Chapter 11

5.5K 326 20
                                    

11: 

Paglabas niya sa silid ay nakasalubong ni Rose si Oliver. O tamang sabihing hinintay siya nito matapos nitong magbihis.

"Hi, Miss Santos." Ngumiti ito sa kanya kaya nagtaka siya dahil kani-kanina lang ay galit ito sa kanya.

May split personality ba ang lalaking ito?

Kung alam lang ni Oliver ang iniisip niya ay baka magwala ito! Bakit iisipin nito na may sakit siya sa ulo?!

"Hello, Mr...."

Napakunot-noo siya dahil napaisip siya kung ano ang apelyido nito. Kinalikot niya ang utak niya pero hindi niya maalala.

Dumaan ang inis sa mga mata ni Oliver dahil doon pero mabilis din namang nawala. Ngumiti uli siya sa babae.

"It's Oliver Grimaldi. Ollie ang tawag ng mga tao sa akin."

Tinitiis niya lang ang inis dahil kapag nahulog sa patibong niya ang babaeng nasa harap ay siguradong babawian niya ito sa ginawa. Sisiguraduhin niyang tatak sa utak nito ang pangalan niya!

"Oh. Sorry hindi ko naalala yung pangalan mo," yun lang ang sinabi ni Rose bilang paghingi ng tawad. Hindi niya sinabi na hindi talaga siya masyadong nakakaalala ng mga pangalan ng tao lalo na yung kakakilala niya lang. Ganoon na siya mula pa noon.

Kaso ang dating kay Oliver ay hindi siya importante para kay Rose kaya hindi ito nag-abalang alalahanin ang pangalan niya.

Tiniis ni Oliver ang galit dahil sa plano niya. Babawi na lang siya kapag nangyari na iyon.

"Okay lang, Miss Santos. Ako nga ang dapat mag-sorry sa inakto ko kanina. Kaya nga naisip ko na bakit hindi kita ihatid sa inyo bilang kabayaran?"

Agad umiling si Rose bilang pagtanggi.

"Okay lang, susunduin naman ako ng manager ko."

Mas nainis naman si Oliver. Bakit ganoon ang babae sa kanya? Papayag ang iba sa alok na iyon lalo pa na siya ang nag-alok. Pero bakit andali para dito na tanggihan siya?

"I insist, Miss Santos."

Napatingin na ng tuluyan si Rose dito.

Tingin ba ng lalaking ito ay tanga ako?

Kahit nakangiti ito sa kanya ay kita niya sa mga mata nito na may iba itong binabalak. At tsaka dahil alam niyang isa itong sikat na artista ay dapat hindi kaagad siya magtiwala dito.




------

Hindi kalayuan sa kanilang dalawa ang kinakatayuan ni Sarge. Nagpanggap siyang isang staff para makapasok doon para mabantayan si Rose.

Habang nakatingin sa dalawa ay biglang tumawag sa kanya si Eira.

"Report."

At sinabi niya lahat ng ginawa ni Rose mula kanina. Hindi niya rin kinalimutan na sabihin na pinipilit ng mga oras na iyon ni Oliver si Rose na ihatid ito.

Nang marinig iyon ni Eira ay naibagsak niya ang phone na hawak sa mesa. Nagulat lahat ng tao sa meeting room; namawis pa nga sila sa kaba dahil bigla na lang nagalit ang boss nila.

"Warren, ihanda mo ang kotse may pupuntahan tayo!"

Napatingin lahat kay Warren; nagtatanong kung bakit bigla-biglang aalis ang boss nila kahit nasa kalagitnaan sila ng meeting.

Kahit siya ay walang ideya kaya bakit siya ang titingnan ng mga tao?!

"You can finish this meeting on your own. Kaya niyo namang gawin iyon ng wala ako, di ba?"

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon