Chapter 18

4.6K 266 13
                                    


18:

Busy sa pagtingin-tingin sa magazine si Rose habang nasa loob siya ng opisina ni Imara. Ang nasabing babae naman ay busy din pero sa pagbabasa naman ng balita mula sa phone niya.

Na-curious lang siya dahil ng umagang iyon ay sumabog ang balita tungkol sa eskandalong ginawa ni Farrah, ang babaeng tinawag ni Rose na 'rejected pumpkin' kagabi.

Ang malala pa kasi ay nakisabay pa sa balita ang paglabas ng di kanais-nais na video kung saan ito ang bida.

Isang gabi lang ang lumipas at nasira kaagad ang pangalang iniingatan nito. 

"Alam mo ba ito?" usisa niya sa kaibigan pero hindi naman siya pinansin.

"Nevermind na lang," sabi niya pa. Alam niyang siya lang ang nakarinig nun dahil panigurado at umatake na naman ang isa sa mga 'sakit' ng kaibigan niya.

Ibinalik na lang niya ang tingin sa binabasang balita. Hindi talaga siya makapaniwala na ang bilis umaksyon ng karma. Hindi naman sa natutuwa siya sa nangyari sa babae pero she kind of deserve it naman kasi.

"Nga pala, Rose, may mga dumating pala na mga sulat para sa iyo." Nagbakasakali siyang maririnig ng kaibigan. Naalala kasi niya na kailangan nilang pag-usapan ang tungkol doon. Susunod na hakbang na iyon para sa career nito.

Luckily ay narinig siya ni Rose kaya napatingin ito sa kanya.

"Sulat?"

"Oo. Ang dami mong na-impress kagabi kaya kaninang umaga ay madaming dumating na sulat para sa iyo."

Lumapit si Imara kay Rose dala-dala ang sinabing mga sulat. Inilapag niya iyon sa mesa na katapat lang ng kaibigan niya.

"Tingnan mo at sabihin mo sa akin kung saan ka interesado para mapag-usapan natin kaagad."

Isa-isang binasa ni Rose ang mga sulat at ng dumating siya sa pinakahuling sobre ay nagulat siya sa naka-imprintang pangalan sa harap nun.

REGAL.

"Im, totoo bang sila ang nagpadala nito?" Tinanong na ni Rose ang kaibigan para makasigurado. Hindi basta-basta ang brand na Regal. Kaya nagdududa siya kung bakit mag-o-offer din ito sa kanya, isang hindi kilalang model.

Kinuha naman ng babae ang sobre at tiningnan ng mabuti.

"Mukhang totoo naman eh. May seal pa nga nila," sabi naman ni Imara at itinuro pa ang official seal na nakatatak sa sobre.

Ibinalik ni Imara sa kanya ng sobre. Alangan naman niya iyong kinuha.

May duda man ay binuksan na niya ang sobre at binasa ang nilalaman nun. Nagulat siya sa nabasa.

Iniimbitahan siya na maging bagong indorser ng nasabing brand. Napakurap-kurap siya. Kinurot-kurot niya pa ang pisngi para lang masiguro na hindi siya nananaginip.

"Bilib na talaga ako sa powers mo, Rose. Nagawa mong mabingwit pati ang Regal. Kahit yung dating hinahawakan ko hindi nila mapansin-pansin tapos ikaw na bago lang ay pinagka-interesan kaagad nila."

Napangiti naman siya ng konti sa sinabi ni Imara. Pero may kutob siya kung bakit ginawa iyon ng Regal.

"Tatanggapin mo ba?"

"Oo naman," mabilis niyang sagot. Ito na ang pinakamalaking oportunidad na natanggap niya mula ng maisipan niyang magmodelo. Masyado iyong malaki para pakawalan niya pa.




On the other side...

"Nagawa mo ba yung inutos ko?"

"Oo, boss. Sigurado hindi na siya makakabangon pagkatapos nito."

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon