Chapter 17

15 4 2
                                    

SKY'S POV

Natapos rin naming nagturo roon. At ngayon balik sa normal na ang routine namin. Hindi naman kami nahuli sa class lesson.



"'Di ba nakapasok si Athena pa regionals?" biglang tanong ni Kassandra sa akin.



"Hindi ko alam eh, busy akong mag impake ng mga gamit ko noon. Ang sabi niya sa akin talo raw siya" tugon ko sa tanong niya.



"Pa'nong nasa listahan ng mga lalaro sa regionals ang pangalan niya? Kung hindi siya nanalo" biglang singit ni Debby.



"Did she lie to you?" pagdududa ni Juliana. Maaaring oo, maaari ring hindi.



"What's going on here?" 'di namin namalayan na nandyan na pala si Prof. Natasha.



"Hoy gising" binatukan pa ni Kassandra si Athena para gumising agad. Lagot talaga 'to mamaya.



"Hoy gagu ba't mo binatukan? Gigisingin nga lang binatukan mo pa" paninita ni Darius kay Kassandra.



Tinapik naman ni Delius ang balikat ni Kassandra. "Makikita mo hinahanap mo mamaya" bigla kaming nagtawanan magtropa habang si Kassandra ay napalunok.



"Gisingin kasi ng maayos" pang-aasar pa ni Cendrick.



"Cendrick and company. Anong meron d'yan?" palihim namang tumawa si Ethan.



"A-ah m-miss? Wala po" hindi naman na kumbinsi sa sagot ni Cendrick si Prof.



"Yes Ms. Perez?" tinignan ko si Athena. Pvta nakatayo ba naman.



"Bakit po?" ba't ba kasi tumayo 'to eh wala namang sinabi si Prof.



"Ba't ka nakatayo?" bigla namang nilibot ni Athena ang paningin niya. Napagtanto na niya siguro na siya lang ang nakatayo.



"Gaga umupo ka na" mahinang sabi ni LG sa kanya.



"Diba po, mag-pray muna hehe" pinanindigan pa talaga niya ang pagtayo niya ah.



"Oh yes. You may lead the prayer Ms. Perez" kaming lahat na magtotropa ay nagpipigil ng tawa.



Pumunta naman si Athena sa harap at nag lead ng prayer. Imagine yung taong mahilig magmura ay siya pang nag lead ng prayer. Laugh trip tol.



Pagkatapos niyang mag lead ay bumalik na siya sa kanyang upoan.



"'Di ko alam na may mabuting naidulot yung pambabatok mo sa kanya Kassandra" natatawang saad ni Darius. Ay pvta nakaka-in love naman yang ngiting yan.



"Matutunaw yan tol" pang-aasar ni Vannes sa akin. Pvta?! Halata ba talaga?



Nagsimula ang klase namin, lahat ay nakikinig pwera lang kay Athena. Halatang gusto pa niya matulog. Ano ba pinaggagawa nito kagabi?



ATHENA'S POV

Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon