LG'S POV
2nd day of July 2018. First day in a new school and third day that we stayed here. Ang pamilya ni Athena ay nakauwi na, kaming tatlo, yung mga kasambahay at yung lola na lang niya ang nandito. Mansion kung tawagin sa nakakarami ang bahay ng lola ni Athena. Tinatawag ito bilang Doña Soledad, napakabuti ng kanyang lola. I missed my grandma.
"Mo sulod namo?" (Papasok na kayo?) tanong ni Doña Lola.
"Opo la" saad ni Athena at humalik na rito.
"Mag amping n'ya mo i-enjoy ang unang adlaw" (Mag ingat kayo at i-enjoy ang unang araw) nakakatuwa at supportado kami ng lola n'ya.
Ang aga yata namin rito, nakakandado pa kasi yung mga rooms nila. Pumasok muna kami dun sa faculty room, hinihintay yung adviser namin. Hindi kami ni required na mag uniform tutal alam naman nila kung ano ang sadya namin at hanggang kailan lang kami rito.
DARIUS POV
Hindi kami pumasok ng umaga noong Friday kasi gumala kami kasama yung tatlo. Nakakapanibago lalo na't hindi kami kumpleto, wala namang papalit sa kanila rito sa school pero pinapalabas nilang exchange students silang tatlo.
"Ang aga-aga nakatulala ka d'yan, miss mo na yung tatlo ano?" pang-aasar sa akin ni Ethan. "Isang buwan lang naman sila doon kaya babalik 'yon" hindi ko na lang ito pinansin.
Sana okay lang sila dun at sana ma-achieve nila yung mission nila.
"Hi Gayleeeee" masiglang saad ni Ethan na nakaharap sa laptop n'ya. Agad naman akong pumunta sa kanya. "Tingnan mo ang bilis makalapit" natatawang saad n'ya pvtang inang 'to.
"Kamusta kayo d'yan?" tanong ni Gayle sa amin.
"Dapat nga kami ang nangangamusta sa inyo eh, kamusta kayo d'yan? First day n'yo kaya galingan n'yo" saad ni Vannes, sa dami ba naming narito sa malamang hindi kami nagkasya sa cam ng laptop ni Ethan.
"Okay naman kami rito, sana nga maganda ang approach nila sa amin" saad ni Sky at nag-uusap pa sila, kinakausap namin silang tatlo para hindi sila nerbyosin.
Hindi gaanong sanay sa ibang tao si Athena, friendly naman si Sky, at madali lang maaproach si Gayle. Sa kanilang tatlo, paniguradong si Athena ang may negative na first impression ng mga students doon.
"Mamaya na lang guys, mag-uumpisa na kami" saad ni Athena at pinatay ang tawag hindi ba naman kami hinintay na makapag-bye.
ATHENA'S POV
Ang init init na rito sa kinatatayoan namin antagal ba naman matapos ng announcement nila. Maraming nakatingin sa amin at hindi na namin 'yon pinansin.
"Girls come with me" we followed our teacher for the mean time.
Nakita n'ya siguro na naiinitan na kami room. Sumilong muna kami sa malaking puno, kanya kanya kaming punas ng aming pawis. Pawis na pawis na kahit umaga pa lang.
"Bakit ganyan kung i-trato ni miss yang mga yan? Kala mo naman kung sino" the four of us heard what the girl said.
BINABASA MO ANG
Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)
RomanceKaya mo bang ipaglaban ang taong mahal mo? Hanggang kailan mo ipaglalaban ang pagmamahalan ninyong dalawa? Handa ka bang harapin ang lahat? Kahit alam mo namang talo ka na. Mahal mo ba siya? O pinaglalaruan mo lang? This story is about the two girl...