Chapter 16

280 26 7
                                    

Ngayon ko lang napansin na nakafollow-back pala sa akin si/sina otor Memalo_Trio . Omgggg, pwede na akong mag-rest in peace.

***
TAHIMIK kaming dalawa habang nakapila upang bumili ng mga niresetang vitamins ng doktor sa pharmacy ng ospital. Akala ko nga iniwan na ako ni Imong dahil bigla niya akong tinalukuran nang marinig namin mula sa doktor na talagang nagdadalang-tao ako.

Naiiintindihan ko naman siya. Maski ako ay 'di mawari ang dapat kong gawin. Gusto kong magkulong nalang sa ospital at hindi na lumabas pa para walang makaalam ng aking napakaimposibleng sitwasyon. Pero hindi maaari, kailangan ko itong ibalita kay Nanay Isang at Tatay Karding.

Sabi ng doktor ay blessing daw ito ng Panginoon, lalong-lalo na dahil sa napakaliit na populasyon sa Piasa at dito din na maraming kaso ng pagkamatay. Naging posible daw ang milagrong pangyayari dahil meron daw akong uterus kung saan dumi-develop ang bata.

Isa ito sa mga pinakarare na cases ng pagbubuntis at baka makarating pa ito sa media. Pero hindi ko pinahintulutan ang mga iyon. Privacy ko ito at ng magiging anak ko. Mabuti nalang at pumayag ang doktor ngunit ang kapalit nito ay dapat sa ospital ulit na ito ako manganganak.

Hindi ko naman magawang sabihin na mas mabuting tumor o cancer nalang ang tumubo sa tiyan ko kaysa sa isang bata sapagkat natutuwa ako dahil wala na sa panganib ang buhay ko at hindi na ako mamamatay.

Minsan nga ay nagagawa kong mag-isip ng masama gaya ng pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan ko, lalong-lalo na at maging si Imong na malapit kong kaibigan ay hindi na ako pinapansin at parang natatakot pa na lumapit sa akin.

"Imong, kausapin mo naman ako o." Kinalabit ko siya. Nauuna kasi siyang maglakad sa akin dahil nabibigatan ako sa aking tiyan. Kung noong papunta pa kami rito ay sumasabay siya sa bilis ng aking paglalakad, ngayon hindi na.

Parang pinagsisihan ko pang pina-check up ko 'tong katawan ko.

Tapos na din kaming kumain at naghahanda na para bumalik sa Piasa. Ang kaniyang cellphone number din ang ibinigay naming contact ng Doktor para updated siya sa lagay ko. Kanina pa kami hindi nagkikibuan at pinoproseso pa ang bagong natuklasan.

Only God knows kung gaano ako nasasaktan sa ganitong pagtrato niya sa akin. I feel so alone kahit magkatabi kami sa loob ng traysikel patungo sa sakayan ng jeep. Kanina niya pa hindi pinapansin ang aking pagkalabit sa kaniya. Pinagtitinginan na nga kami sa traysikel kaso wa epek.

Gabi na noong nakasakay kami ng ika-second round ng jeep patungo sa Piasa. Siksikan ang jeep at antok na antok na ako dahil alas siyete na at napagod ako buong araw. Dumagdag pa na mukhang lahat ng pasahero ay natutulog din sa jeep dahil antok na antok din. Mabuti nga't gabi kami makakauwi para hindi mapansin ng mga kapit-bahay ang aming pagdating.

Nagpapasalamat ako at mukhang makakauwi kami sa Piasa na hindi nararanasan ang kababalaghang pumapalibot dito. Napakatiwasay ng daan at pinagdadasal ko na hindi magpakita sa amin ang halimaw na nababalitaang pumapatay ng tao.

Gusto ko na talagang matulog kaso hindi ko pa naipipikit ang asking mga mata ay may nakita akong naging sanhi ng pagkawala ng aking antok. Napansin ko ang isang taong nakaupo sa tabi ng tsuper. Kinusot-kusot ko rin ang aking mata upang siguraduhin kung totoo nga ba ang aking nakikita.

Ayun siya! Isang babaeng puting-puti ang balat at nakatingin sa akin nang diretso mula sa rear view mirror ng jeep. Pula ang kaniyang mata at nakalabas ang kaniyang matutulis na mga pangil. kung gaano katulis ang kaniyang mga kuko ay ganoon din katulis ang kaniyang tingin sa akin.

Doon ko lang din napansin na bukod sa amin ni Imong ay may mga kagat ang mga pasahero sa kanilang leeg. At mukhang hindi pa ito napapansin ni Imong kasi nakatalikod lang siya sa akin na para bang bukod sa akin ay hindi na din niya papansinin ang mundo.

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon