6:
Kilala niya ang kaibigan niya at alam niyang paborito nito ang kape kaya naman sa isang coffee shop niya ito inimbitahan.
Nang makakita ng pwesto sa pinakadulong parte ng shop ay agad nila iyong inukupa. Agad may lumapit na waiter sa kanila at kinuha ang order nilang dalawa. Pagkatapos mag-order ay iniwan na sila ng waiter at nagpunta sa counter.
"So how are you? Hindi na talaga tayo nakapag-usap pagkatapos ng graduation. Gaga ka, hindi mo ako tinawagan o kahit text hindi ka nagsend sa akin."
Nagpout sa harap niya si Imara. Napangiti tuloy siya dahil tulad noon ay sa kanya lang talaga ito nagpapakita ng ganoong ugali. She's the only one who had seen her cute side!
Kunwari pang galit ang isang ito.
"Imara Ruth Valencia wag mo akong madaan-daan sa ganyan dahil walang epekto iyan sa akin. Tsaka kanino kayang kasalanan kung bakit hindi na tayo nagkaroon ng komunikasyon pagkatapos?" sagot niya. Binigyan niya pa ito ng masamang tingin para makonsensiya.
"Ehhh. Alam namang may problema ako nun. Dapat kinausap mo ako pagkatapos," sabi naman nito. Mas lalong nagmukha itong bata na inaway. Konting push na lang at mas mataas na ata ang nguso nito kesa sa ilong kaka-pout nito.
"Nawala ang phone ko kaya hindi ako nakatawag o text sa iyo. Kahit chat hindi ko rin nagawa dahil wala naman akong Facebook o Twitter. Nabusy din ako kakahanap ng trabaho after graduation. Nung nakagawa na ako ng social media account pagkatapos ay ikaw naman ang may deactivated account. Hindi din naman kita mapuntahan sa bahay niyo dahil hindi mo sinabi sa akin kung saan kayo lumipat.Bigla ka na lang nawala."
Kung nakatayo lang sila ay siguradong nilagay na niya ang mga kamay sa bewang at tinaasan ng kilay. Napayuko ang babae sa sinabi niya.
"Pasensiya na kung hindi ako nakapagsabi sa iyo." Dinig sa boses nito ang lungkot. Mukhang umiyak din ito ng konti pero hindi siya sigurado dahil nakayuko ito.
This cute thing.
Napabuntong-hininga na lang siya para sa kaibigan.
"Hayaan na natin iyon. Ang importante andito na tayo at magkasama na ngayon. I hope this time ay wala ng iwanan."
Mabilis na umangat ang ulo nito at tiningnan siya ng masaya. Kinuha pa nito ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa mesa at nilapit nito sa sarili.
"I promise this time I'll be by your side no matter what will happen."
She smiled helplessly because of those words. Mula nung college ay sila na talaga ang magkasama. Wala silang kaibigan na iba pero kontento na sila sa isa't isa. Kaya nga nasaktan siya ng mawala ito ng hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Ni hindi man lang ito nagsabi kung saan ito pupunta. She tried to find her.
Sa huli ay hinayaan na lang niya ang tadhana sa kapalaran nilang magkaibigan. And she's thankful enough because right in that moment, they are now in each others company again.
"Ayusin mo naman ang salita mo. You sounded like my lover and I have given you a second chance that's why you're so happy right now."
Natawa lang ito sa sinabi niya. Binitawan na nito ang kamay niya at agad na kinuha ang kape mula sa tray na hawak ng waiter na nasa tabi na pala nila.
Nagulat yung waiter kasi ibaba palang nito ang tasa ng kape pero nauna na si Imara na kunin iyon. Napatingin tuloy kay Rose yung waiter. Ang mata nito ay nagtatanong kung bakit ganoon ang kaibigan niya. Nginitian na lang niya ng alangan ang lalaki. Wala na silang magagawa. Adik yung babae sa kape eh.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
General FictionIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...