Chapter 4

7.2K 350 55
                                    


4:

Natigilan ang dalawang magkapatid sa ginawa ni Rose. Nang makabawi si Jax ay napangisi kaagad siya.

Nice one, future sister-in law!

Habang nagdidiwang ng tahimik ang lalaki ay tinapos naman ni Rose ang paghalik ay Eira. Hindi na magkalapat ang labi nila pero tulala parin ito dahil sa nangyari.

Naglakad papunta sa direksyon ni Jax si Rose. Susugaban na sana siya nito pero naalarma na pala si Eira ng mga oras na iyon. Pinulupot niya ang mga braso sa bewang ni Rose para mapigilan ito sa paglapit sa kapatid. Balak nitong halikan pati si Jax!

Habang mas lumalakas ang pagpupumiglas ni Rose ay mas lalong sumasama ang mukha ni Eira.

Hindi ka ba kuntento sa paghalik sa akin at pati si Jax gusto mo ring halikan?!

Napalunok si Jax dahil sa nakitang ekspresiyon ng ate niya. Hindi nito nagustuhan na pati siya ay hahalikan sana ni Rose. Naisip niya tuloy kaagad na mas mabuting lumayo na lang muna sa dalawa.

"Auh...Ate ikaw na bahala diyan," tsaka siya kumaripas ng takbo papalayo sa dalawa. Nagpunta na lang siya sa sala at nanood ng TV. Hahayaan na niya ang ate niya na gumawa ng paraan para mapatigil ang lasing na si Rose.



"Bitiwan mo ako, Big Boss!"

Pinilit nitong alisin ang mga braso niya sa bewang nito pero hindi nito magawa.

"Hindi! Dito ka lang hanggang hindi ka pa nahihimasmasan."

"Ayoko nga!"

Mas naging madilim ang ekspresiyon niya.

"Bakit ba gusto mong kumawala sa akin?"

"Ayaw mo naman sa halik ko kaya kay Jax ko na lang ibibigay," nasa tono ni Rose ng mga oras na iyon ang inis. Hindi nito nagustuhan na hindi tumugon si Eira sa halik niya.

"What?!" nagulantang si Eira. At dahil sa gulat ay nawala ang pwersa sa braso niya na ginamit para pigilan si Rose. Mabilis naman iyong naramdaman ng babae kaya agad itong kumawala sa pagkakahawak ni Eira.

Lalabas na sana siya sa kusina para habulin si Jax pero napatigil siya sa paglalakad.

"Hindi ka lalabas!"

Halos lumabas ang ugat sa leeg ni Eira sa pagsigaw. Nakatiim-bagang din siya dahil sa pagpipigil sa galit na gustong kumawala sa katawan niya.

"Lalabas ako kung gusto ko, Big Boss. At saka ano ba ang paki----"

Nagulat si Rose dahil mabilis na nakalapit si Eira sa kanya. Napaatras tuloy siya.

"May pakialam man ako o wala ay susundin mo parin ang sinabi ko," maawtoridad na saad ni Eira sa kanya.

Paabante ito ng paabante papunta sa kanya ay ganoon naman ang pag-atras niya. At ng mabangga ang likod niya sa pader ay kinabahan na siya. Mako-corner na siya ni Eira!

Aalis na sana siya sa posisyon niya pero mabilis na nakulong siya sa pagitan ng dalawang braso nito.

"Sabihin mo, Miss Santos. Hindi ka ba kuntento sa akin at kailangan mo pang maghanap ng iba?"

She felt the danger from the way she spoke those words. Nanginig siya ng konti dahil doon. Did she just provoke a dragon right now?

"I-I...well..." hindi makahanap ng tamang sasabihin ni Rose. How can she do it if she's under Eira's blazing stare. 

Clearly, the girl is really mad. Mas lalo pa siyang nainis ng iniwas ni Rose ang mukha sa kanya. Ang dating kasi sa kanya ay parang ayaw nito na magkalapit sila ngayon.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon