24:Kinabakasan ay maaga pang nakahilata si Rose sa couch na nasa opisina ni Imara. Wala siyang gagawin sa araw na iyon dahil hindi nga natuloy yung offer sana na tinanggap niya. Nabwisit tuloy uli siya ng maalala ang pagmumukha ng CEO ng DT.
Pwede naman sana siyang pumasok sa coffee shop sa araw na iyon pero inis din siya sa may-ari kaya ayaw niya muna bumalik doon. Hindi niya alam kung kelan siya babalik o kung babalik pa ba siya matapos nung nangyari. Ngayon na alam niya na may tsansa na magkita uli sila ng ina niya?
"Ang aga-aga andito ka na naman," puna sa kanya ni Imara na nasa table nito at nagbabasa ng iilang papeles.
"May reklamo ka?"
"Ang suplada ng dating mo ngayon ha."
"Ang aga-aga kasi kinukwestiyon mo na kung bakit ako andito. Malamang wala akong trabaho kaya andito ako."
"Eh bakit parang sa akin ka galit?"
"Galit ba ako?"
"Hindi ba?"
"Alam mo, aalis na lang siguro ako."
At tumayo nga siya mula sa kinahihigaan niya. Inayos niya pa ang sarili ng pigilan naman siya ng kaibigan.
Inilapag nito ang hawak na mga papeles at tumingin sa kanya ng nakangiti.
"Gutom lang yan, friend. Hindi ka ba nakakain ngayong umaga?"
Lumapit si Imara sa couch na pinaggalingan niya at ito naman ang umupo doon.
"Nakakain ako. Masama lang talaga ang mood ko dahil kinukwestiyon ko din ang sarili ko kung bakit wala akong ginagawa ngayong araw."
Napakamot naman sa pisngi ang kaibigan niya. "May trabaho ka naman sana ngayon kung natuloy lang yung sa DT. That shithole of a company."
Natawa naman siya sa biglang pang-iinsulto ni Imara sa DT. Siya sana ang gagawa kaso inunahan na siya ng kaibigan niya. Magkaibigan nga sila.
"I hope---"
Biglang tumunog ang phone ni Imara kaya hindi niya natuloy ang sasabihin. Napatingin na lang siya sa kaibigan na kinukuha naman ang phone sa bulsa ng pantalon nito.
"Notification lang pala. Akala ko kung ano," sabi ng kaibigan niya.
"Ano bang sabi?" Tinanong na lang niya dahil ayaw na rin niya balikan ang topic na tungkol sa DT.
"The heck?!" Nagulat din siya ng biglang sumigaw ang kasama niya sa silid habang tutok ang mga mata nito sa screen ng phone. Na-curios din tuloy siya kung ano ang nakita nito na napasigaw pa talaga ito.
Nung pumunta siya sa likod nito at sinilip ang binabasa nito ay ganoon na lang ang pagtataka sa mukha niya.
Kakakita niya lang sa CEO ng DT kagabi tapos bigla-bigla ay mag-a-aanounce ito ng bankruptcy sa umagang iyon? It doesn't feel right. At tsaka ang sabi pa sa balita ay may kinakaharap pang kaso ang lalaki dahil narin sa mga 'under the table' transactions na nakasangkutan nito at ng kompanya nito.
Aba isang gabi lang ay nawasak ang pangalan nito katulad nung kay---wait, coincidence lang ba talaga ang lahat. If once lang sana nangyari ang ganoon kabilis na pagbagsak ng isang tao ay maniniwala pa siya na pagkakataon lang pero twice? At pareho pang na-involve sa kanya ang dalawa. Parehong may kasalanan sa---
"--this is your last."
Naalala niya bigla ang mga huling katagang sinabi ni Eira kay Dmitri kagabi. Pupusta siya na hindi lang rin nagkataon na tumugma ang sinabi ng babae sa nangyari kay Dmitri kinaumagahan.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
Ficción GeneralIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...