Chapter 15

248 26 1
                                    

We've finally reached 3.5K reads, mga Mare!

Hope you enjoy reading. Votes and comments are highly appreciated po!

***
NANG ako ay magising sa kadahilanang ako ay nagugutom at gusto kong kumain, maingat akong naglakad patungo sa kusina. Ayaw ko namang maalimpungatan si Tatay Karding at Nanay Isang.

Sigurado akong mag-aalala na naman sila. Hindi lang naman kasi ang ibang tao ang may namamalayang pag-iiba ng aking katawan, partikular na aking tiyan. Hindi naman daw ito ganito kalaki noong kinupkop nila ako. Ngayon parang lumubo ito at naging bilugan.

Sa mga nagdaang buwan, natigil na rin ang aking pagsusuka at maya't-mayang pagkahilo. Hindi ko nga alam kung dulot ba ito ng aking sugat sa ulo, e matagal na itong naghilom. Ngayon ay ang biglaang paggising nalang sa kalaliman ng gabi upang kumain ay ang naging lifestyle ko.

Baka ito pa ang dahilan kaya para na akong balyena... ang palagiang pagkain.

Binuksan ko ang ilaw at dumiretso sa among mini-fridge. Natuwa ako nang makita ang dinuguan na nakalagay sa isang mangkok at isang pack ng slice bread. Nilagyan ko ng ice cubes ang mangkok. Natutuwa kong isinawsaw ang slice bread sa dinuguan. Matabang iyon dahil pinasadya kong hindi lagyan ng asin.

Best combo talaga!

"Ang tabang ng pagkain nila rito! Kinulang sa asin at bawang."

Napatigil ako nang may maalala. Nakikita ko ang sarili ko na bagot na bagot na nakatingin sa inihain ng dalawang maids. Halos naaalala ko pa ang matabang na lasa nito.

Ganito lang, hinahayaan ko lang ba bumalik sa akin nang dahan-dahan ang aking mga ala-ala. Hindi din naman ako nagmamadali at gusto kong sulitin ang buhay sa tabing-dagat.

Tinapos ko na ang aking pagkain at dumiretso sa aking personal na kabinet. Binuksan ko ito at inilabas ang aking dalawang malalaking garapon na ginawa kong alkansiya. Ang isa ay para sa maintenance ng dalawang matanda at ang isa ay para sa akin. Hinulugan ko ang para sa mga matanda ng isang libo at sa akin ay tatlong libo at limang-daan. Habang ang tirang dalawang libo't limang-daan ay aking inilagay ulit sa aking bulsa. Ibibili ko iyon ng grocery para sa aming maliit na ref at pambayad ng aming kuryente at tubig.

Nang matapos ay kumuha ako ng bangko at nagsimulang magmaniobra para sa aking gagawing palayok. Ito ang ireregalo ko sa Tatay ni Imong. Tiyak akong matutuwa iyon dahil aksidenteng nasira ng pusa ang palayok nila.

Hindi ko namalayan ang mabilis na pagtakbo ng oras. Napaunat na lamang ako nang marinig ang pagtilaok ng mga tandang, senyales na mag-uumaga na. Hindi na ako bumalik sa pagtulog at nagsaing na lamang. Magigising na rin maya-maya ang dalawa.

Habang naghihintay na maluto ito ay kumuha ako ng walis at nagwalis ng mga tuyong dahon sa harap ng aming bahay. Exercise ko na rin iyon dahil nanakit ang aking likod dahil sa aking mabigat na tiyan.

'Di bale, 'pag umabot iyon sa quota ko na 25K. Magpapatulong ako kay Imong na pumunta sa kalapit bayan kung saan matatagpuan ang ospital na makakatingin sa aking kondisyon.

Bukod sa ayaw ko nang pagtsismisan ng mga kapit-bahay ay natatakot ako kung ano ang magiging epekto ng malaking bukol na ito sa aking kalusugan. Baka kapag pinabayaan ko ito ay mamamatay ako nang maaga.

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon