"HUGH! HUGH! Pumasok ka!" Pasigaw na tawag ni Hilton sa isang tauhan niya. At tila ba nasa likod lamang ng pintuan ang tinatawag niyang iyo ay mabilis itong nakarating sa harap namin.
Lumuhod ang matandang lalaki kay Hilton, "Ano ang maitutulong ko sa inyo, mahal na hari?" Pagtukoy ng kararating lamang na tao sa ngayon ay hari ng mga lycans na si Hilton.
"Tulungan mo siyang sumuka sa CR. Bantayan mo at baka takasan tayo. Tsk! Everything is not going as planned! I'm fvcking damned!" Nakahawak lang ako sa aking leeg na kanina ay kaniyang mahigpit na sinakal. Hindi talaga makikita sa pisikal na anyo ang baho ng isang tao.
Pakiramdam ko ay hindi na ako nasusuka matapos niya akong brutal na sakalin.
Hindi ako makapaniwalang ginawa niya iyon sa akin. Talaga namang wala nang mas ligtas na paglalagyan kundi sa mga tao, hindi dito sa mga halimaw na tila halang ang mga kaluluwa at kaya kang patayin sa isang pitik ng daliri.
Nagpaiwan si Hilton sa kwarto, humihithit siya ng kaniyang tobacco na parang isang kapre. Sana bumigay ngayon ang baga niya at maisugod siya sa ospital ni Iñigo. At oo, sasamahan ko siya doon.
Dahil miss na miss ko na si Iñigo.
Iginiya ako ng matanda sa banyo ng bahay. At nang makita ko ang bowl ay doon na ako nagsuka. Hindi iyon normal sapagkat puro laway lang ang nilalabas ng aking bibig. "Urghhhh!!!"
Naku! Mukhang may masama pa akong nakain.
Nang matapos ako ay nagulat ako nang binigyan niyo ako ng malinis na tuwalya. "Manong Hugh po, 'di ba? Maraming salamat po at pasensiya na sa abala."
Tumango ang matanda, "Walang problema."
Nagtaka ako nang bigla niyang inilock ang pinto ng CR. Nang buklatin ko ang ibinigay nitong bimpo ay nahulog ang isang bagay, kulay puti at mukhang bagong bili. "Pregnancy test iyan, hijo. Baka gusto mong subukan."
"Naniniwala po ba kayo na pwedeng manganak ang isang lalake? Ako hindi." Tanong ko sa kaniya habang pinupulot ang pregnancy test. Binasa ko ang instructions na nakalagay sa box na pinaglalagyan nito.
"Batuta po 'tong nasa akin, hindi perlas."
Nang hindi sumagot ang matanda ay isinagawa ko na ang proseso ng pagtetest sa aking ihi. Pinatakan ko ito ng kaunting ihi at inantay kung ilang linya ang magpakita. Sinasakyan ko lang ang trip ni Manong.
Kinatok ko ang pinto pero hindi ko pa ito binubuksan, "Andiyan pa po ba kayo, Manong Hugh?" Tanong ko sa kaniya habang hindi pa rin tinatanggal ang mata sa pregnancy test. Naflush ko na rin ang bowl.
"Oo, andito pa rin ako, hijo." Tugon niya.
Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita, "Tulungan niyo po ako..." Ilang sandali lang ay binuksan na ng matanda ang pinto.
Hindi sa nagbabase ako sa mukha na taliwas sa impresiyon ko kay Hilton, hindi ko maipaliwanag pero magaan ang loob ko sa matanda. Mukha rin siyang mabait at parang nadawit lang din sa gulong 'to kagaya ko. Alam ko, alagad din siya ni Hilton at bukod sa aking mga ina na nagpalaki at nagmamahal sa akin ay bakit ako tutulungan nga isang bago ko palang nakilala? Siguro ay matagal na ang amyanda sa serbisyo dahil pinagkakatiwalan siya nang lubos ni Hilton.
But wala namang mawawala kung susubukan ko, 'di ba?
Lumapit ako sa kaniya at lumuhod, "Tulungan niyo po akong makatakas dito, maawa po kayo. Nagmamakaawa po ako sa inyo, gusto ko nang bumalik sa dati kong buhay."
BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
FantasyONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...