Chapter 8

426 38 6
                                    

HINDI sila makaimik. Siguro'y hindi alam ang gagawin sa ganitong sitwasyon. Nakapamaywang akong nakatayo sa harapan nila. Iyong hari nila ay nakaupo sa sahig at nakayuko, inutusan ko. Nanatiling tahimik ang tatlong madre, tila napako na sa kinauupuan; hindi alam kung saang kampo aalyado.

Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko.

Hello, mga bampira kaya sila tas gaganituhin ko lang. Isa pa parang sinasabihan na din akong walang utang na loob. Siguro'y kapag may nakaalam na iba pang bampira sa pinaggagawa ko sa kanilang hari ay susugurin na naman nila siguro ako.

Kung totoo ngang may masamang mangyayari sa akin kung hindi ako ibinigay sa mga madre noong sanggol ako ay napakalaki ng dapat kong tanawin na utang na loob sa kaniya.

Tumikhim ako bago nagsalita, "Bakit mo kinokontrol ang buhay ko? Kung alam mo pala na isisilang akong muli ay sana simula pa lang ay ikaw na lang ang kumupkop sa akin at 'pag nagkaisip na ako ay doon mo na sasabihin hindi iyong umabala ka pa ng ta—bampira." Pagtukoy ko sa tatlong mga madre. Hindi naman siya nagsalita.

Wala nga akong utang ng loob.

Pinasadahan ko ng palad ang buhok ko, "Teka nga, gaano mo ba ako ka-kilala sa dati kong buhay?" Naguguluhan na rin ako, gaano ba kami kaclose noon at ipinagbilin ako ng mga magulang ko sa kaniya?

"Pwede bang itaas ko muna itong ulo ko, nangangawit na ako e..." At nakonsensiya naman si ako kaya pinayagan ko.

"Sige." Baka isipin niyo nagpalit na ako ng pwesto at ako na ang kontrabida dito.

Umayos siya ng upo at nagpatuloy sa pagsasalita, "... back then, your name was Felix Natividad and m-magkaibigan tayo. Parati tayong magkadikit, w-well—I was the one who's clingy, I-I always follow you even if I am aware that you are just the son of our hardinero and our maid. " Medyo malikot ang mga mata niya pagkasabi niya noon. Nasa tono niya ang pagiging mapagmataas.

Sinungaling! Siguro ay may kasinungalingan siyang idinagdag sa salaysay niya.

"As you can see, noong una kang dinala ng mga magulang mo sa aming mansion ay nahumaling ako sa iyong kagandahan. It felt like my mind and heart say, 'Hindi dapat mawala ang kagandahang iyan. I will protect him no matter what.', that was the first thought that actually crossed my mind. Gusto-gusto kitang lapitan at tanungin ang pangalan mo." Ang kaninang malikot na mata, ngayon ay naging masuyo.

"I really wanted to be your friend that time, Felix..." Naging malungkot ang kaniyang mga mata at maya't-maya pa ay ngumiti siya ng pagkalaki-laki na hindi naman umabot sa mga mata, "We became good friends, hanggang sa magkaaminan tapos naging t-tayo noon."

"Your parents accepted our relationship pero hindi l-lahat. Maraming tumutol and sa kasagsagan ng problemang iyon, your parents died on an a-accident. You suffered from stress and depression hanggang sa hindi mo nakayanan, you took your own life." Kahit puno ng sinseridad ang mga salita niya ay hindi ko alam pero parang may mali. Hindi ko maexplain e. Hindi na naman tumigil ang mga mata niya sa paggalaw.

Well, wala namang makapagsasabi ng katotohanan bukod sa kaniya e.

Ah teka, may isang tanong pa ako. "Hindi ko pa alam ang sakit ko a, noong isinugod ako nila Ina sa hospital ay wala namang nagsabi ng sakit ko. Maaari ko bang malaman ang findings na nakita ninyo sa akin." Kinabahan ako sa pagbabago ng atmosphere ng living room. Ganoon ba kaseryoso ang sakit ko?

"A-Ah iyon. Anak, baka dahil iyon sa pagod. Kaya nga hindi ka namin pinapatrabaho dahil baka maabuso mo ang katawan mo." Ani ni Sister Gustava. Siguro nga, dahil kumanta pa ako sa club pagkatapos ko magturo at marami pa ang humirit at todo tanggap lang ako dahil maraming tip.

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon