Chapter 18

13 3 0
                                    

ATHENA'S POV

Nagdaan ang mga araw at buwan. Maraming na ganap na mga pangyayari sa akin at sa amin ni Jayce. I thought everything will gonna be smooth on my operation but it seems like I'm losing the game.



Unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Sa dinami daming araw at buwan na nakalipas, ngayon pa lang ako nakaramdam ng pagmamahal para sa kanya. Humahanap ako palagi ng paraan upang magkahiwalay na kami pero dadating parin kami sa point na babalik kami sa isa't-isa. Na kahit anong gawing pagpapasakit namin ay babalik at babalik parin kami.



Marami ng nagsabi na toxic na ang aming relasyon. Oo, aaminin ko. Napaka-toxic na ng relasyon namin ni Jayce. Yung tipong kahit na nagloloko na ang isa sa amin, patatawarin at tatanggapin parin namin. Ganito ba talaga 'pag pumasok ka sa isang relasyon?



"Athena? Hindi ka ba busy?" tanong ni Ate Priya sa akin. Nitong mga nagdaang mga buwan ay naging busy ako kasi naging officer ako ng isang organization at may curricular activities pa ako.



I checked my schedule. "Hindi na ate" I said while still looking at my planner. It's a month of February now at malapit na kaming matapos as Junior High Students.



"Ikaw na muna do'n sa hospital" she said feeling exhausted. Lala is now confine at the hospital at ngayon lang ako makakapag-alaga sa kanya.



Agad-agad akong kumuha ng mga gamit ko. Hindi ko pa sanang gustong pumunta kasi nahihirapan akong tingnan si lala na hinang hina na. But still she's my lala and she needs me right now.



-



Agad akong pumasok sa isa sa mga private room nitong hospital. Alam ko'ng ito yung kwarto ni lala kasi rito na siya palagi sa t'wing nadadala siya ng hospital.



"Oh! Akala ko hindi kana bibisita" that's my father's brother. Actually one of his brother. Nagmano naman ako sa kanya at tinignan si lala.



"A-athena? I-ikaw b-ba yan h-heija?" nakapikit ang mga matang saad ni lala. Nahihirapan na siya sa pagsasalita. Agad kong niyakap si lala at ang kaninang mga luhang pinipigilan ko ay kusa ng pumapatak.



"Sorry" I cried. Hinang hina na talaga siya. Ang dating malakas na Doña Soledad na nakilala ko ay hinang hina na ngayon.



"Matutulog muna ako Athena, ikaw muna bahala kay mama" utos ni tito sa akin.



I decided to change her clothes at ayosan siya, pinakain ko narin si lala.



"How's your school?" hinang hinang tanong niya sa akin. Lumalabo na ang kanyang mata kaya pinili niyang pumikit na lamang.



"Fine lala. My grades is high and I want you to be the one who'll put the medal on me. Just like we used to" mapait akong ngumiti. Ramdam ko na bilang na lang ang araw na mamalagi si lala rito. But still I'm hoping that she will be okay, hindi ako nawawalan ng pag-asa.



I rub her hand. The hands that guide me for 16 years.



"Dala mo ba ang gitara mo?" mahina ang kanyang boses pero dinig na dinig ko parin 'yon.



"Opo la" agad ko'ng sagot sa kanya at kandong ko na ngayon ang aking gitara. "Any request?" namumuo na ang mga luha sa aking mga mata.



She smiled. Damn it, I want to see that more. Please extend her life Lord, I'm begging you.



"Yung kanta ng Apo Hiking... Yung, When I Met You" natahimik ako sa sinabi niya. Ngayon lang siya nag-iba ng kantang ni request. "I know nagtataka ka kung bakit yan ang request ko" I caress her hand. "Ito kasi yung kantang nai-play 'nong ipinanganak ka. I always say na dapat nandyan ako lagi sa tabi mo. Achieving every milestone that you will receive. At hindi ako nagkulang doon, nasubaybayan ko ang paglaki at mga tagumpay mo apo" umagos na naman ang mga luha ko sa kwento n'ya.



Is it Worth Fighting for? (Pride Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon