Chapter 12

297 28 3
                                    

Happy 358 out of 365 days. Merry Christmas everyone!

Votes and comments are highly appreciated, mga Mare!

***
"ARAY! Ang sakit!" Napasapo ako sa namimintig kong leeg. Tila namamaga pa nga ito na parang sinapok ako sa pwestong iyon gamit ang isang matigas na bagay.

At tinamaan na naman ako ng lintik! Mukhang ang Hilton na iyon ang may gawa nito sa akin.

Puting kisame ang namulatan ko. Maliit ang espasyo ng kwarto na tila ba pagng-isang tao lamang. Bukod sa nag-iisang pinto ay meron ring dalawang bintanang gawa sa kahoy na pinoprotektahan ng mga metal bars. Wala ring palikuran ang kwarto kaya hindi ko alam kung saan ako makakaihi.

But where is Iñigo? Paano niya naatim na iwanan ako sa kamay ng Hilton na iyon? Totoo ba talagang inutusan lang siya para bantayan ako?

So hindi niya talaga ako mahal?

Na ang lahat ng pinagsamahan namin, kahit hindi ganoon katagal ay pagkukunwari niya lang?

"I knew it!" Napatalon ako sa gulat nang pabalang na bumukas ang kulay dilaw na pinto na nasa harapan ko. Kasunod nito ay isang hindi pamilyar na pigura ng babae.

"Walanghiya ka, Felix! Pagkatapos mong sirain ang buong pamilya namin, babalik ka!" Sinugod ako ng babae. Tantiya niya ay nasa edad 30 lamang ito.

Napapikit na lamang ako dahil sa takot at inantay ang kaniyang gagawin sa akin. "Don't do it, Mom! Baka magalit ako at hindi ka na talaga makakalabas sa abandonadong mansiyon na iyon."

"Bakit mo pa ba siya dinakip pa, Hilton, he will hinder our plan of taking back our clan. Baka magkalat na naman iyan ng kaniyang kabaklaan at mahawa ka na rin." Tugon ng tinatawag na Mom ni Hilton sa kaniya.

Ayaw kong mag-overeact sa pagtawag niya sa akin na bakla dahil kung noon ay nabaliw ako kay Iñigo, ngayon din naman. Napalunok ako ng sariling laway sa naisip.

"Ehem! Oo nga, mabuti ngang pakawalan mo na ako." Tumango-tango rin ang babae at talagang sang-ayon sa sinabi ko, "Yes, yes. He's the real monster for destroying us. I think you should reconsider-"

"I said shut up!" Bulyaw ni Hilton sa mukha ng ina. Napakagat nalang ang babae sa kaniyang labi bilang pagsunod sa anak. Sinamaan niya pa ako ng tingin na para bang kasalanan ko ang lahat.

Napangiwi ako. Oo, sinabihan na akong Felix ang panganalan ko sa aking past life pero hindi naman ako nasabihan na may kaaway pa ako at talagang ako pa ang dahilan ng pagkasira ng buhay ng kanilang pamilya.

Kulang nalang ay tuluyan na akong mabuang at pagpatiwakal ngayon na para tigilan na ako ng tadhana sa kaniyang patwist and turns sa simple sanang buhay ko.

Ano 'to telenovela o 'di kaya'y kdrama? Pero no joke, parang nagcrave ako ng caramel popcorn bigla.

"Umalis ka muna sa rito, Mom. I'll call you if I'm done here." Akmang aangal ang babae ngunit kaagad siyang pinutol ni Hilton. "The plan will never fail. Mark. My. Words."

"Wala ba talaga akong opinyon rito?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto ng katahimikan. "Oo naman, gusto kong malaman ang mga kaganapan sa aking buhay at interesado ako sa fantasy motif niyo rito pero pagod na ako kakaisip. Pagod na pagod."

"Tapos na ang pagiging Felix ko. I am now Crexion Garner, in flesh and blood. Base sa sinasabi niyo, masalimuot ang sinapit niyo sa kamay ni 'Felix' pero ang Crexion ngayon ay walang pakialam sa mga plano niyong iyan. Siguro nama'y napagbayaran na ni Felix ang mga kasalanan niya kaya namatay siya. Let's just move on!" Prente kong sabi. Siguro'y sinasakal na ako ni Felix ngayon at ng mga taong ginawan niya ng kasalanan.

"I want my life back. Kaya kayo, bumalik na rin kayo sa dating buhay niyo. Magkalimutan nalang tayo at kakalimutan ko ang perwisyong dinulot niyo sa buhay ko ngayon. Pero pangako, hindi ko kakalimutan na isa kayo sa malalaking dahilan kung bakit buhay ako at malusog ngayon. Now, I should take my leave." Tumayo ako nagtungo sa pinto.

Gustong-gusto ko nang makaalis sa magulong mundo ng mga halimaw at maging normal na tao ulit. Enjoying a peaceful life, like humans do.

Dahil iniwan na naman ako ni Iñigo dito na parang ipinapahiwatig niya na bahala na ako sa buhay ko, bahala din siya sa buhay niya. Naku! Ang kapal ng mukhang kuhain ang loob ko tapos iiwan ako sa ere. Pinaramdam na kamahal-mahal talaga ako pero ano?n
Naglaho siya nang parang bula.

Kung makaalis man ako dito, isa lang ang pagsisisihan ko. Iyon ay ang hindi ko pag-amin na mahal ko siya.

"Pero Crexion, you can't escape from your fate. You are a lycan, one of my own. But not only that, you are a female lycan to be exact. You'll never know how rare the female lycans' population is. Only 1 of 10 thousands is born from our race. Sigurado akong ikaw nalang ang panghuling female lycan dito sa mundo. Your role is to give birth and nurture the future lycans after their ancestors were annihilated by the stupid vampires. Hindi simpleng mga lycans na galing sa mga male lycans kung hindi lycans na mas intellectual kaysa sa mga normal na lycans. They will soon lead."

"Anong akala mo sa akin? Baliw? I'm a man. Paano ako naging female lycan? At isa pa paano ako magkakaanak e, I'm physically a man." Sinimangutan ko siya.

"My deceased mom was also a man. He was a female lycan like you. He had some female body parts that made it possible for him to carry a child in his belly. It is because of him that I can identify that you are female lycan because you give off a very sweet smell at kung hindi ako nagkakamali, may birthmark ka na queen bee sa iyong tadyang." Ay queen bee pala iyon? Pero 'di ba ang mga queen naman talaga ang nanganganak at namumuno sa kaniyang angkan.

"Long long time ago, all the female lycans were blessed by God and were tasked to guide the whole population of lycans along with the appointed king. Ganoon din ang ibinigay na task ng Panginoon sa mga she-wolves ng mga werewolves."

"Naku! Aanakan pa ako." Bulong ko sa hangin habang ginugulo ang aking buhok. Hindi ko alam kung nakailang buntong-hining na ako.

"No, hear me out first. Meaning to say, since I am the son of the previous Lycan King, you are to be my wife. I will treat you as my precious queen. Babaliktarin natin ang mundo at gagawing mas makapangyarihan ang nga lycans. Mas makapangyarihan pa sa lahat ng mga lahi. Kapag nangyari iyan, hindi na nila tayo aapihin, bagkus ay tayo pa ang mang-aalila sa kanila."

Kinuha niya ang mga kamay ko pero binawi ko kaagad ito. "Your approval is the only thing that we are waiting for. Kung papayag ka, pwede kang bumalik sa pamumuhay ng normal, but of course, sa mundo na ating gagawin. 'Yong mga nuns, pwede ko silang ipahanap upang pagsilbihan ka. Ang gagawin mo lang talaga ay paramihin ang populasyon ng mg lycans. That's a win-win situation, right?"

Mukhang nagtatanong siya ngunit inaantok ako sa boses niya. Malapit na nga akong humikab at bumalik sa pagtulog dahil bumibigat na ang mga talukap ng mga mata ko.

Kaso parang walang manners kaya pinigilan ko ang sarili ko.

"If we're lucky, we can expect to have another female lycan—" Hindi na niya natapos pa ang gusto niyang sabihin nang bigla akong napatakip sa aking bibig.

"Naduduwal ako, saan pwedeng sumuka?" Napakapit ako kay Hilton na nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa akin. Pinanlakihan ko rin siya ng mata dahil masakit sa lalamunan ang pagpigil.

Gustong-gusto ko nang sumuka!

"Crexion!" Itinaas niya ako sa hangin gamit ang kaniyang kamay na sumasakal sa aking leeg. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at natatagis ang kaniyang mga matutulis na mga ngipin. "Don't tell me, you're pregnant?"

CREXION: ANG LALAKING ISINUMPA
ALL RIGHTS RESERVED
©2020

@FORTYUNEYT

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon