HINDI na maipinta ang aking mukha dahil sa taong o tao ba talaga na nakaupo sa aking harapan. Hindi ko parin alam kung ano ang dapat na i-akto kapag may bagong nilalang may koneksiyon sa buhay ko ang biglang nagpakita kahit may experience na ako kay Iñigo. Gulong-gulo na talaga ako dahil andaming sumusulpot na mga tao sa buhay ko. Punong-puno na ang memorya ko, dadagdagan pa?
Sino pa diyan ang gustong sumingit? Pagbubuksan ko pa kayo ng pinto.
Pero diba tinawag niyang kuya si Iñigo, hindi naman kasi niya binanggit na may kapatid siya, na may itsura rin. Baka nakahanda lamang sa buffet table nila ang mga blessings ni God ng kaguwapuhan at pinapak nila agad iyon. Habang sa akin isang kutsara lang.
Hoy, ano na? Pinaiwan kaming dalawa sa kwarto ngunit wala din naman palang gagawin.
"Hahay!" Humikab nang malakas para marinig niya. Kapag ba naniwala ako sa kaniya ay makakaalis na ako sa lugar na ito? O sa ibang lugar na naman ba ako matatagpuan.
Naks, parang bangkay lang.
"Okay, okay. Ako si Hilton Ferrera and we were childhood friends. We were super close, as in napakaclingy ko sa iyo noon. Tinuring na rin namin kayo ng parents mo na kapamilya namin. Time flew fast, ambilis mong naging twenty-one." Nakangiti itong Hilton na ito habang nagsasalaysay.
"Let's get to the point, ginusto kita. Wait, let me rephrase that, minahal kita noon. Kahit ngayon ay mahal pa rin kita kaya nga pinaprotekta kita kay Kuya. Due to some official business, natagalan ako but now that I'm here, ako nalang ang kakailanganin mo. Ako nalang ang dapat bigyan mo ng pansin." Wait lang, naglo-loading yata ang utak ko.
Una, si Iñigo. May nangyari sa amin, m-maraming beses na at muntikan pa ngang madagdagan kung hindi dumating ang mokong na 'to.
Ay, gustong matuloy?
Then, mahal niya daw ako. Nagmahal an kami noon at kalaunay naging magjowa. Tapos ngayon may biglang susulpot na tao tapos biglang sasabihin na pinaprotekta niya ako sa Kuya niya—na siya lang dapat ang pagbibigyan ko ng pansin.
So ano, nagsisinungaling sa akin si Iñigo?
"Hindi totoo ang mga sinabi ni Kuya. Inutusan ko siyang gumawa ng mga storya upang masagutan ang mga tanong na nasa isip mo. Kinakailangang may sumagot kumbaga." So, lahat pala ng iyon ay scripted? Lahat ng mga matatamis na salita, pagkagalit, selos at ang mga pinagsamahan namin ay planado lahat?
"Ano ang totoong nangyari sa mga magulang ko? Gusto kong malaman kung naaksidente ba talaga—" Pinalo ang aking leeg ng taong nasa aking likod na sanhi ng pagkawala ng aking ulirat.
"Hindi mo dapat malaman."
***
FLASHBACK (Italicized or slanted words indicates flashback of flashback, bale flashback sa loob ng isang flashback dahil ang hindi naka-italicized iyan 'yung unang flashback.)"What are you thinking Iñigo?! Sa dinami-dami ng pagkakataon na dapat mong sabihin ang mga salitang yaon ay doon pa talaga sa maraming tao! You must be out of mind, thinking na pwede kang magkagusto sa isang lalake." Galit na galit na bulyaw ni Señor Policarpio. Nangngalaiti siya at gustong-gusto nang bugbugun ang tahimik lamang na si Iñigo.
"Maybe nangahas ang batang si Felix na lasunin ang utak ng anak natin. Ganoon naman ang mga Lycans, mapangahas at mapagsamantala." Mapagmataas na puna ni Señora Florida at inis na inis na pinaypay ang dala niyang abaniko na para bang nakakalimutan niyang halos tatlumpo't limang taon nang loyal sa paninilbihan ang pamilya ni Felix sa pamamahay nila.
"It was really a mistake na ituring silang kauri natin, I should have listened to my amigas." Dagdag pa niya.
"No! Mama, Papa, ako ang nagtulak na gawin iyon ni Kuya. Gusto kong tuldukan ang ugnayan natin sa kanila lalo pa at nalaman kong bakla pala si Felix. Sinunod lamang ni Kuya ang aking plano." Taas noong saad ni Señorito Hilton na nagpakulo ng dugo ni Señorito Iñigo.
BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
خيال (فانتازيا)ONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...