Tatlong araw na simula no'ng aksidente. Mahigpit na pinababantayan ko ang kwarto ni Athena rito sa hospital. Hanggang ngayon hindi parin siya gumigising.



Wala akong ibang ginawa sa mga nagdaang araw kundi ang mag imbestiga. Tuwing gabi naman ay dito kami natutulog ni Z.



"Good morning bro" salubong sa akin ni Novie. Pabalik balik na lang ako rito sa HQ.



"Morning" walang ganang saad ko.



"Ay bakit?! Hindi ba good ang morning mo?" hindi ko 'to pinansin at nagpirma na lang ng mga papeles roon.



"Hindi" saad ko habang patuloy sa mga pinaggagawa ko.



"Every morning is good bro. Imagine gumising ka pa ngayon. It's a blessing" saad niya at tinignan ko 'to.



"Well, it isn't a blessing to Athena" I don't want to cry infront of her.



"Hindi parin ba siya gumigising?" I slowly nod. "Is her condition, okay?" a tear escaped from my eyes.



"Still in critical. This was all my fault" I said while crying.



"Don't blame yourself bro. Athena will be fine, maybe not now pero magiging okay rin siya. Magtiwala lang tayo" she said and hugged me.



Do'n ako umiyak lalo. Kahit na sabihin nilang hindi ko 'to kasalanan pero feeling ko ako talaga ang may kasalanan eh.



-



The day ends. I am now at the hospital holding another bouquet for Athena. Madami na ngang nakatambak na bulaklak roon sa kwarto niya eh.



Yesterday, her friends and squad visited. Wala ako no'n para mag-entertain sa kanila, busy ako sa pag-iimbistiga eh.



"Sinong bumisita ngayon?" tanong ko sa mga nagbabantay.



Kailangan may records para kung sakaling may iba na namang nangyayari kay Athena ay alam namin ko'ng sino ang may posibleng gumawa no'n.



"Here's the list chief" he handed me the record list for the visitation.



I know it sounded like Athena's in prison but it's for her own safety.



"May ibedensya ba silang pinakita sa inyo na kilala sila ni Athena?" huling tanong sa kanila.



"Yes chief" they said.



"Okay, thank you" sabi ko at pumasok na.



The moment I entered the room. I saw Athena lying down in the hospital bed sleeping peacefully.



"Hi love. Tatlong araw ka ng nandito. Gumising ka na, miss na miss ka na namin" I said and kiss her forehead.



Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ko siya binantayan. Kahit hindi niya ako naririnig, kinikwento ko parin sa kanya ang mga nangyayari sa araw ko.



SKY'S POV

Nagtataka ako kung bakit natamaan si Athena? Gano'ng wala na naman siyang na receive na mga death threats. Naghihinala narin ako kina Delius, Darius at Louise eh.



Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon