Chapter 27

4.3K 264 20
                                    

27:

Nasa kalagitnaan ng meeting si Eira ng matanggap niya ang tawag. Walang pagdadalawang isip na lumabas siya sa meeting room at iniwan doon ang mga tao. Nakatanga naman sa kanya ang mga empleyado na kanina lang ay kausap niya kahit pati ang mga magulang niya at ang kapatid na si Jax ay nakatingin lang din sa kanya hanggang sa makalabas siya ng walang paalam.

Walang ano-ano ay sumunod din na lumabas si Jax. Hinanap niya kung saan ang ate niya at nakita niya ito sa hindi kalayuan at may kausap parin sa phone. Pero hindi tulad kanina ay mas masama ang mukha ng kapatid niya dahil galit na galit ito sa kung sino mang kausap nito.

"You had one job! Bakit kahit yun hindi mo magawa ng tama!"

Kahit si Jax ay natakot dahil sa biglang pagsigaw na iyon nga kapatid niya. Wala siyang maisip na ibang gagawin kaya nilapitan na niya ito.

"Magdasal ka na walang ano man na masama ang mangyari sa kanya dahil kung meron nga makikita mo na lang ang sarili mong hindi na humihinga! Narinig mo ko!"

Halos mabingi si Jax sa lakas ng boses ng ate niya. Napahawak pa nga siya sa tenga niya na nasaktan dahil doon.

"Ate, kumalma ka naman."

Isang masamang tingin ang binigay ni Eira sa kanya kaya napaatras siya ng kaonti. Nabigla siya kasi ang sama talaga ng mood ng ate niya. Parang isang kibot nalang dito at makakapatay ito ng tao, yung harap-harapan.

"Hindi mo pwedeng sabihin sa akin kung ano ang gagawin ko, Jax. Not when I know that Rose has been kidnapped!"

Nakita ni Jax na umulbo ang ibang ugat sa leeg ng ate niya para lang sabihin iyon sa kanya. Natihimik tuloy siya pero sa loob-loob niya ay nag-aalala siya sa nalaman. Kaibigan na ang turing niya kay Rose kaya hindi niya rin gugustuhin na may mangyari na masama dito.

Naisip naman niya na ang tanging tao na maaring makahanap lang rin kay Rose ay mismong taong kaharap niya ngayon. Kailangan niyang kausapin ito. Kaya naman nilunok niya ang takot at nagsalita na.

"Calm your nerves like you always does, ate. Alam kong alam mo na may kakahayaan kang hanapin siya. You can track her down. Pero hindi mo magagawa ng mabuti iyon kung magpapadala ka kaagad sa emosyon mo. Ito na ang time na kailangan ka ni Rose, more than ever."

Napatingin naman si Eira sa kanya at kita niya na unti-unting nawawala ang mala-beast mode nitong mukha. Nang bumalik sa dating wala-akong-pake ang expression nito ay alam ni Jax na nagpaplano na ito sa utak nito.

"Tawagin mo si Warren. Aalis tayong tatlo," utos nito sa kanya.

"Kasama ako?" takang tanong niya.

"Gusto mo bang maiwan?" taong naman nito pabalik.

"Hindi---"

"Just go and call Warren. Nag-aaksaya ka ng oras."

Dali-dali na siyang tumakbo pabalik sa meeting room. Sa loob ay mga magulang na nila ni Eira ang kausap ng mga tao doon. Inaasikaso na ng mga ito ang naiwan na trabaho ng nakakatandang kapatid niya.

"Mom, Dad, pasensiya na pero hindi na makakabalik si ate dito. Pinapatawag niya rin si Warren dahil may pupuntahan daw kami."

Tiningnan niya naman si Warren at sumenyas dito na lumabas na at mauna ng pumunta kay Eira. Tumango naman ito at naglakad palabas.

"Ano bang problema niya at bigla na lang siyang lumabas?" usisa naman ng ina niya.

"Mom, ikukwento ko na lang mamaya sa inyo. For now, kayo na lang po muna ang bahala dito. Sasamahan ko muna si Ate dahil baka magwala na naman iyon."

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon