Nakakatuwa lang dahil ni hindi man lang umabot ang mga chapters ng 1K words. Anyways, enjoy reading.
***
Chapter 13RD PERSON'S POINT OF VIEW
SA MALAYONG probinsiya, ipinanganak ang isang batang lalake. Sa unang tingin, mukha lang itong normal na batang lalake, ipinanganak na malusog at kompleto ang mga parte ng katawan.
Okay na sana kaso...
"Mr. and Mrs. Garner, your son is experiencing a very rare case. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, may iilang organs siya na ang babae lamang ang pwedeng magkaroon, uterus at fallopian tube while the rest are for males. I really don't know what to do. I'm afraid baka may mangyaring ikapapahamak ng kaniyang kalusugan in any time since we haven't encountered and studied this kind of case. Wala akong gaanong kaalaman at higit sa lahat, hindi ko alam kung paano pa siya mabubuhay nang matiwasay sa ganitong ayos. I can't guarantee anything. I really want to study him but dahil probinsiya ito ay hindi sapat ang mga kagamitan..." Mahabang pagsalaysay ng doktor.
" ... all I can suggest is dalhin niyo ang bata sa siyudad nang mas matutukan pa ang kaniyang kondisyon. In that way, baka may apparatus silang makatulong sa upang tingnan ang mangyayari sa kaniya. I think hindi lang naman siguro siya ang may ganitong kaso, baka siya lang sa Pilipinas, pero baka sa ibang bansa, may katulad siya." Dagdag pa ng doktor.
"May mga parte ng katawan na katulad ng babae?! I'm sure he can even conceive in the near future!" Matigas ang tono ni Galileo Garner na siyang ama ng bata. Napabuga siya ng hangin. Hindi niya alam kung bakit sa unang anak pa nila ito nangyari.
Tumikhim ang doktor na kanilang kinonsulta, "But there's nothing wrong with that. Everyone's uniquely created-"
"I can't accept this! Bakit pa kasi sa dinami-dami ng tao ay sa anak pa natin?! We are not evil-doers, hindi natin deserve ang ganitong anak." Puna ni Maricar Garner na nakataas ang kilay. Ni hindi man lang niya pinatapos ang doktor na magsalita. Pinadaan niya ang kaniyang mga daliri sa kaniyang buhok. Frustrated.
Kung kani-kanina lang ay tila babasagin kung itrato nila ang bata dahil nilalagnat ito, ngayon ay tila ba nandidiri na sa bata ang dalawa at halos hindi na ito magawang lapitan.
***
DALAWANG tao ang abala sa kung ano mang ginagawa nila. Nakasuot sila ng napakalaking damit, nakashades at naka-cap. Preparadong-preparado ang mga ito na para bang may isasagawang krimen at kinakailangang pulido ang bawat galaw. May dala-dala silang isang basket na may lamang sanggol. Hindi nila kayang magpalaki ng salot at wirdo. Baka pagtawanan sila at ipagtabuyan.Bakit pa sila gagastos sa isang abnormalidad? May marami pa silang oras na bumuo muli ng isang normal na bata... normal na tao.
Nilagyan nila ng pagkakakilanlan ang bata. Napakaimposible man ngunit nagawa nilang bigyan ng pangalan ang bata at mapabinyagan dahil baka marami itong kasalanan sa kaniyang dating buhay kaya kinakarma ngayon.
Hindi naman ganoon ka-imposible, mukha lang namang normal ang bata kaya walang kung sino man ang nandidiri dito maliban nalang sa mismong magulang niya.
Nandoon na ang kaniyang birth certificate at iilang pera tutal responsibilidad naman nila ito bilang mga magulang pero ang kapalit noon ay aalis na sila sa lugar na iyon at magpakalayo-layo na. Ayaw nilang magpalaki ng isang abnormal.
Sa kalapit na probinsiya nila naisip gawin ang pinaplanong pang-iiwan sa bata. Mas mainam kasi doon dahil sinasabing mabubuti raw ang mga residente doon.
Buo na talaga ang desisyon nila. Sisiguraduhin muna nilang nasa mabubuting kamay ang bata bago sila maglalaho sa buhay nito. Bilang respeto na sila ang bumuo nito... na sila ang nagbigay silang sa nilalang na ito.
Angel's Hope. Iyon ang pangalan ng bahay-ampunan na pinamumunuan ng tatlong mga madre. Maganda ang kalapit na probinsiya dahil mas malago ito kaysa sa probinsiyang pinanggalingan ng dalawang estranghero.
Hindi kalayuan muli ay ang napakalaking simbahan kaya bago pa sila magdalawang-isip at makonsensiya, kumatok ang mag-asawang Garner sa pintuan ng bahay-ampunan. Nang marinig nilang may papalapit na tao at handang buksan ang pinto ay doon na nila napagpasiyahang tumakbo at hindi na muling lumingon pa.
***
ALAS DOSE ng gabi, sa loob ng isang apat na sulok na silid may nakahigang lalake, ang binatang si Crexion. Namimilipit siya sa biglaang sakit na kaniyang nararamdaman. Parang pinipiga ang kaniyang puson sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sa tanang buhay niya ay ngayon niya palang ito naranasan. Gusto niyang bumangon para uminom ng pain killer na alam niyang nasa kabinet ngunit pinipigilan siya ng kaniyang puson.May nakain ba akong masama?
Sumakit ito nang sumakit at impit na nga siyang napasigaw. Doon naman nagising si Sister Lucia. Mabilis niyang kinusot ang kaniyang mga mata at dinaluhan ang namimilipit na si Crexion. "Crex, Crex, hijo! Anong nangyayari sa iyo?! Diyos ko!"
Tila naman naalimpungatan ang dalawang madre na sina Sister Marie at Sister Gustava dahil sa kaguluhan. Napalitan ang gusot na gusot na mukha nila ng pag-aalala nang makita ang kalagayan ni Crexion. Mabilis silang kumuha ng makapal na damit upang makahingi ng tulong sa labas dahil napakaginaw ng hangin sa madaling araw.
Mabait si Crexion simula bata pa, ito ang pinakabata at pinakahuling inampon ng mga madre dahil na rin sa kakulangan ng pondo. Hindi ito sumusuway sa kahit anong gustong ipagawa sa kaniya ng mga madreng kumupkop sa kaniya. Matulungin din ito kaya mabilis na nakuha nito ang loob ng kanilang mga kalapit na bahay. Talentado din ito sa pagkanta. Kung meron lang talagang napadpad sa lugar na willing mag-ampon ay tiyak na nakuha na at naampon na ito.
Lumabas sila ng bahay tulugan at humingi ng saklolo sa mga may kalayuang kapit-bahay. Ang mga kabahayan ay walang mga ilaw kaya't hindi masyadong maaaninag ang lalakaran kung wala kang dalang ilaw. Tiyak rin silang maririnig sila ng nga taong nakabantay sa simbahan.
Ang ipinagtataka lang nila ay kung bakit ang kaninang tahimik na gabi ay napuno ng pag-alulong mga aso... na para bang may alam sila sa nangyayari kay Crexion.
Hinawakan ni Crexion ang malamig at nanginginig na kamay ni Sister Lucia, "Huwag kayong mag-alala, okay lang ak-."
Bago pa man siya mawalan ng malay ay may narinig pa siyang nagsalita sa kaniyang tenga kasabay ng pananayo ng kaniyang mga balahibo. "Sa pagsapit ng ika-apat na araw ng Hulyo, ikaw ay magiging akin na. Hindi ako naghintay ng matagal para sa wala. Mahal ko, magsasama na tayo. Hindi na talaga tayo magkakahiwalay."
CREXION: ANG LALAKING ISINUMPA
ALL RIGHTS RESERVED
©2020@FORTYUNEYT
BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
FantastikONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...