NAPAPAHID ako ng aking luha nang makitang nandito na kaagad sila sa harapan ko. Ni hindi ko man lang narinig ang yapak ng kanilang mga paa, na para bang mas magaan pa sila sa hangin o hindi kaya'y napakabilis ng kanilang paggalaw na pati ang tenga ko ay hindi nakahabol. Walang ano-anong sinapak ko ang dalawa. Adrenaline rush kumbaga.
Hindi ko pala nabanggit na blackbelter ako kasi sumali ako sa mga extra curricular activities sa school kaya kahit delikado ay malakas ang loob kong mamamatay muna sila bago ako.
Todo iwas ako sa kanilang mga mahahabang mga kuko. Pwede ng mailagay sa Guiness Book of Record dahil sa haba at talim ng mga ito. With their speed, if I blink, diretso ako sa kamatayan. Todo iwas na lamang ako, siyempre malalakas din sila plus the speed kaya alam kong dehado ako.
Isang pikit-mata lang nasa likod ko na ang isang maid. Ang kaniyang mahahabang pangil ay nakalabas na mula sa kaniyang labi, ang kaniyang dila ay biglang nasa kamao ko na. Bukod pa doon, nanlilisik at kulay pula ang kaniyang mata sa malapitan. Nagsilabasan na rin ang mga ugat niya sa leeg at sa kaniyang noo na tila ba kinamumuhian talaga niya ang existence ko rito sa kastilyo... o mas worst existence ko sa mundo.
"I-Inaano ko ba kayo?!" Pabulyaw kong tanong sa gitna ng aking pagtakbo papalayo sa kanila.
"Hindi pwedeng ganito kahina ang magiging asawa ng mahal na hari!Ikaw ang magiging kahinaan ng kaharian namin na matagal na binuo ng mahal na hari. Isa lang ang dapat naming gawin at iyon ay ang patayin ka!" Itinaas nito ang matutulis na kuko at sinenyasan ang isa pang kasamang maid. Kumilos ang maid at binuhat ang lahat ng pwedeng mailagay na pangharang sa pintuan upang 'di mabuksan ng mga nasa labas.
Sa lakas nilang 'yan, sino pa ba ang kinakatakutan nilang makapasok?
"Kung hindi niyo ako gusto na nandito, edi sana pinakawalan niyo ako! Hindi tong papatayin niyo pa ako pagkatapos niyo akong ikidnap!"
"Kung hindi ka namin mapapatay ngayon, ang aming lahi ang mamatay dahil sa iyo!" Ewan ko! Gulong-gulo na ako sa pinagsasabi nila. Ayaw ko rito, ayoko pang mamatay!
Napapaungol ako sa sakit nang sabunutan ako ng isang maid. Parang kaya niya na akong kalbuhin dahil sa lakas ng pwersa ibinibigay niya.
Bakit hinayaan ng Panginoon na mapunta ako sa kamay ng mga masasamang-loob?
Nawala bigla ang tapang ko. Kung hindi ako dinala dito, hindi sana ito mangyayari. Tumulo na naman ang mga luha ko, gusto ko nang umuwi at bumalik sa dati kong buhay. Walang-hiyang doktor na iyan.
Maputulan sana siya ng tit3!
I hate you!
I hate you!
I hate you!
Pero bakit naisigaw ko pa rin ang, "DOCC!!! TULUNGAN MO AKO!"
"At last you called me. Iyon lang ang hinihintay ko, Mahal!" Tuluyan nang nanlabo ang aking paningin kasabay ng pagtalsik ng mainit na likido sa aking katawan.
...
PAGKAGISING ko ay nagulat ako nang makita ko ang dalawang maid na nakagapos sa aking harapan, nakatingin nang diretso sa akin. Nanlilisik ang kanilang mata at kapwa duguan.Kaagad akong napatayo at tila pa maiihi sa takot. Akala ko pa naman iniligtas ako ng Doctor Quack-quack na iyon.
"How are you, hmm?" Isang malambing na boses ang biglang namayani sa kwarto. Si Doc., mahigpit na kumakapit sa aking damit ang kaniyang mahahabang mga daliri.
Ang puno ng takot kong mga mata ay napalitan ng galit. Gusto ko siyang sumbatan at tanungin kung bakit niya ako dinala dito, kung sino ang ikakasal, kung anong klaseng mga halimaw sila, at kung bakit... ang tagal niyang dumating. Ngunit bago ko pa maibuka ang aking bibig ay inunahan na niya ito ng isang patak ng halik.
"Anong gusto mong gawin ko sa kanila, hmm?" Ayaw kong magsalita dahil kitang-kita ko ang mala-demonyong mata ni Doc. na tila ba inaanyayahan akong gawin ang nais ko sa kanila at kahit anong gusto kong iutos ay gagawin niya. Na kung gusto kong utusan siyang patayin sila ay susundin niya nang walang pag-aalinlangan.
Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko mahanap ang aking boses. Sadyang natraumatized ako sa pangyayari kanina na halos ikamatay ko. Ang mas nakakatakot pa ay sa gikid ng mga maid ay isang mesa na puno ng mga kutsilyong gawa sa silver.
Ano ito, isang Hollywood Movie? Twilight, ganoon? Bampi-bampira? E, hindi naman sila totoong nag-e-exist.
"Anong nangyari sa mga sugat ko? Bakit tila bigla silang nawala?" Tanong ko sa kaniya. Duguan ang aking damit ngunit wala akong maramdamang sakit sa aking buong katawan, wala rin aking makitang sugat sa aking balat na alam kong sinugatan ng dalawang maid.
Hindi kaya?!
Kinwelyuhan ko ang doktor, nakaangat ang dalawang kamay niya na parang kriminal na sumusuko sa mga pulis. "If you're thinking na kinonvert kita into one of us, no, you're wrong. I just used my healing abilities on you."
Pinaghiwalay niya ang kunot na kunot kong noo gamit ang kaniyang dalawang daliri. Kinindatan niya pa ako na halos ikaubo ko, "If we consummate our wedding, kung mawasak ko ang sa'yo dahil sa laki ko, I can always heal you."
"Putragis naman, akala ko ba a-attend lang ako ng kasal nung hari niyo bakit naging ako na ang ikakasal?!" Kunot-noo kong tanong sa kanila ngunit wala namang sumagot.
"Gusto ko nang umalis dito, pwede ba?! Hindi ako laruan na pwede mong dalhin kahit saan! Sawa nako sa mga laro mo. Kung sino ka mang talipandas ka, maaari bang palayain mo na ako. Ayaw ko na dito!" Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na pagsalitaan siya ng ganoon.
Ngumisi si Doc. at yumuko para kintalan ulit ako ng halik. "Still a no, Mahal. Hindi ka makakaalis dito." Hinawakan niya ang bewang ko at biglang hinigpitan ang hawak. As of now, ramdam na ramdam ko ang galit niya.
"May ibang mga tao—bampira pa naman. As far as I know, ang tao ay para sa tao ang b-bampira ay hindi para sa tao." Kahit natatakot ay nagawa ko pang sabihin iyan. Kasi totoo naman, nararapat tayong makisama sa kauri natin.
"Gusto mo bang ako nalang ang magdesisyon para sa iyo? Gusto mo bang pilipitin ko ang mga buto nila at ipakain sa mga alaga kong leon ang kanilang katawan?"
"Kung aalis ka, silang lahat papatayin ko. Ang lahat ng mga tauhan ko dito, papatayin ko para walang sino man ang magtangakang paghiwalayin tayo. I'm a King, but I don't need subjects who will defy me." Ayaw kong may mapahamak, isa pa, alam kong ginagawa lang nila ang kanilang trabaho. Sino bang alagad ang gugustuhin na ang hari nila ay magpakasal sa isang hamak na lalaking tao na bigla-bigla nalang sumulpot upang guluhin ang tamang ayos ng ikot ng kanilang mundo?
Sarili ko ba ang pipiliin ko o lahat ng kauri niya na nabubuhay lamang ng tahimik at pinoprotektahan lamang ang kanilang mahal na hari?
Unti-unti kong inilagay ang aking kamay sa mukha ni Doc., "'Wag mong gawin iyan. S-Sige, dito muna ako. Hindi kita iiwan, ha. Dito lang ako, pangako. 'Di ako aalis."
"Then kiss me and I will trust your words."
"O-Okay." Nauutal kong sambit. Pinamulahan pa ako ng pisngi dahil andito pa kami sa harap ng dalawang nakagapos na maid maghahalikan. Hindi na ako nakaangal pa nang kabigin niya ako at gawaran ng isang nakakalunod na halik.
Puno ng pangungulila at pagmamahal.
At doon, dahil sa isang pangako ay makukulong na ako sa mga kamay ng isang Doktor na pangalan nga ay 'di ko alam, pagkatao pa kaya?
CREXION: ANG LALAKING ISINUMPA
ALL RIGHTS RESERVED
©2020@FORTYUNEYT
BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
FantasyONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...