60:Ilang linggo na matapos ng 'insidenteng nangyari sa simbahan. Naging usap-usapan ng mga tao ang tungkol dito kaya naman ilang araw na na-highlight ang pangalan ni Eira at Moxielle sa ilang kilalang social media platforms.
No one expected this. Ang malaman na ang isa sa pinakakilalang negosyante sa bansa na si Eira ay nagkaroon pala ang relasyon kay Moxielle na isa namang modelong kilala hindi lang sa bansa nila pero pati narin sa labas. Pati nga taga-ibang bansa ay nagkomento din tuloy dito dahil nagulat din sila na ang sinusuportahan nilang modelo ay may kakaiba palang istorya.
Pero kung nagulat ang mga tao sa nangyari sa simbahan ay mas nagulat naman ang mga magulang ng dalawa. Ang dalawang pamilya ni Moxielle ay prenteng pinapanood ang pagpapakasal ni Eira sa telebisyon sa bahay ng mga Lopez ng araw na iyon. Nalulungkot sila sa ideya na hindi nagkatuluyan ang dalawa pero wala silang magagawa. Ang tanging magagawa nila ay tingnan si Eira na magpakasal sa iba habang ang anak nila ay nasa ibang bansa.
Hindi nila ito pwedeng pigilan para sa kapakanan ng anak nila dahil wala silang karapatan. Problema ng anak nila iyon kaya alam nilang anak nila mismo ang dapat magresolba kung mareresolba pa.
Kaso nga lang sa kalagitnaan ng paglalakad ni Eira kasama ang mga magulang nito ay nakita nila ang pagdating ng isang babae na siyang pumigil naman sa nauna.
Kahit matagal nilang hindi nakita ang anak ay nakilala parin nila ito kaya ganoon na lang ang gulat nila dahil sa biglaang paglitaw nito sa kasal. Sa mismong kasal pa talaga!
Ni hindi nagsabi sa kanila ang anak na umuwi na ito. Nang maisip nila na inilihim ni Moxielle sa kanila ang gagawin ay napagtanto nila na baka natakot ito o nahiya sa kanila dahil para sa mata ng iba, ang pagpigil nito sa kasal ay isang nakakahiyang bagay.
Kaso hindi iyon importante sa kanila. Husgahan man ng lahat ang anak nila pero silang mga magulang nito ay naiintindihan ang rason nito. Ang pinanggalingan nito kaya nito nagawa ang ganoong aksyon.
At tsaka bakit sila magagalit dito kung gusto din nilang sumaya ito at alam nila kung saan ito sasaya. Sa piling ni Eira.
At dahil alam nila kung saan sasaya si Moxielle kaya naman saglit silang nagalit kay Eira nung mga oras na nagtanong ito kung bakit nasa kasal nito si Moxielle. Iisa lang ata ang nasa isip ng apat.
"It's for you, you dumbass!"
Pero nawala iyon na parang bula. Parang hangin lang na dumaan dahil ang sumunod na eksena ang hindi na nila inasahan.
Nang marinig kahit sa telebisyon ang sinabi ni Eira na 'it was part of tha plan' ay nakuha na kaagad nila ang ibig nitong sabihin. Eira made a trapped for their daughter. At natuwa sila kay Eira dahil doon. They love her guts to do something in a scale as big as that.
Sino'ng makakapag-isip ng ganoon maliban kay Eira? Sa ganoong paraan ay parang ipinaabot narin niya sa lahat ng nakakita na hanggang sa ganoon ay kaya niyang gawin para lang kay Moxielle. Gagawin niya ang lahat para dito kahit pa parang kabaliwan na para sa iba.
And now, the two people who was the talk of the town are in front of them. Hindi lang sila ang nasa sala ng pamamahay ng mga Lopez dahil kasama ni Eira ang mga magulang nito pati narin ang kapatid na si Jax.
Hindi iyon pamamanhikan kundi para pag-usapan ang nangyari.
"Alam mo bang malapit na akong atakihin sa puso dahil sa ginawa niyo ng kaibigan mo, Eira? At ikaw naman, Moxielle. Pwede mo naman kasing pigilan ang isang ito pero bakit mo mas pinili na hintayin ang mismong kasal bago mo siya pinuntahan at pinigil?" Sa nakikitang galit mula kay Mrs. Saavedra ay hindi na alam ng mga kasama niya kung galit ba siya o natutuwa dahil kahit papaano ay nakuha ng anak nito ang gusto. Everybody happy. And in the end, no one got hurt.
BINABASA MO ANG
The Pampered Girlfriend (GxG) ☑️
General FictionIniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The chance to live her life to the fullest and to feel happy. Everything in her life is doing fine not unt...