HAPPY 6K reads pooo 🎉🎊. Thank you po mga, Mare! Votes and comments are highly appreciated!
***
NAPAKURAP ako nang dahan-dahang lumapit sa akin si Imong. Walang emosyon ang kaniyang mukha pero nakikita ko sa kaniyang mga mata ang pag-aalala.Ang lalaki, ni hindi man lang mababakasan ng dugo sa damit dahil sa kagat o kaya kalmot mula sa mga halimaw na para bang hindi ito dumaan sa away ng mga bampira at mga lycans bago makarating dito.
"I-Imong, bakit nandito ka? Bakit nakakagalaw ka na ulit?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin pa rin kay Manong Hugh na nakangiti sa akin.
Isa rin ba siyang halimaw katulad ng mga bampira at mga lycans o taong lobo? Alin siya sa mga iyon?
Hindi niya ako tinugon bagkus ay kinuha niya ang palakol mula sa aking kamay. Hindi rin naman ako nakapalag dahil sa bilis ng pangyayari. Kaagad niya ring inilapat ang kaniyang palad sa duguan at butas kong tiyan at may engkantasyong binigkas.
"Ayis ya gnoyi nignilagap, noyagn nid. Ayis ya gnoyi nignilagap, noyagn nid!" (Siya ay iyong pagalingin, ngayon din. But written backwards)
Pagkatapos niyang banggitin ang mga salitang iyon ay bigla nalang lumapit sa aking tiyan ang napakaraming umiilaw na mga maliliit na mga insekto. Ang ilaw mula rito ang nagsilbing sinag sa walang kasing dilim na kuweba.
"Anong nangyayari sa akin?"
Ilang minuto lang ay hindi ko na maramdaman ang aking sugat sa tiyan. Sinubukan ko rin kapain ang tiyan ko upang siguraduhing hindi ako binibiro ng aking pakiramdam ngunit... wala talaga akong sugat. Ang natira lang ay bakas ng aking dugong lumabas mula sa sugat kanina.
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Imong ngunit nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. Ang sunod kong ginawa ay marahan kong sinuportahan ang aking munting anghel sa aking dibdib na hindi pa rin umiiyak gamit ang aking mga kamay at dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga.
Napaiyak ako sa galak. Hindi ko alam kung paraan ba ito ng Panginoon upang hindi ko maituloy ang gagawin ko sanang pagpapakasala pero walang paglalagyan ang aking pasasalamat dahil buhay pa ako ngayon at buhay pa ang baby ko. "Diyos ko po, maraming maraming salamat!"
Narinig niya yata ang aking paghagulgol kaya sumunod ang munting bata at pumalahaw ng iyak. "I'm so sorry anak. Patawarin mo ang Mama. Makasarili ako. Makasarili ako."
Doon na rin lumapit sa akin si Manong Hugh at pinahiran ang aking mga luha. Si Imong naman ay naglakad palabas ng kweba upang magmasid kung may nakasunod na ba sa akin... sa amin.
"Pinapasalamat ko pong buhay kayo, Manong Hugh." Panimulang bungad ko sa kaniya.
May inabot siyang pamalit na damit sa punit kong pang-itaas. Napatingin ako sa kaniya at naguguluhan kong paano ko ito maisusuot nang hindi nasasaktan ang aking anak kaya nagpresinta siya at kinuha mula sa akin ang sanggol.
Kaagad niya ring binalot ang bata sa puti at makapal na lampin para hindi ginawin. "Ako rin ay nagpapasalamat at hinayaan ako ng Panginoon na matunghayan ang pagsilang ng bagong babaeng lycan, ang pagsilang ng apo ni Sera."
Kinuha ko ang sanggol mula kay Manong Hugh. "Mukhang narinig kong binanggit mo rin iyan noong nahulog tayong dalawa sa tulay at bago mabagok ang ulo ko sa matulis na bato, Manong Hugh. Sino nga ba si Sera?"
"Si Sera ang Lolo mo, ang Lolo ni Felix noon. Siya ang lalaking nagpapatibok ng puso ko hanggang ngayon. Kahit wala na siya sa mundo."
"Bale kayo po ay isang female lycan? O si Lolo ang female lycan? At apo niyo po ako?"
"Hindi. Walang female lycan sa aming dalawa. Niligawan ko lang siya noon kaso nahumaling siya sa lola mo kaya basted ako sa kaniya." Napangiwi ako nang marinig ang matabang niyang tawa.
BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
FantasyONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...