Chapter 9

384 38 7
                                    

Special thanks to everyone na babasa, bumasa, nagbabasa at magbabasa pa. Lovelots.

***
SA PAGSAPIT ng ika-alas tres ng madaling araw ay mabilis ngunit tahimik kong tinakasan ang mga guwardya ko sa may pintuan sa tulong nina Marie, Lucia at Gustava. Hindi ko gustong tawagin nalang sila basta-basta sa unang pangalan but they insisted dahil nga pekeng madre lang naman daw sila.

Naalala ko pa ang bawat salitang kanilang binitawan, "Kahit maliit na bagay lamang ay matulungan ka namin, Crexion. Sana ay hindi mo kami kakalimutan."

Iyan ang mga salitang lumabas sa kanilang bibig noong isang araw bago ang isasagawang pagtatakas na tila ba namamaalam. Kahit na ipinapakita nila sa akin na tila natutuwa sila sa gagawing pagtakas ngunit taliwas ito sa ipinapakita ng kanilang mga mata... puno nang lumbay. 

Bakit sila magpapaalam e kaming lahat ang nakakalabas sa impyernong mansiyong ito?

Binigyan nila ako ng isang kwintas na isa palang magic item na makakapag-alis ng presensiya ng isang tao at pinapalitan ito ng presensiya ng isang bampira. Ewan ko ba kung bakit nila tina-traydor ang kanilang mahal na hari.

Suot-suot ko din ang damit ng guwardiyang nakatalaga na lumibot sa buong lugar ngayong oras. May malaking sombrero din ito na tumatakip sa buong ulo ko kaya mas napapadali ang pagdi-disguise ko. Ikinulong nila ang dinakip nilang guwardiya sa hindi ko alam na lugar, sabi nila sila na daw ang bahala.

Sinabihan nila ako na nakaabang sila sa isang nakatagong daan na natatabunan ng mga halaman na nasa hardin ng mansiyon. Lumingon-lingon ako upang makasigurado, hindi ako pwedeng malingat man lang.

Binuksan ko ang isang half body sized na pintuan na tinatabunan ng mga halaman. Dahan-dahan akong pumasok at pagkapasok ko ay dahan-dahan ko din itong isinarado. Mabuti nalang at kaluskos lang ang nagawang ingay.

Mabilis akong nagtungo sa dulo nitong maliit at masikip na tunnel. Pagbukas ko ay bumungad sa akin sina Gustava. Malawak ang kanilang mga ngiti.

Sa wakas ay makakalaya na rin ako.

"Sige na, hijo. Magpakalayo-layo ka na. 'Wag mong hayaang meron na namang kumontrol ng iyong buhay. Live as free as a bird, without looking back."

Ka? Ako lang?

Napatigil ako, "Nakatatak sa isip ko na tatakas ako dahil gusto kong matumbasan ang inyong mga pagod sa pagpapalaki sa akin ngunit ano nalang ang rason ko para tumakas kung hindi naman kayo sasama?"

"... unfair niyo naman e. Sino na lang ang gagabay sa akin? Wala na nga akong mga magulang tapos mawawalan pa ako ng mga guardian. Unfair naman eh." Umiiyak kong sambit. Kahit gusto kong sa utak ko lang manatili ang mga salitang iyan ay hindi ko na napigilan.

Ngunit kahit anong pang gawin ko o 'di kaya'y umiyak pa ako ng dugo ay hindi nito mapapalitan ang pagtitiwala at pagsisilbi nila sa kanilang mahal na hari. Buo na talaga ang kanilang pasya.

Mabuti ngang tinulungan pa nila akong nakalabas e.

Mabigat man sa loob ay pinilit kong ihakbang ang mga paa ko at naglakad patungo sa itinuturo nilang entrance. May isang bloke daw ng semento na medyo matingkad ang kulay, iyon daw ang hahawakan. Ginawa ko naman ito, at nakakamanghang awtomatiko nga itong nagbukas.

Ngunit hindi pa ako nakakalabas nang tuluyan ay...

"Akala mo makakalabas ka dito, ano." Nanigas ako sa kinatatayuan nang may nagsalita. "Mahina ang amoy ng bampira sa iyo, kaya tiyak akong hindi ka kauri namin marahil ang amoy na iyon ay nanggaling lamang sa suot mo ngayon."

Kahit may presensiya ako ng bampira ay nakaligtaan namin ang naayon na amoy ng mga bampira.

Isa rin pala itong nakatalagang maglibot sa labas ng mansiyon, "Alam kong ikaw ang bihag ng mahal na hari, hindi ko din alam kung ano ang pumasok sa isip ng mahal na hari at ikaw pa ang gusto niyang pakasalan. Napakadaming mga babae."

"Ngunit wala akong magagawa, kanang kamay ako ng mahal na hari at iginagalang ko ang kaniyang mga desisyon. Kaya ikaw ay kailangan kong ibigay sa mahal na hari upang mapatawan ka ng karampatang parusa at ang mga tumulong sa iyo." Madadamay ang tatlo? Kaya sila nagpaiwan hindi dahil gusto nilang magpaiwan ngunit papanagutan nila ang ginawang kapangahasan sa kanilang hari.

At dahil daldal siya ng daldal ay mabilis kong tinakbo ang labas na para bang nakalimutan kong hindi nga pala sila normal na mga tao.

Sa isang iglap ay nasa braso ko na ang kaniyang kamay, halos idiin niya na nga ang kaniyang matutulis na mga kuko. Madilim ang mukha ng lalaki. "Makakarating ito sa mahal na hari."

***
NAKATITIG lang ako sa sahig nang matapos akong dalhin ni Hugh-iyong kanang kamay daw ng hari dito sa silid ni Iñigo. May inasikaso lang daw si Iñigo ngunit babalik namandaw agad. Mahigpit ang kanilang pagbabantay dahil nakalock sa labas itong pintuan at marami ring bantay sa labas kung sakali mang bumalik daw iyong mga traydor na tumulong sa akin.

Ipinalibot ko ang mga mata sa buong kwarto. Biglang nag-init ang mukha ko. Dito... dito niya ako pinakinabangan. Dito niya ako minaltrato.

Ngunit hindi naman matatawag na panggagahasa at pananamantala iyon dahil tila may sumanib sa akin at para bang nagustuhan ang kaniyang mga ginagawa. Isang nakakaadik na sensasyong hindi ko dapat pinipigilang maranasan.

Ang kaniyang mga maiinit na halik, ang kaniyang pinagpalang kamay, ang kaniyang nakakapasong mga titig.

Pinilit kong iwaksi iyon sa isip ko at tinakpan ang aking namumulang mukha. Ngunit napatigil ako sa pag-iisip nang may nakita akong nakausling pinto sa loob nitong kwarto. Hindi ito gaanong halata ngunit kapag tinitigan mo nang maagi ay makikita mo ito.

Gusto kong makita ang itinatagong baho noong Iñigong iyon.

Patayo pa lamang ako ngunit may taong padabog na binuksan ang pinto. Maya't-maya pa ay maririnig sa buong kwarto ang pagtunog ng lock at sinamahan pa ng kaniyang mabibigat na mga yapak na papunta sa kinauupuan ko.

"I heard you tried to escape." Hinawakan niya ang dalawa kong palad. "Was your adventure fun?" Nakakatakot ang biglaang paglalim ng kaniyang boses.

Nakakapanibago. Nakakatakot.

"How about mag-suggest ako ng mas masayang gagawin mo. As you know, medyo nahirapan ang mga bampirang sumusunod sa akin na hanapin ka. They all suffered from my anger for not catching you faster." Malaki ang ngisi sa kaniyang mga labi.

"Maswerte ang tatlong iyon at hindi pa sila nahahanap." Obvious na obvious na silang tatlo nga ang tumulong sa akin ngunit tumanggi pa ako, "H-Hindi ah, walang tumulong sa akin. A-Ako lang mag-isa ang nakaisip na tumakas."

At nautal pa.

"You have the guts to lie? Sige nga, maniniwala muna ako sa iyo ngayon because ikaw muna ang ipa-prioritize ng ating gagawin ngayon." Ayan, mas mabuting ako na lang ang maparusahan.

"... How about my people? Because nakalasap sila ng hagupit ko, might as well parusahan ang daga upang hindi na maisipan pang tumakas." Pinangko niya ako at dinala sa kama. Bigla nalang akong hindi makagalaw.

Kinokontrol niya ba ulit ako gaya ng pagkontrol niya noon sa akin dito sa mismong silid na ito?

Gustong-gusto kong magsisigaw o 'di kaya'y magpumiglas ngunit tila ba hindi na sa akin ang aking katawan.

At sa isang iglap wala na ang aking saplot. Sa kaniyang harap, para akong naging si Adan na walang kamali-malisya, buo ang tindig at...
.
.
.
nakahubad.

CREXION: ANG LALAKING ISINUMPA
ALL RIGHTS RESERVED

©2020

@FORTYUNEYT

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon