19:
Paggising ni Rose ay wala na si Eira sa bahay. Maaga na naman itong pumasok.
Nang malaman iyon ni Rose ay nakahinga siya ng maluwag. Hindi niya alam kung paano niya haharapin si Eira dahil ULI may ginawa na naman siyang kagagahan.
Hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya ba kayang kontrolin man lang ang sarili kapag lasing?
Naaalala niya palang kung gaano sila kalapait na dalawa kagabi ay gusto na niyang saksakin ang sarili. Bakit ang lakas ng loob niyang gawin iyon?
"Hindi na talaga ito maganda," sabi niya pa habang nakaupo sa sofa. Sinabunutan niya pa ang sarili pagkatapos dahil sa panggigigil.
Matapos kainisan ang sarili ay nagpasya na lang siyang maghanda ng makakain sa umagang iyon. Timing naman na habang nagluluto siya ay tinawagan siya ni Imara.
"Oh?" Inipit niya nag phone sa pagitan ng gilid ng ulo niya at ng balikat. Kailangan niya kasing haluin yung niluto niya.
"Naasikaso ko na yung tungkol sa mga offer na tinanggap mo. Punta ka dito para makita mo ng personal yung schedule mo. Baka kasi may mga gusto ka palitan kaya mas mabuti kung andito ka."
"Ganoon ba? Ang bilis mo talagang mag-trabaho, Im. Idol na talaga kita."
"He!"
"Ito talaga ayaw pinupuri."
"Ewan ko sa'yo, Rose. Kapag kasi galing sayo parang ang insincere," sabi naman nito sa kanya at tumawa pa pagkatapos.
"Ouch naman! Ako pa talaga ang insincere?"
Naglokohan pa muna sila bago siya inutusan ni Imara na ibaba na ang tawag dahil may gagawin pa ito. Sinunod naman niya dahil tapos narin siya sa niluluto.
Bago siya kumain ay tinawag niya muna ang mga kasambahay pati narin ang guwardiya na nagbabantay sa gate. Marami kasi yung niluto niya at hindi niya iyon mauubos kaya imbes na itapon ay ipapakain na lang niya sa mga taong kasama niya lagi sa bahay.
Mga taong lumilitaw lang kapag tinatawag. Kapag kasi magkasama sina Eira at Rose ay hindi sila nagpapakita. Binibigyan nila ng pagkakataon na mag-moment ang dalawa!
Matapos kumain ay nagpunta na si Rose sa kuwwarto niya para maligo. Nagpresenta na kasi ang mga kasambahay na sila na ang magliligpit ng kinainan nila. Parang tinaboy pa siya ng mga ito mula sa kusina.
Nang nakaligo na siya ay nagbihis lang siya ng simple at nagpunta na sa M-Light. Pagdating niya sa agency ay nagtaka siya.
Naglalakad siya sa lobby ng mapansin niya na ang daming nakatingin sa kanya. Yung iba ay nagbubulungan pa.
"Ano namang problema nila?" tanong niya sa sarili. Wala naman siyang maalalang ginawa para pag-chismisan ng mga ito.
Nagkibit-balikat na lang siya at dumiretso na sa opisina ni Imara. Pagpasok niya ay humilata kaagad siya sa sofa.
"Ki-aga-aga pero mukhang tinatamad ka na," puna ni Imara ng makita ang posisyon niya.
"Ewan ko rin kung bakit," pagsisinungaling niya. Alam niya naman ang totoong dahilan kung bakit parang wala siyang enerhiya ng umagang iyon. May hang-over pa siya!
"Tumayo ka na diyan at tingnan ito." Inilapag ni Imara ang isang papel sa mesa malapit sa sofa na hinihigaan niya.
Napaupo naman siya ng makita iyon. Inabot niya at binasa ang laman ng papel.
"Okay naman," komento niya.
"Sigurado ka? Wala ka ng ipapabago diyan sa schedule mo?"
"Wala na." Inabot niya yung papel kay Imara. Kinuha naman nito.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
Ficción GeneralIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...