22:"Well. Well. Well." Pinanliitan pa siya ng mga mata ni Livia habang papalapit ito sa pwesto niya. "Look who's here."
Parang may kasama pang pang-aasar ang boses nito. Pero hindi na lang niya pinansin. One thing na natutunan niya about Livia all these years ay madali itong mainis kapag hindi ito nakakuha ng reaksyon lalo na sa mga taong gusto nitong asarin.
"Miss Lopez! I didn't know na ikaw pala ang sinasabi nilang makakasama ni Rose. What an honor!"
Inalis ni Livia ang tingin sa kanya at ibinaling iyon sa kaibigan niya na nagsalita talaga para makuha ang atensyon ng pinsan niya. Siguro dahil alam nito na sa kabila ng pananahimik niya ay kita naman sa mukha niya ang pagkairita. Hindi lang napansin ni Livia dahil she's stupid to see it. O baka dahil si Imara lang rin ang tanging taong nakakapansin nun dahil nga matagal na nitong kilala si Rose.
Ayaw lang rin ni Imara na mas mainis pa siya dahil iniisip nito na baka kapag nawala na talaga ang buong pasensiya niya ay lumabas sa kuwartong iyon sa Livia na puno ng pasa o ang mas malala ay baka may bali pa itong buto pagkatapos.
"Kayo masaya pero ako hindi. Ano'ng iniisip ng management nung magdecide sila na i-partner ako sa isang pipitsuging model na tulad niya." Tinuro pa siya ng galit na galit na si Livia.
Nakakaba para sa sarili nito na ipares kay Rose, isang model na hindi kilala. She thinks she deserves something better than this.
Inilayo na lang ni Rose ang tingin mula kay Livia at bumuntong hininga. Ipinapanalangin niya ng mga oras na iyon na dumating ang araw na maging mabait naman ang pinsan niya sa kanya hindi yung puro galit ang tanging nakikita niya sa mukha nito tuwing magkakasama sila sa isang lugar.
Dahil hindi na nagsalita pa si Rose o kahit si Imara patungkol sa topic na mas mababa nga si Rose kesa kay Livia ay hindi narin nagsalita ang kampo nito. Umupo ito at ang manager nito sa upuan na malayo naman sa kanila.
Ilang minuto lang ay dumating ang presidente ng DT na pormal na pormal sa suot nitong black slacks na pinaresan ng itim din na tuxedo na may puting panloob na long sleeves at nakasuot ng pulang neck tie. Nakasunod naman dito ang secretary nitong babae na nakasuot naman ng pencil skirt na pinaresan naman ng puting blouse pang-itaas. Nakatali din ng maayos ang mahaba nitong buhok.
"I'm glad you're all here." Bungad iyon sa kanila ng lalaking presidente.
Tumingin ito sandali sa kanila tsaka kinausap ang katabi nitong babae na agad naman may inabot na mga folder dito.
At mula doon ay nagsimula na silang pag-usapan ang tungkol sa indorsement.
Nasa kalagitnaan sila ng pag-uusap ng biglang mag-excuse si Livia dahil may tumawag daw dito. Wala tuloy silang nagawa kundi ang huminto sa pinag-uusapan at hintayin na bumalik si Livia.
Hindi nila alam na habang naghihintay sila ay may kinakausap na pala si Livia para mapaalis si Rose at hindi masama sa indorsement deal. At hindi lang isang simpleng tao ang kinakausap niya, ito ang CEO ng DT.
Ngiting wagi si Livia ng bumalik siya sa silid kung saan sila nag-uusap. Nagtaka tuloy si Rose. Alam na alam niya kasi ang mga ganoong ngiti ng pinsan niya. Ibig sabihin lang nun ay may binabalak ito na nagawan na nito ng paraan!
At hindi nga siya nagkamali dahil magri-resume pa lang sa pagsasalita ang lalaking presidente pero may tumawag na dito mula sa cellphone nito at habang tumatagal ito sa pakikipag-usap ay pakunot ng pakunot ang noo nito.
Pagkatapos ng tawag ay tumingin ito sa gawi nila ni Imara, specifically, sa kanya.
"I'm sorry to inform you Miss Santos but the company decided not to get you as one of our indorsers."
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
General FictionIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...