Sorry sa super late na ud. It took a lot of time to finish this chapter for I became very busy. Votes and comments are highly appreciated, mga Mare!
***
ISANG pamilyar na matikas, matangkad, at may kutis na walang kasing puting na lalake ang aming nakita pagkatapos naming hanapin kung saan ang pinagmulan ang boses. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam ko habang nakatitig sa walang emosyon niyang mukha.Familiar. Familiar siya para sa akin. Parang nakita ko na siya noon.
Nang magtama ang aming paningin, ang kanina'y walang emosyon niyang mata ay biglang nagkaroon ng... pangungulila? Ang kanina'y nakakunot niyang noo ay bigla nalang napayapa kasabay ng paghiwalay ng kaninang magkasalubong niyang mga makakapal na kilay.
Napahaplos ako sa aking tiyan dahil sa biglaang paggalaw ng bata sa aking tiyan na parang pamilyar din sa kaniya ang kakarating na lalaki. Hindi naman siguro, mukhang side effect lang ito ng pag-iiba ko ng anyo.
"Who u? Wer u keym from? What u do here?" Tanong ni Nay Isang. Mukha kasing foreigner ang lalaki kaya sinampolan niya ng Ingles.
"Are u lost? Ur peymus, 'no?" Tanong rin ni Tay Karding dahil hindi sumagot ang lalaki.
Kaso lumipas na pang ang ilang sandali at hindi pa rin sumasagot ang lalaki at pinagpatuloy ang pagiging misteryoso. Ewan ko ba, baka hindi siya englishero, baka hindi kasali ang english sa lenggwaheng alam niya.
At dahil hindi nga namin siya kilala ay nagputuloy lang kami sa pagsisigaw tatlo. "Ahhhh! Halimaw!!!"
Kitang-kita ko ang muling panginginig ng mga matanda. Mas takot pa yata sila sa akin kaysa sa malaking apoy na kakain sana sa kanila kanina kung hindi ko sila niligtas.
Ramdam ko ang takot nila habang pinagmamasdan ang isang anyong halimaw na nakatayo sa kanilang harapan. Ang tanging makapagbibigay alam sa kanila na ako ito ay ang eksaktong damit na aking suot kahit na ganito na ang aking anyo. Lasog-lasog na ito dahil sa biglaan kong paglaki pero makikita pa rin naman na ito ang suot-suot ko kanina. At saka, nasa harapan pa nila ako nang mag-iba ako ng anyo.
Baka iniisip na nila ngayon na tama talaga ang mga inaakusa ng mga tao sa akin; na isa akong halimaw, na baka ako pa ang pumatay ng mga tao dito sa Piasa, na baka halimaw ang anak ko sapagkat ako'y halimaw din.
Gusto kong mag-anyong tao muli upang magpaliwanag at pag-usapan ang ganitong kababalaghan, tao sa tao, ngunit hindi ko wari kung paano iyon gagawin. Bago ako mag-isip ng kung paano ako magmamakaawa sa harapan nila ay kailangan ko munang makabalik sa pagiging tao.
Kaunting-kaunting tulak nalang at baka pagdudahan ko na rin ang buo kong pagkatao at pagkatao ng batang dala-dala ko.
Nang makarinig ako ng mga yapak ng mga tao na papalapit sa aming pwesto ay kaagad akong nagpaalam kahit nakatulala lang sila. "Paalam, Nay, Tay. Sabihin niyo nalang po kay Imong at sa mga kapit-bahay na nasunog ako sa loob ng nagliliyab na bahay."
Kahit ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa kanila ay alam kong hahayaan nila akong patayin ng aming mga kapit-bahay. Kapag nakita ako ng mga kapit-bahay sa ganitong anyo, tiyak na ang dalawang matanda pa ang magtutulak sa akin sa bingit ng kamatayan.
Sapagkat ako'y halimaw, hindi isang taong kagaya nila.
Gusto ko sana silang yakapin sa huling pagkakataon pero alam kong hindi ako hahayaan ng tadhana. Kung sana lang ay tumigil ang oras!
Akmang tatalikod na sana ako ngunit napatigil ako. Hindi ko na kasi marinig ang tunog ng tinutupok ng apoy na bahay. Hindi ko na marinig ang ingay ng mga taong papalapit sa amin. Hindi ko na marinig ang kanilang paghinga, pati na rin ang kanina ay masiglang pagpitik ng mga kanilang puso. Naghintay ako ng ilang minuto at baka side effect ito ng pagpapalit ko ng anyo ngunit mukhang tumigil nga ang oras gaya ng aking hiling kanina!

BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
FantasyONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...