59:Ang daming tao ang nakakakita sa eksena nila malapit sa pintuan ng simbahan. Kahit ang mga tao sa unahan ay nakatingin narin sa gawi nila pero hindi parin alam ng mga ito kung ano ba talaga ang nangyayari. Not until the live video of what is happenning is projected on the big screen near the altar. Kanina ay ang mga nagpoprosisyon sa gitna ang nakikita doon pero mula ng makita ng kumukuha ng video ang kaguluhan sa lugar kung asan ang bride ay agad niyang nilipat ang kuha kaya kita ng lahat ang pangyayari sa likuran.
Napanganga ang magpipinsan at pati narin si Imara ng makita kung sino ang dahilan ng delay ng kasal. Hindi rin makapaniwala si Althea dahil hindi niya inaasahan na iyon ang gagawin ni Moxielle. Isa nga iyong malaking sopresa hindi lang para kay Eira kundi pati narin sa kanila.
May isang pumuslit na kasama ng videographer na pumwesto malapit kila Moxielle at Eira. May dala itong mikropono na tama lang para maitago at hindi mapansin ng karamihan. Konektado iyon sa videong naka-project sa malaking screen kaya naman bawat salitang bitiwan sa posisyon nila Moxielle ay naririnig ng lahat.
"Eira, please come back to me."
Napa-o ang mga nakarinig sa sinabing iyon ni Moxielle.
"Umalis ako noon dahil hindi ako nakuntento. Sa pagmamahal na bigay mo at sa assurance na palagi mong ipinapakita sa akin dahil takot ako ng mga oras na iyon. Takot na baka sa una lang ang lahat.
Paano kung napagod ka na sa akin? Paano kung ayaw mo na? Paano kung hindi na ako mahalaga sayo?
Takot din ako sa layo ng estado ng buhay nating dalawa. At pakiramdam ko noon na mas deserve mo ng mas higit pa sa kaya kong ibigay ng mga oras na iyon kaya nagdesisyon akong umalis at makipagsapalaran sa ibang bansa. Napaliwanag ko na sa iyo ito. Pero ang hindi natin napag-usapan ay kung ano ang gagawin kapag hindi ko nagawa ang ipinangako ko sa iyo. Isang pangakong napako sa huli.
Grabe ang sakit na naramdaman ko ng hindi ko matupad iyon. Grabe ang sakit ng tawagan kita at sabihin na hindi ko nagawa ang balak kong gawin. Grabe ang sakit ng sabihin ko na kalimutan mo na lang ako.
Matagal akong nagdusa sa ginawa kong iyon pero nito ko lang napagtanto na habang nagdudusa ako, na habang nasasaktan ako ay andyan ka at nasasaktan din tulad ko.
Ang dali kitang binitiwan dahil lang sa nadapa ako at inakalang hindi na ako makakabangon pa. Hindi ko man lang inisip na nandyan ka naman na handa akong tulungan. I've been selfish all along. Maraming gusto na tumulong pero agad kong isinarado ang pinto ko dahil akala ko ako lang ang nasaktan.
Kung hindi pa may lumapit sa akin at ginising ako sa katotohanang dapat kong kaharapin ay baka hindi na kita naabutan pa dito. Baka kasal ka na pero nasa Country R parin ako."
Napatigil siya sa pagsasalita at sinipat ang ekspresyon ng mukha ni Eira pero kahit konti ay walang pagbabago doon. Kaya kinabahan siya. Natakot na baka sa huli ay hindi magtagumpay ang balak niya. That it will end into a loss cause.
"Eira, magsalita ka naman," sabi niya dito ng may namumuong takot sa puso.
"Why did you do something like this? Hindi mo ba alam na nakakahiya ang ginagawa mo? Pareho tayong mga kilalang tao kaya hindi mo man lang ba naisip ang pwede maging epekto nito sa imahe nating dalawa?"
Napayuko siya dahil sa sinabi ni Eira. Napatingin siya sa sahig habang sinasabi sa sarili na huli na siya. Na wala ng pupuntahan pa ang pagpigil niya dito ng araw na iyon. Masyadong halata sa sinabi nito na hindi nito nagustuhan ang pagpunta niya sa kasal nito.
"Then I'm sorry for ruining your image. Pero hindi ako magsisisi kahit masira pa ang imaheng pinaghirapan kong buohin. Dahil para saan pa ito kung wala na ang dahilan kung bakit ko ginawa ang lahat para makarating ako sa estado kung nasaan ako ngayon.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
General FictionIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...