Chapter 2

936 62 18
                                    

Chapter 2

Rated 16. You're warned.

NAALIMPUNGATAN ako sa isang malakas na tunog. Kanino ba galing ang mga iyon? Isang matinis na sigaw at mga ungol ng isang babae. Impit nga lamang at tila kinokontrol ang ingay. Ano ba iyan? Napakaingay naman.

Nasaan pala ako? Bakit walang mga tao dito?

Plain na puti lamang ang nakikita ko sa buong kwarto. May dextrose na nakakabit sa aking pulsuhan at naka-hospital gown ako. Ganito 'yung mga nakikita ko sa mga teleserye kapag ang setting ay sa hospital.

Nasaan pala ang mga tao dito? Sa pagkakaalala ko, kinakailangang may mga taong nakapalibot sa akin. Iyong mga taong hinihintay ang paggising ko kumbaga katulad sa mga pelikula.

"Ahhh, ohh! Sige pa!"  Saglit pa ay pumalit naman ang isang malalim boses ng isang tila napipikon na lalake, "Don't come yet, I'm still not satisfied."

Pinilit ko man na hindi pakinggan ay nanaig pa din ang kuryosidad ko. Dahan-dahan kong hinawi ang nakatusok sa palapulsuhan ko na sanhi ng pagdurugo ko, hindi ko ito ininda. Nagpatuloy ako sa direksiyon ng malalakas na mga ungol.

Hindi ko alam kung bakit pa ako nakikiusyoso, e hindi naman pamilyar ang mga boses nila. Para silang hirap na hirap dahil napapaungol sila sa sakit.

Ewan. 'Di ko pa ako nakakarinig ng ganitong mga ingay noon, ngayon pa lang.

Isang pintong nakabukas ng kaunti ang pumukaw ng aking atensiyon. Hinawi ko ito at napamaang sa aking nakita. Halos takpan ko na nga aking mga mata.

Isang lalakeng nurse at isang unipormadong doktor. Binabayo ng doktor ang likuran ng nurse.

Nakakapit ang lalaking nurse sa balikat ng doktor habang ang doktor ay nakahawak ng mahigpit sa leeg nung nurse. Akala ko babae yung umuungol kanina. Hindi maaaninag ang kanilang pang-ibabang katawan dahil may mataas na mesa sa kanilang harapan.

Naestatwa ako sa aking kinatatayuan. Gusto kong umalis at baka ako pa ay makita ng mga ito ngunit may parte sa aking utak na kuryoso at gustong magpatuloy sa panonood

"A-Ahhh! Bilisan mo pa!"

Nang-iinit na din ang aking katawan at tila naaapektuhan sa kanila. Nakakapaso ang singaw na pinapalabas ng aking katawan. Tiningnan ko ang aking ibaba may namumukol na rito.

Naku! Tumingin sa akin ang lalaking nurse!

Napaayos ako ang sarili ko at hindi inalintana ang nakabukol kong harapan. Hinintay kong tumigil sila sa kanilang ginagawa kaso pumikit lang ang lalaking nurse kahit nakita niya ako at nagpatuloy sa paggawa ng wirdong ingay.

Tumikhim na lamang ako para tumigil sila dahil tatanungin ko kung anong ginagawa nila kaysa naman tumunganga na lang ako dito at baka sumakit na naman ang aking puson. At saka tatanungin ko na lang din kung saang ospital ako, ano nga bang tawag sa term na iyon? Ah oo, naka-confine ba iyong tawag doon at bakit wala man lang dumalaw sa akin.

Hindi pa din kasi ako naoospital noon. Clinic lang yung napuntahan ko.

Napakadami kong gustong itanong sa kaniya ngunit nakakatakot magtanong sa hindi mo kakilala. Oo, kahit doktor siya ay hindi ko naman alam kung paano dapat magtanong.

"Ahem." Tumigil sa pagbayo ang doktor at tila may tinanggal sa likuran ng nurse. Prente nitong isinara ang zipper nito atsaka sinenyasan ang lalakeng nurse palabas.

Mabilis na naglakad ang nurse patungo sa pinto, kung nasaan ako. Nakuha pa nitong banggain ang aking balikat. Pumasok na ako sa kwarto. Busy sa pagpupunas ng tissue ang doktor sa lamesa na hindi ko alam kung bakit e wala naman akong nakitang natapon na tubig.

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon