Prologue

26.1K 517 29
                                    

Prologue:

"Hindi pa iyon nakakalayo!"

Nang marinig ang mga papalayong yapak ay kahit paano nakahinga siya ng maluwag. Ang kanina'y pigil-pigil niyang hininga ay normal na niyang nagamit pagkatapos.

Napahawak siya sa ulo dahil sa sakit na kanina niya pa nararamdaman mula doon. "Shit ang sama ata ng tama," sabi niya pa ng makitang may dugo ang kamay. Naramdaman niya kasing basa iyon kaya tiningnan niya.

Hinay-hinay niyang itinayo ang sarili dahil sa sakit na nararamdaman sa buong katawan. Hawak niya rin ang tiyan na nasaktan din kanina. Nasuntok siya sa sikmura nung isang goon kaya ganoon na lang ang kalagayan niya.

Pinilit niya ang sarili na maglakad. Kailangan niyang makalabas sa eskinitang iyon sa lalong madaling panahon dahil posibleng bumalik sa lugar ang mga lalaking balak siyang patayin. Kung makakalabas siya doon ay baka makakita siya ng taong makakatulong sa kanya.

Nang makalabas siya sa eskinita ay natagpuan niya ang sarili sa gilid ng daan. Nagliwanag ng konti ang mukha niya ng makitang may papadaang kotse sa gawi niya. Kahit masakit ang katawan ay binilisan niya ang galaw para makarating sa gitna ng daan para mapahinto ito at ng makahingi siya ng tulong sa nakasakay doon.

Pero ng makarating siya sa gitna ng daan at ng mapatingin doon sa kotse ay nasilaw siya sa ilaw mula dito. Biglang umikot ang paningin niya at kalaunan ay nanilim ang mga iyon.

Bago siya tuluyang mawalan ng malay ay narinig niya ng panandalian ang pagkataranta ng taong sakay ng kotse.

"Isakay mo sa kotse! Dali! Dalhin natin siya sa ospital!"














Nakatingin ang mag-asawa sa babaeng nakita nilang nahimatay sa gitna ng daan. Naawa sila dahil mapapansin naman sa mukha nito na bata pa ito kaya ano'ng pinagdaanan nito para makatamo ng mga bugbog sa katawan. Hindi lang iyon, may mga malalim din itong sugat sa katawan!

"Nasa stable na kalagayan na po ang pasyente ngayon, Ma'am. Baka bukas o sa makalawa ay magising na din po siya."

Nakahinga ng maluwag ang dalawa ng marinig iyon mula sa doktor. Grabe ang kaba nila para sa dalaga dahil sa nakita nilang kalagayan nito. Awa ang nararamdaman nila para sa dalagang ngayon ay nakahiga sa isang hospital bed.

"Who would do that to a girl of that age?!" hindi mapigilan ng ginang na magalit para sa dalaga.

"Probably some addict. Walang matinong tao ang gagawa ng ganoon, Hon. At tsaka mag-relax ka nga. Okay na daw siya sabi ng doktor, di ba? Magpasalamat na lang tayo na nakaligtas siya sa bingit ng kamatayan."

"Paano ako kakalma sa ganitong bagay?!"

Ang dami pang sinabi ng ginang kaya napailing na lang ang asawa niya. Alam na alam nito kung bakit ganito ka hype ang reaction ng ginang.

"Hon, she's not Rose."











Nang binisita nila ang dalaga sa ospital kinabukasan ay natuwa sila ng malaman na gising na pala ito. Dali-dali nila itong pinuntahan sa kuwarto nito.

Naabutan nila ang dalaga na nakatingin sa labas ng bintana. The girl has a very long black hair, her eyes has dark-brown shades and her skin is pale. But what makes the ambiance in the room gloomy is the blank expression on the girl's face.

Pumasok ang doktor na siyang nakausap din nila kagabi. Hawak ang papel na naglalaman ng mga analysis nito matapos ang mga iilang test na ginawa sa dalaga ay binasa niya iyon sa harap ng mag-asawa.

"It's probably a selective amnesia. Alam niya ang mga basic knowledge na pwedeng malaman ng tao pero ang sarili niyang alaala tungkol sa naging buhay niya mula pagkabata hanggang ngayon, yun ang wala siya. There is a high-possibility that it's because of trauma."

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon