62: The End of the Old and the Start of the New

5.5K 215 17
                                    

62:

"Why are you so mean to her?" Isang batang babae ang kunot noong nakatingin sa isa pang bata na mataray namang nakatingin pabalik.

"Because she's here even tho she shouldn't," sagot naman ng mas batang babae. Sa paraan ng pagsasalita nito at sa pagtaas nito ng isang kilay ay hindi mo talaga masasabing anak ito ni Moxielle o ni Eira. Mabuti na lang at kamukha nito ang inang si Moxielle dahil baka pagkamalan na talaga itong ampon ng dalawa.

"Why would you say that? She has the right to be here." Parang nauubusan na ng pasensiya ang nakatatandang bata dahil sa kausap. Hindi ito makapaniwala na harap-harapan ba namang tinarayan ng kapatid nito ang bisita nila.

Sa interaksiyon palang na ito ay makikita na ang pagkakaiba ng magkapatid. Kamukha ni Eira ang panganay nito pero namana ng bata ang mga gawi at ugali ng ina nito na si Moxielle.

"It's a family dinner and she's not family. Hindi siya anak ni Auntie Lily."

"But she's Uncle Filbert's daughter. And Uncle Filbert is family so she's also a family."


Sa hindi kalayuan ay nakatanaw ang dalawang babaeng kitang-kitang marami ng pinagdaanan sa buhay. Nakasandig ang ulo ng isa sa balikat ng kasama habang ito naman ay diretso lang na nakatingin sa dalawang batang nag-uusap.

"Hindi mo ba sila kakausapin? Lalo na si Lily na inaway na naman ang anak ng bestfriend mo." Tumingala si Moxielle kay Eira at napatingin din ito sa kanya.

"Let her sister handle her. Hindi sa lahat ng oras ay nandyan tayo para sa kanila. Dadating ang panahon na matututo silang magtago ng mga damdamin nila. Matututong maglihim. At pupunta sa punto na magsasabi sila sa iba pero hindi sa atin na mga magulang niya. At ang gusto ko kahit hindi man siya magsabi sa atin kahit sa ate man lang niya ay magawa niya iyon. At least there is one in the family that knows.

And this kind of talks are one that can help to build that trust. Hindi nambibintang na klase ng bata si Roseanne. Magtatanong muna iyan sa kung ano ang problema at titimbangin ang mga sagot bago humusga. And she's the kind of person that our other daughter needs in the future if she decided to bring along that 'mataray' attitude that she has."

Napatingin lang uli si Moxielle sa dalawang anak niya at napabuntong-hininga. "I really didn't know where she got that. Mukhang mataray lang ang mga lola niya pero walang ugaling ganyan."

"You really don't know that it runs in your family?" takang tanong pabalik ni Eira sa asawa. Isang masamang tiningin tuloy ang inabot niya sa kasama.

"What do you mean by that, Saavedra?"

"Your sister, if I remember correctly, she's like that too. An agressive one and had a little attitude on her." Paliwanag naman kaagad ni Eira.

Sa ilang taon nilang pagsasama ay natututunan na niyang huwag galitin ang asawa dahil kapag timing na mali ang tiyempo niya ay siguradong isang buga ng apoy ang aabutin niya.

Maunawaing tao si Moxielle pero may mga araw lang talaga na wala ito sa mood at bigla-bigla na lang nagagalit o naiinis. At naiintindihan iyon ni Eira. She's like that too. Mas kontrolado niya lang ang sarili kapag nasa ganoon na siyang estado.

Pero ang malaman ang ganoong side ng asawa niya ay isang napakalaking bagay na para kay Eira. Kahit pa minsan ay nagiging dahilan iyon ng away nila, na kung tutuusin ay wala namang saysay, ay nagpapasalamat parin siya dahil ibig sabihin lang niyon ay mas nagiging malapit na sila sa isa't isa hindi tulad noon.

Hindi na takot na magpakita ng ugali o damdamin si Moxielle sa kanya. Nagiging bukas na ito sa saloobin nito kahit kasama siya. Ibig sabihin may tiwala na ito sa kanya. Bagay na importante bilang mag-asawa.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon