Chapter 34

10 3 0
                                    

ZARNIAH'S POV

Napagpasiyahan namin nina Mommy na kumain na lang sa restaurant para mag-celebrate ng pagkapanalo ko. I even got the title of MVP. I didn't know that I can make it.



"Bakit rito po tayo sa restaurant ni Tita ninang 'mmy?" I asked my mom. Hindi naman sa hindi ko gusto eh parang may binabalak na naman kasi ito.



"You know that we have a reservation for VIP here. May meet up rin kami ng designers para sa susuotin natin sa party" sabi ko na nga ba. Lagi niya na lang 'to ginagamit ang mga binibigay ni Tita Sky.



"What party?" a sudden asked from my mama.



"Reunions party ng batch namin. Want to come?" Parang kailan lang ay ayaw pansinin ni mommy 'to ah. Mainit pa nga ang ulo eh.



Tumawa ako ng mahina sa nasasaksihan ko.



"Sure. Hindi ko naman gustong makita na iba ang partner mo ano" sabi naman ni mama.



Dire-diretso lang kami sa naka-assign na table lagi sa amin. Kilala naman kami ni mommy dito kaya okay na sa kanila 'yon.



Pagkarating namin sa table ay ako na ang nag-order. Hindi na ako nakikinig sa kanila, usapang nakakatanda na 'yan kaya pass tayo d'yan.



"Hi attorney" bati ng isang matangkad na babae. I never seen her before.



"Good thing that you're here already. Let's start our discussion" agad naman itong umupo sa may tabi ni mommy.



Kaming tatlo ay nakikinig lang sa mga pinagsasabi niya. Pinagtatanong niya kami kung ano ba ang theme, kung anong gusto naming outcome sa susuotin namin. Well, kami ni mama ay wala namang problema do'n mabilis nga kaming natapos pumili eh.



"Open back? Are you sure about that?" halatang hindi gusto ni mama ang napili ni mommy ah. Pasimple akong ngumiti sa reaksyon niya.



"Hindi naman masyadong revealing 'yang gown. It's perfect Ritch" napangiti naman ng malawak ang designer sa sinabi ni mommy.



"Siguradohin mo lang Athena" pagbabanta pa ni mama.



Hindi na sumagot si Mommy at hinayaan na lang siya. Sakto namang dumating ang makain at kumain na kami kasama 'yong designer.



-



Umuwi kami na sobrang busog at sobrang pagod. Sa sobrang laki ng bahay namin, aakalain mo'ng marami ang nakatira pero ang totoo niyan ay hindi lalagpas sa sampu ang nakatira rito.



"Z, let's sleep in your mommy's room" masayang sabi ni mama. I know that she wanted this so I gave it a shot.



Pumasok na kami sa kwarto ni mommy. Wala siya rito pero rinig mo naman na may naliligo sa loob ng bath room niya. Tumabi ako kay mama at niyakap ito. Hinaplos niya naman ang buhok ko hanggang sa makatulog ako.



JAYCE'S POV

After an hour of waiting here in her bed, she finally came out from the bath room. Here she goes again wearing black nighties.



Agad itong napahinto ng makita niya ako.



"Kanina ka pa d'yan?" tanong niya habang palapit ng palapit na sa pwesto ko.



"Enough to make Z fall asleep" I just said and to my surprise sa kabilang banda siya ng kama pumunta.



Akala ko ba rito siya?



"You can go out now" she said habang nakatalikod sa akin.



"Rito ako matutulog ano" I said at pumunta sa pwesto niya.



"Who told you?" she then arched a brow.



"Ako" pinulupot ko ang braso ko sa kanyang bewang. "Let's sleep hmm?"



Bahagya niyang inilayo ang mukha ko.



"Masyadong malapit" hindi ako nakinig sa kanya at isiniksik ang ulo ko sa leeg niya.



"Ang bango mo talaga" ngumiti ako ng mapansing bumibigat ang paghinga niya. I slowly kissed her neck. "I love you"



"Matulog na tayo" kumalas na siya sa yakap ko at humiga na. Nanatili akong nakaupo habang humaharap sa kanya. "I said-" hinalikan ko siya ng mabilis sa labi at tumabi na sa kanyang humiga.



"Good night love" ngumiti pa ako sa kanya but she rolled her eyes.



Ba't ka naman ganyan? Pagbubutihin ko pa ang panliligaw sa'yo.



ATHENA'S POV

Like what Avi said. Ako ang magt-train sa magh-handle ng snipers. It's 4 in the morning. I'm done with my morning routines and I already leave a note for them. Ayoko namang mag-alala sila sa akin.



Nagkikita lang kaming lahat rito sa shooting range ni Papa. Perfect spot and time for us to train. Gabi pa naman gaganapin ang mission dapat alerto kami lalo na't mahirap makita ang kalaban. I know we will use a night vision but we have to still train without it.



I turned on already the switch for the moving objects. Isa-isa ko silang pinapwesto sa mga iba't-ibang direksyon. I am here just to observed and trained them. May kasama naman akong assistant ni Papa para malaman agad kung sino ang hindi gaanong nakakatama sa mga target.



"All set?" I asked them through earpiece. Hindi na ako naghintay ng sagot nila at nagsimula ng tignan ang i-kikilos nila.



"All clear ma'am" they said in chorus. In just 7 minutes, natapos na nilang barilin ang mga objects. Agad naman tinignan ni Bob ang results.



"May isang nakatama ng target Athena the rest is daplis lang" saad ni Bob. I know it isn't that easy pero alam ko ring makakaya pa nila 'to.



"Reload. We still have enough time for this training so let's not waste it" I said at mabilis namang pinalitan ang mga objects sa tulong ng mga tauhan ni Papa.



"Copy" they said.



Hindi 'to matatapos hanggat hindi lahat nakakakuha ng perfect target. They just need a perfect timing and angle for them to shoot those in the right target. Concentration lang ang kailangan rito.



-



Nang magsimula ng lumiwanag ang paligid ay itinigil namin ang training rito sa labas. Dinala naman kami ng mga tauhan ni Papa sa isang madilim na lugar, sakto lang para sa training namin.



Wala kaming ibang ginawa ngayon kundi ang training lang.



"Athena" biglang tawag sa akin ni Papa. Agad naman akong nagmano sa kanya. "May improvements na ba?"



"Meron na pa pero hindi pa talaga ganoong natatamaan na talaga ang target" inakbayan niya ako at pasimpleng tinignan ang mga kasamahan ko.



"Feeling bored huh? Mind if you join them?" nakangiting sabi niya sa akin. Agad naman akong naghanda ng mga gamit ko at pumwesto na.



I didn't waste any amount of time for this training. Tama lang ang angle ko at halos perfect shot na ang mga natatamaan namin na ikinatuwa ni Papa. Ready for a battle na nga ba?

Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon