Chapter 61: Her Short Side of the Story 2

3.4K 186 26
                                    

61(b):


Matapos puntahan ang kapatid sa ospital at ihatid ito pabalik sa bahay nila ay bumalik din siya opisina niya pagkatapos. Doon ay naghihintay na si Filbert na nauna ng bumalik doon.

EIRA'S POV:

"Talagang ang lakas din ng loob mo na i-background check yung tao kahit kakakita mo palang sa kanya."

Kakapasok ko palang sa kuwarto ay iyon na kaagad ang ipinangbungad sa akin ni Filbert. Imbes na sagutin siya ay dumiretso lang ako sa aking upuan. Nang makaupo ako ay pinaikot ko ang swivel chair ko papunta sa direksyon kung saan may napakalawak na bintana. Tanaw mula doon ang labas kung saan kita ang mga nagtataasang mga gusali na katabi lang ng sa amin.

"That girl reminds me of her."

Hindi mawala-wala sa sistema ko ang naramdaman ko nung una ko siyang nakita. She's totally a different person. Kahit na sigurado ang ideyang iyon pero bakit parang may kakaiba sa kanya. Gusto kong malaman kung bakit.

"Eira, sinasabi ko sa iyo ngayon palang na hindi siya sa Moxielle. Matagal ng patay yung tao. Tsaka sa ginagawa mo ngayon ay paniguradong masasaktan mo lang yung babae. Nakikipaglapit ka sa kanya dahil lang sa nakikita mo sa kanya ang imahe ng isang taong patay na. At tsaka pwede bang kalimutan mo na si Moxielle. Ilang taon na mula ng mamatay siya pero hanggang ngayon ay hindi ka parin nakakapagmove-on. Kung umakto ka parang ilang taon ka niyang nakarelasyon. Tsaka hindi mo rin naman mahal yun. Curious ka lang sa kanya pero nagkataon na hindi nasagot iyon dahil sa biglaang pagkamatay niya kaya ihinto mo na ang pag-akto na parang mahal mo ang tao."

Napatingin muna ako kay Filbert bago tuluyang natigilan at napaisip. He's right. I'm not inlove with her. I just got curious towards the person who evoked such weird feelings from me.

Yun ang naging eksplinasyon ko sa aking sarili at iyon na rin ang naging paniniwala ko tungkol kay Moxielle pero hindi ko inaasahan na isang araw ay ipapaliwanag sa akin ng tadhana ang katotohanan tungkol sa damdamin ko.

Simula ng pag-uusap naming iyon ni Filbert ay hindi ko na inisip pa ang pagkakahawig ni Moxielle kay Rose. Pero simula din nun ay hindi ko napigilan na hindi makialam kapag may kinalaman sa kanya.

Kahit ako ay hindi sigurado sa rason. Gusto ko lang na maging maayos siya. Gusto ko lang na mapabuti siya. Iyon lang ang nasa isip ko ng mga panahon na iyon pero sa huli nag-iba ang lahat dahil nakisali ang isang damdaming akala ko ay hindi na lilitaw pa. That weird feelings came back but this time for a different person and this time it is much intense than before.

At doon ko narealize na mas kakaiba ito. Na hindi lang ito simpleng paghanga. Mas malalim pa ito doon.

When I finally admitted to myself that I was inlove with her, I immediately acted according to it. Hindi ko man inamin kaagad pero tingin ko naman ay sapat na ang iparamdam ko iyon sa kanya at ipakita.

Magiging smooth na siguro ang lahat kung hindi lang komplikado ang buhay ni Rose dahil isang araw nalaman ko na lang na siya pala si Moxielle na dapat matagal ng patay.

Nang mag-usap nga kami ay nadulas pa ako at nasabi ang tungkol sa alam ko sa nangyari tungkol sa pamilya nila kahit hindi naman dapat dahil wala ako sa bansa ng mga oras na iyon. Paano ko malalaman iyon kung hindi ako mismo ang humalungkat ng impormasyon? Isang bagay na out of my character lalo pa at sa pananaw ng iba ay walang importansya sa akin ang balita tungkol sa pamilya nila.

Mabuti nga at hindi niya iyon napansin. Nagpapasalamat ako doon dahil gusto kong manatili iyong lihim sa kanya.

Pero naging iba ang dating nun sa kaibigan kong si Filbert na siyang tanging taong nakakaalam sa paghahanap ko noon kay Moxielle.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon