ATHENA'S POV
Sunday came at ang mga kaibigan namin ay umuwi na kasi may pasok pa sila bukas.
"Sama na kayo please, wala akong kakilala doon eh" pagmamakaawa ko sa dalawa habang napapakamot sa ulo ko. Pa'no ba naman, babalik kami doon sa lamay paniguradong walang gaanong ganap dun.
"We need to rest Athena, baka lahat tayo bukas ay late sige ka" pagbabanta ni Sky sa akin. Taena sige na nga.
"Athena halika na" taena sinusundo na ako, wala naman akong magagawa eh. "Sigurado ba kayong dalawa na okay lang kayo rito?" Paninigurado ni Mom sa kanila.
"Yes tita, were going to be fine here" ani ni LG.
'Di talaga ako sasamahan eh, ano kaya pwedeng gawin dun? Sana nandon pinsan ko hayst.
JAYCE'S POV
Nakita ko si Athena dumating rito at kasama ang pamilya niya, sobrang dami nilang pumunta. Nakasuot lamang siya ng Badminton jersey shirt and shorts, baka galing sa training 'to.
"Bro, diba si Athena yun? Yung exchange students ba yun?" tanong sa akin ni Meah, akala ko ba ako lang ang nakakahalata.
"Ah oo" simpleng sagot ko sa kanya alam kong madami silang itatanong kaya pinili ko ang manahimik.
Bakit kaya sila nandito? Magkaano-ano ba kami? Hindi naman siguro kami kamag-anak, eh hindi ko nga nakikita pagmumukha nito sa mga reunion.
Ako nga pala si Kristine Jayce Martirez isa sa mga classmate ng mga exchange students.
Nagkekwentuhan lang kami magbabarkada dito sa labas, marami naman ang naka-assist sa mga bisita kaya hindi na nila ako kailangan doon.
Kanina ko pa napapansin na pa balik balik sa dinadaanan si Athena. May hinahanap ba 'to? Teka nga lang?! Si Michelle yung pinupuntahan n'ya sa labas, magkaano-ano naman sila? Hay nako Jayce nag-iisip ka naman ng kung anu-ano.
Hindi talaga namin maiiwasan ang tingin namin kay Athena, eh ikaw ba naman naka shorts lang at ang babae pa n'ya tignan. Paniguradong pinagpipyestahan na 'to ng mga kumag na naririto.
"Nakakahalata na ba kayo?" tanong ni Novie, lumingon naman kami sa kanya.
"Ang alin?" takang tanong ni Rhea, for sure si Athena ang napaghahalataan n'ya. Si Athena lang naman main topic namin dito.
"Si Athena yung kaklase natin" sagot naman agad ni Novie, napalakas yata ang boses kasi nakita kong napatingin sa direksyon namin si Athena.
Ba't naman kasi nilakasan? Taena malilintikan kami nito eh.
"Ano naman meron sa kanya?" taka kong tanong para naman matapos na 'to, nako naman nakakahiya na.
"Kanina pa siya pabalik balik eh, baka pinag-aaralan na tayo nito" sabi agad ni Meah, taenang 'to kung anu-ano ba naman ang iniisip.
BINABASA MO ANG
Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)
Roman d'amourKaya mo bang ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahalan ninyong dalawa? Handa ka bang harapin ang lahat? Kahit alam mo namang talo ka na. Mahal mo ba siya? O pinaglalaruan mo lang? This story is about the two girl...