16:May trabahong nakita si Rose...pero hindi pa iyon sigurado dahil kailangan pang dumaan sa screening bago malaman kung sino ang kukuning model sa i-re-release na item ng isang kilalang brand, ang Secret.
Baguhan man at hindi kilala ay gusto paring mag-audition ni Rose kaya pumayag na lang si Imara dahil naisip nito na wala namang mawawala sa kanya kung susubok siya. At saka opportunity na rin iyon para masanay si Rose sa mga ganoong bagay dahil limited nga ang naging experience nito dahil hindi ito pinagtuonan ng pansin ng dating agency nito.
Maagang nagbihis si Rose ng dumating ang araw ng audition. Pero kahit gaano siya kaaga nagising ay hindi niya parin naabutan na nandoon pa si Eira sa bahay nito. Tulad nga ng sabi nito ay gabi niya lang ito nakikita sa bahay. Kung wala namang trabaho ay buong araw itong nagkukulong sa study room at hinaharap ang tambak na mga papeles na dala nito mula sa trabaho.
Nagpunta siya sa isang coffee shop at doon nagpasundo kay Imara. Ayaw niyang magtanong pa ang kaibigan tungkol sa isa niya pang 'trabaho' kaya palaging sa coffee shop na yun siya nagpapasundo.
Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil dumating din kaagad si Imara. Pagdating nila sa venue ay bumungad sa kanila sa loob ang isang linya ng mga babaeng puro high profile sa mundo ng entertainment industry. Sino nga bang papalagpasin ang opportunity na makapagtrabaho under Secret, one of the top selling brands in the country.
Nang makita siya ng iilan at hindi makilala ng mga ito ay agad siyang pinag-usapan.
Ang lakas daw ng loob ng isang tulad niyang no name sa industry para magpunta sa lugar na iyon. Ang kapal daw ng mukha niya para mag-assume na tatanggapin siya.
Kahit 'bulong' ang mga iyon ay narinig pa rin niya. Malakas talaga ang pandinig niya mula pa noon pero dahil sadyang gusto ng mga ito na marinig niya ang sinasabi ng mga ito ay siguradong maririnig niya talaga iyon.
Hindi niya pinansin ang mga panghuhusga sa kanya. Ano namang pake niya sa isipin ng mga ito sa kanya?
Sarili niya iyon kaya siya ang mas lubos na nakakakilala kung ano at sino siya. At tsaka tulad ng sabi ng ate niya sa coffee shop, kung may tiwala siya sa sarili ay mas malayo ang mararating niya. She don't need to have room for doubt if she wants success.
Siya ang pinakahuling aplikante doon. Kaya naman ng tawagin siya at naglakad papunta sa room kung saan ang mga judges ay pinagtitinginan talaga siya.
Nang makarating sa tapat ng pintuan ay huminga muna siya ng malalim at inayos ang sarili pagkatapos.
Pumasok siya sa loob na determinado at walang kakaba-kaba.
Sa loob ay may inabot sa kanya yung assistant na siya ring tumawag sa kanya. Dinala siya nito sa isang changing room at doon niya sinuot ang damit na inabot nito pagpasok niya.
Paglabas niya mula doon ay agad siyang nakita ng mga judges. Nagulat sila sa babaeng papalapit sa kanila.
She looks elegant while walking slowly towards them. Her aura is imposing that's why their attention is on her.
Napabilib sila ni Rose. Napahanga pa dahil sa galing ng pagdadala nito ng damit na ipinasuot nila. Parang ang dating ay ginawa ang damit para dito.
Lahat ng galaw nito ay maganda sa paningin. Ang bawat kembot ng bewang nito, ang stance nito, lahat iyon ay umaayon sa damit na suot. Eni-emphasize ng galaw ng dalaga ang damit at kahit gaano pa kaganda ang babaeng nasa harap nila ay hindi nila maiwasang hindi mapatingin sa suot nitong damit. Hindi inaagaw ng mukha nito ang atensiyon sa damit imbes ay kino-compliment pa nun ang suot nito.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
General FictionIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...