Chapter 50

4K 245 27
                                    

50:

Matapos maayos ng problema tungkol sa pamilya nina Moxielle ay unti-unti ring nanumbalik sa ayos ang mga bagay-bagay sa paligid nila. May iilan na hindi na katulad dati pero ang mga ganoong pagbabago ay naging maganda naman ang epekto sa kanilang magpamilya.

Katulad nga ng sabi ng ama ni Moxielle na gusto na nito ng tahimik ng buhay kaya naman ilang araw lang matapos manggaling sa press conference ay nag-resign na ito sa firm na pinagtatrabahuhan at nagdesisyon na lang na mamalagi sa bahay.

Sumunod naman sa kanya si Irena na tuluyan naring nagretire mula entertainment industry.

At dahil sa ginawa ng mag-asawa ay nabulabog na naman ang mga tao. Pero ngayon hindi na masyadong magulo hindi katulad nung una. Karamihan din naman kasi ng mga tao ay nakakaintindi sa dahilan ng dalawa. Kaya masaya na rin sila para sa mga ito.

But not Moxielle. Dahil nagkabati na sila ng tunay na mga magulang at marami narin ang mga ito na libreng oras kaya naman siya ang napipwerwisyo. Alam niyang bumabawi ang dalawa pero sumusobra naman ata dahil parang tinuturing siya ng mga ito na isang bata. Jusko, nasa mid-twenties na siya pero parang sa tingin ng mga ito ay may posibilidad pa na maliligaw siya sa kung saan kaya kada-oras ay tumatawag ang mga ito sa kanya para kamustahin siya. Para tingnan ang kalagayan niya.

Masaya siya dahil binibigay na ng mga magulang niya ngayon ang atensyon na ninanais niya noon pero hindi niya naman hiniling na labis-labis ang ibigay ng mga ito. Parang nakakasakal na minsan.

At isa pa, hindi pa nga nakuntento ang mga ito sa paminsan-minsan niyang pag-uwi sa bahay nila dahil bumili pa talaga ang mga ito ng bahay sa City B, kung saan iyung malapit pa sa bahay ng mga McCoy.

Dahil nahahati daw ang oras niya sa pagbisita sa mga ito at sa mga McCoy kaya naman nagdesisyon ang mga ito na bumili ng bahay na malapit sa mag-asawa at doon na manirahan para mamaximize daw ang oras ng pagdalaw niya. Para na tuloy silang extended family na may family time tatlong araw sa isang linggo.

"At andito ka kasi?"

Napatingin si Moxielle kay Imara na siyang nagtanong. Nakaupo ito sa usual nitong inuupuan at syempre nakaharap na naman ito sa mga papeles na tinatrabaho. Habang siya naman ay nakaupo sa sofa sa opisina ng babae at inaabala ang sarili sa pagtingin-tingin sa mga magazine na nasa ibabaw ng mesang katapat lang niya.

"Para naman maiba ang paligid. Kung hindi kasi sa bahay ni Eira ay sa bahay ako ng mga magulang ko naka-stay," sagot niya tapos ibinalik din kaagad ang atensyon sa magazine na tinitingnan niya kanina.

"Wow! Pangchange of environment lang pala ang opisina ko. Wala ka bang ibang gagawin? Bakit hindi ka sa opisina ni Eira magpunta?" sabi naman ni Imara na may pagrereklamo.

Hindi na siya tumingin kay Imara at sumagot na lang. "Ni hindi pa nga ako nakakatapak sa lugar na iyon tapos magbabalak pa akong tumambay doon?"

"So dito ka na lang tatambay?"

Napatingin na siya dito.

"May masama ba kung dito?"

"Opisina ko ito."

"Kaibigan mo ako."

"Ano'ng connect?"

"Wala lang."

Napailing-iling ang kaibigan niya dahil sa sagot niyang iyon. Minsan may saltik talaga siya sa ulo kaya alam niyang naiintindihan na siya nga kaibigan niya. Pero kahit naiintidihan ay hindi parin siguro talaga nito ma-carry ang pagiging may saltik niya sa ulo.

"Anyway, bakit hindi na lang yung girlfriend mo ang bulabugin mo hindi yung dito ka nandidistorbo."

Sumimangot siya sa kaibigan. Parang pinaparating pa nito na abala siya. Sabunutan niya kaya ito?

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon