Chapter 45

4.3K 243 31
                                    


45:

"Ims, kelan pa ba ako makakabalik? Bored na ako dito!"

Frustration is evident in her voice when she said that. Kung ano-ano pang kunot ang lumitaw sa mukha niya dahil sa nararamdaman ng mga oras na iyon. Ilang araw na siyang tingga sa bahay ni Eira kaya grabe na ang paghahanap ng katawan niya na gawin na uli ang mga bagay na nakagawian niya.

"Hindi pa kasi tapos ang--"

"Di bisitahin mo na lang ako, Ims. Kailangan ko na talaga ng kausap at baka mabaliw na ako," puno ng pagmamakawang sabi niya sa kaibigan.

"Sinabi ko na sayo na delikado pa nga kung pupuntuhan kita diyan dahil panigurado may bumubuntot sa akin na mga reporters. Kapag nalaman nila na nakatira ka ngayon sa bahay ni Eira Saavedra ay mas lalo lang gagawa ng problema ang ito sa iyo."

She understood that very well. Nagulat na nga ang tao sa totoong pagkatao niya, paano pa kaya kapag nalaman nila ang tungkol sa pagiging malapit niya sa tagapagmana ng mga Saavedra? Mas lalo lang gagawa iyon ng ingay kasama ang pangalan niya. Maliban sa baka gumawa kung ano-ano na namang istorya ang mga tao ay makakasama din iyon sa pangalan ng mga Saavedra. At yun ang huling bagay na gusto niyang mangyari. Ang maging rason para mabahiran ng hindi kaaya-ayang issue ang pangalan ng mga Saavedra.

Nung nanahimik siya dahil hindi na niya alam ang sasabihin ay si Imara naman ang nagsalita.

"Tinawagan ko na si Leliel at pinakiusapan na puntahan ka diyan. Ang batang iyon, matapos mo noong makidnap ay hindi na siya masyadong nagpakita sa akin lalo na sa iyo. Mas mabuting kausapin mo ang isang iyon at ng may mapagkaabalahan ka muna." 

Matapos nilang mag-usap na magkaibigan sa telepono ay dumating din kalaunan si Leliel sa harap ng bahay ni Eira. Grabe pa ang yuko ng dalaga matapos nitong pindutin ang doorbell ng bahay. Kunot-noo tuloy si Moxielle dahil sa pagtataka. Bakit naman kasi aasta ng ganoon si Leliel?

"Leliel?" tawag ni Moxielle sa dalaga ng pagbuksan niya ito. Pero mukhang hindi lang ito simpleng nakayuko dahil mukhang nasa malalim din itong pag-iisip. Hindi kasi nito narinig ang pagtawag ni Moxielle. Ni hindi nga rin ata nito napansin na nakabukas na ang pinto sa harap nito.

"Leliel."

Nang lakasan ng konti ni Moxielle ang boses kalakip na rin ang pagiging seryoso dito ay sa wakas nagising narin si Leliel mula sa kung saang lugar man siya dinala ng isipan niya. Inangat niya ang ulo para tingnan si Moxielle. At doon nakita ni Moxielle ang pag-aalinlangan at...takot sa mga mata ng dalaga. Bakit?

"I...uh.." Ni hindi man lang makagawa nang solidong sasabihin si Leliel sa harap niya. Hindi din nakawala sa paningin niya ang pamumutla ng dalaga. Nagtataka na talaga siya kung ano ba ang problema nito para umakto ng ganoon sa harap niya.

"Relax! Ang tagal nating hindi nagkita tapos gaganyan ka pa sa harap ko," may konting pagrereklamo ang kalakip sa boses ng mga oras na iyon. Parang ang unknown lang masyado ng Leliel sa harap niya dahil hindi naman ito ganoon umasta...normally...usually.

"Kasi..."

Mula sa pagtatampo ay napalitan ng pagkataranta ang nararamdaman ni Moxielle ng biglang mamula ang mga mata ni Leliel. Mas lalo pang lumala ng mamuo na ang mga luha sa mga mata nito. Agad tuloy napahawak si Moxielle sa magkabilang pisngi ng dalaga.

"Hey! Hey! Don't cry!" Tarantang pinunasan ni Moxielle ang mga luha ng babae ng magsimulang tumulo ang mga iyon sa pisngi nito. "Jusko, pinilit ka ba ni Imara na magpunta dito? Sasabunutan ko iyon kapag nagkita kami eh!"

Pero imbes na sumagot ay niyakap siya ni Leliel tapos mas lalo pa itong umiyak. Niyakap niya na lang rin ito tapos paminsan-minsan ay hinahagod nag likod nito na tumataas-baba ang mosiyon dahil sa pag-iyak.

The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon