41:Dahil sa biglang pagkahiya ay niyakap na ni Moxielle ang babae. Itinago niya ang namumulang mukha sa pagitan niya at ng katawan ni Eira.
Sa biglang ginawa ni Moxielle ay nahila niya ng konti si Eira pero mabuti na lang at maagap na naitukod ni Eira ang mga kamay sa magkabilang parte ng kama para maiwasang maipit si Moxielle. Sa bilis ng pangyayari ay naisip niya parin kaagad ang kalagayan ni Moxielle kaya niya nagawa iyon.
Pero kahit sa ganoong pangyayari ay hindi maiwasan ni Eira na mapangiti ng malapad dahil sa pagyakap sa kanya ni Moxielle.
"Akala ko may sasabihin ka sa akin. Kung gusto mo pala akong yakapin ay dapat sinabi mo lang para ako na yumakap sayo. Pinagod mo pa sarili mo."
Akala mo ay nag-aalala si Eira sa kalagayan ni Moxielle ng mga oras na iyon per dinig na dinig ng kasama niya ang pang-aasar sa boses niya kaya mas lalo lang tuloy nahiya ang dalagang nakayakap sa kanya.
Pero dahil dala narin ng pagkaasar ay hindi narin napigilan ni Moxielle ang sarili at kinurot na niya ang tagiliran ni Eira. Napangiwi sandali yung isa ng maramdaman ang sakit mula sa pangungurot ni Moxielle.
"Niyakap lang kita kasi alam ko na nagselos ka nung nakita mong magkayakap kami ng kaibigan ko. Para naman makuntento ka at hindi na masama ang loob mo kaya ko ginawa ito," sabi pa ni Moxielle na pahabol matapos nitong kurutin si Eira.
"Ako? Nagselos? Hindi ko gagawin iyon. " puno ng determinasyon na itinanggi ni Eira ang bintang sa kanya ni Moxielle pero hindi naniwala yung isa.
"Hmmmp! Talaga lang ah!" ganti naman ni Moxielle.
"Mukha siguro akong tanga sa mga mata mo pero Ms. Saavedra sinasabi ko sayo ngayon palang na gumagana ng tama ang utak ko. Alam ko na may gusto ka sa akin, hindi ako ganoon ka manhid para hindi mapansin o maramdaman man lang iyon. At tsaka hindi rin ako ganoon kasama para ipagsawalang bahala ang lahat."
Sa sinabing iyon ni Moxielle ay biglang bumigat ata ang mood sa kuwarto ng mga oras na iyon. Sumeryoso ang mukha ni Eira dahil sa narinig. Hindi niya lang inakala na alam na ni Moxielle ang nararamdaman niya kahit hindi pa naman siya nagtatapat dito.
"You knew?"
"Ganoon na ba kamanhid ang tingin mo sa akin, Big Boss?" hindi makapaniwalang tanong pabalik ni Moxielle sa kanya. Dahil nakayakap parin ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito. Hindi niya tuloy malaman kung galit ba ito o ano. Baka na offend niya ito sa sinabi niya.
"Then, when did you start to notice?" tanong na lang niya.
"Nitong nagdaan lang," mabilis nitong sagot. "Akala ko kasi nung una parang pet lang ang turing mo sa akin kaya ganoon ka ka-attentive pag ako ang pinag-uusapan. After all, kahit papaano ay natutuwa ka dahil sa akin kaya kahit konti ay bumabawi ka. Iniisip ko na weird way of thinking mo lang iyon. And then recently, I took notice of it. Your feelings, I mean. I really want to deny the idea but then my friend, who you scared a lot a while ago, noticed it too. May mga sinabi siya sa akin na naging daan para mapagtanto ko ng buo ang ang nararamdaman mo....at siguro pati narin ang nararamdaman ko."
Nangunot ang noo ni Eira dahil sa huling sinabi ni Moxielle. Hindi niya nakuha ang ibig sabihin ng babae sa sinabi nito.
"Ano'ng ibig mong sabihin na 'pati ang nararamdaman' mo?"
Ayaw umasa ni Eira pero hindi niya mapigilan ang pananabik na namumuo sa loob niya lalo na sa puso niya ng mga oras na iyon.
They met unexpectedly. And also unexpectedly, she took interest with this woman that eventually turned into something else. Love.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
General FictionIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...