Chapter 18

203 17 1
                                    

Yesss, finally done with pre-immersion, immersion, and post-immersion documents! Delay na naman ang ud mga Mare huhu.

***
"HINDI 'to totoo, hindi to totoo!" Paulit-ulit kong usal habang malakas na pinupokpok ang aking ulo gamit ang sariling mga kamao. Sana nga lang kapag patuloy ko itong ginagawa ay magising ako na nakabalik na ako sa totoo ko talagang pagkatao.

Dahil sa paraan lang na iyan mababalik ako sa huwisyo na hindi talaga ako napadpad sa bayang ito at walang halimaw na sumulpot at walang konsensiyang pinatay ang dalawang matandang kumupkop sa kaniya. Walang Alon na kumain ng mga puso ni Nanay Isang at Tatay Karding na para bang ito ay isang masarap na putahe.

"Mga halimaw!!!"

"Andito na sila, papatayin nila tayo!"

"Diyos kong mahabagin, kami ay iyong tulungan!!!"

"Demonyo!"

"KYAHHHHH!!!"

Nakakagalaw na sila. Napatingin ako sa mukha ng lalaking tumatawag sa akin ng 'Mahal' na nababakasan ng pagod. Tiyak akong nakakatuyo ng kapangyarihan ang kaniyang ginagawa at talagang naubos na nga ito dahil nakakagalaw na sila. Naaawa ako dahil pawisan na siya sa pagsusumikap na masugpo ang mga lycans na doble ang laki sa kaniya. Gusto ko na nga siyang punasan at paliguan ng halik ngunit napansin ko si Imong na nakatingin sa akin.

Tinalikuran ko si Imong na gulat na gulat sa nangyayari. Ang mga maya niya ay nagpapakita ng iba-ibang emosyon: pagkagulat, pagkatakot, pag-awa, paninisi, pagkalungkot, at galit. Wala na akong pake kung makita pa ng mga tao na may naglalaban na mga halimaw dito sa bayan. Mga bampira at mga lycans o ano pang lamang lupa pa ang ang mga iyan, hindi maitatangging pareho lang silang kapwa mga halimaw na katulad ko.

Walang puso. Walang awa. Halimaw.

"'Wag kang lalapit sa akin! AHHHHH!" Sigaw ko nang buong lakas sa lalaking lobo na iyon. Kasalanan ko kung bakit ako nagpadala sa sulsol niya at bakit ako naniwala sa isang estranghero.

Pinanlisikan ko siya ng mata dahil gusto niya akong lapitan ngunit mariin ako tumanggi. Galit na galit ako sa kaniya, lalong-lalo na sa sarili ko habang pinagmamasdan ko ang dalawang matanda na nakahandusay sa lupa at walang buhay.

Napansin ko ang biglaang pagkawala ng ingay ng mga tao bagkus ay dahil iyon sa paggana ulit ng kapangyarihan ng lalaking bampira na tinatawag akong Mahal kaya napayapa ang kalooban ko. Hindi na ako magkakaroon ng pagkakataon na makasalamuha pa ang mga taong aking binigo, sinamantala, sinaktan at pinagtaksilan.

Napatingin ako sa isang bagay na kuminang sa ilalim ng sinag ng buwan. Isa itong matulis na palakol na ginagamit ng mga tao rito para magsibak ng kahoy panggatong.

Kaagad akong nag-iba ng anyo at mabilis na tumakbo papalayo sa lugar sapagkat napagdesisyonan ko na kitilin nalang ang aking buhay kasama na ang anak ko upang hindi na rin siya makaperwisyo sa mga taong nakapalibot sa kaniya.

Ano pa nga ba ang magagawa ko kung hindi putulin ang ugat ng gulo na ito? Wala akong alam sa mga bampira at mga lycan ngunit kung talagang babaeng lycan ako ay matutuldukan ang pamamalagi ng isang grupo ng mga halimaw sa daigdig kapag tuluyan na akong mawala.

Nang makakita ako ng isang kuweba para isagawa ang aking importanteng misyon. Kaagad akong bumalik sa pagiging tao upang matagalan ang mga halimaw na iyon na mahanap ang bakas ko.

"Alam kong makasalan ako sapagkat hindi kita binigyan ng pagkakataong makita ang mundo, anak, ngunit ipagpatawad mo ako, anak, sapagkat susunod na tayo kina Nay Isang at Tay Karding. Isa sila sa mga taong naperwisyo sa pamamalagi natin sa mundong ibabaw." Iyon ang sambit ko habang inilalapit ang palakol sa aking leeg.

Masakit. Masakit. Napakasakit balikan ang mga alaalaang nabuo sa bayan na ito kung kaya't hindi ko inaasahang na kaagad itong maglalaho na para bang bula. Tanggap ko nang isa akong salot sa lipunan. Ayos na sana akong batikusin ng mga tao dahil isa akong lalaking may kakayahang magdalang-tao ngunit hindi ko naman matanggap na isa pala akong halimaw na kani-kanina lang ay kumain ng puso ng buhay na mga tao.

Paano ko nagawang ipagkait sa mga mabubuting tao ang mapayapang buhay na tinatamasa sana nila para lang sa isang hindi pa nasisilang na halimaw?

Isang dipa nalang sana ang kailangan upang maputol na ang koneksiyon ko sa mundo ngunit hindi ako hinayaan ng tadhana.

"AHHHHH!" Sigaw ko dahil sa hindi maipaliwanag na sakit sa aking ulo at tiyan. Parang pinupunit ang aking tiyan kaya akin rin itong tinignan at napaiyak sa takot. Hindi ko rin namalayan na nabitawan ko na ang palakol dahil sa sakit.

Ang maysa-halimaw na bata ay binubuksan ang aking tiyan upang makalabas na para bang ginagawa ng isang sisiw sa balat ng itlog na pinaglagyan niya. Mabilis na sumirit ang aking dugo at nagtalsikan sa lahat ng direksiyon. Nakakatakot isipin na walong buwan na nakatira ang halimaw na ito sa aking tiyan. Kinuha ko siya mula sa aking tiyan at inilagay sa aking kaliwang dibdib.

Pero hindi ko naman maitatangging natutuwa ako rito. Ang bata ay mukhang tao at kamukhang-kamukha ko, eksaktong kopya ng aking mukha. Ang aking anak, tayo ay pinagtagpo ngunit hindi tayo itinadhanang mabuhay nang matagal. Gusto ko mang ipakita ang bata kay Iñigo, sa walang kasing kisig niyang ama at ipagmalaking kamukha ko ang bata ay hindi maaari. O, Diyos ko, bakit nga ba hindi ako nakapagpaalam nang maayos sa kaniya? Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal na ibinigay niya sa akin. Ni hindi man lang ako nakahingi ng patawad sa kaniya

Tama na. Ipagpapatuloy ko na 'to. Kailangan ko siyang mapatay at baka maghasik pa siya ng lagim! Kailangan naming mamatay.

Kasabay din nito ang pagbalik ng aking memorya. Ang pagiging Felix, Crexion at hanggang sa nakarating na ako ngayon sa pagiging Alon. Ngunit hindi nito mababago ang aking pasya, kinakailangan naming mamatay ngayon at baka hindi na giginhawa ang buhay ng mga tao kahit kailan. Nakakatawa lang dahil paraang noon lang ay gusto kong pahabain ang buhay ko ngunit ngayon tinutuldukan ko na ito agad.

Napahagulgol ako sa inis at pangungulila dahil wala na kaming oras, matutunton na kami ng mga lycans at bampira na mga iyon dahil sa amoy ng aking dugo.

Atdahil hindi ko maigalaw ang butas kong tiyan ay pinag-igihan kong kunin ang palakol na nasa gilid ko para patayin ang bata bago pa ako makonsensiya at hindi ituloy. Ni hindi ko na nga maaninag ang aking kapaligiran dahil sa nanunubig kong mga mata.


Sa mga magulang ko sa dati kong buhay, sa mga sisters na nagpalaki sa akin nilang Crexion, kay Manong Hugh na tinulungan akong makatakas kahit kapalit nito ang buhay niya, at kay Nay Isang at Tay Imong na naghintay na sa afterlife. Malapit na ho... kaunting tiis nalang.

Pumikit ako at itinaas ang palakol at inasinta ang aking kaliwang dibdib sa mapayapang bata na hindi man lang umiyak. Nauubusan na rin ako ng dugo at tiyan na mamamatay na rin ako kasunod ng aking anghel.

Napatigil ako dahil sa biglaang pagpalakpak ng dalawang tao sa bunganga ng kuweba. "Naisilang na ang isang panibagong female lycan! Mabuhay ang mga lycans!"

"Manong Hugh... at Imong?"

CREXION: ANG LALAKING ISINUMPA
ALL RIGHTS RESERVED
©2022

@FORTYUNEYT

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon