Votes and comments will be much appreciated, mga Mare!
***
NAGISING ako dahil sa malamig na kamay na humahaplos sa pisngi ko. Pagbukas ng aking mata ay bumungad agad sa akin si Doc., malambot ang ekspresiyon ng kaniyang mukha.Nasa ospital kami. Ang lugar kung saan kami unang nagkita. Ang lugar kung saan ko nakita siyang may tinitirang nurse.
Kinuha niya ang aking kamay at pinatakan ito ng halik. Ang malalambot niyang labi ay lumapat- tila ako nabuhusan ng isang balde ng malamig na tubig.
Nakipagtalik ako sa isang estranghero.
Ang pag-iisa ng aming katawan. Ang malakas na tunog ng aking dibdib. Ang pawisan naming katawan. Isang pangyayaring hinding-hindi ko malilimutan.
Kitang-kita sa aking mga braso at hita at sa iba pang parte ng aking katawan ang mga pantal-pantal na tila kagat ng malaking insekto; may kulay pula pa rin, may kulay lila na. Masakit din ang aking panga at ang aking butas. Masakit ang buo kong katawan, para akong nag-acrobat.
Napatakip ako ng mukha at napaiyak dahil sa katangahan ko. Hindi ko alam kung paano ko nasikmurang makipagtalik sa isang bampira. Saan ba ako nakakuha ng lakas at hinayaan kong kunin niya ako.
Baka kinontrol niya din ako kagaya ng pagkontrol niya sa mga ina ko. (Refers to the hospital scene at chapter 2.)
Ni hindi ko pa nga nararanasan ang sex maliban kahapon. Hindi rin ako bakla kaya bakit? Bakit biglang natupok ang itinaas kong panangga para hindi hayaan ang sariling maging komportable sa presensiya niya.
Bampira siya. Mamamatay tao. Ni hindi ko pa rin makakalimutan ang pilyo niyang ngiti habang hinahayaan sa akin ang desisyon kung aalis ba ako o papatayin niya lahat ng mga bampira sa kaniyang kastilyo.
Delikado siya sa akin... sa amin ng mga ina ko.
Ikinulong niya ako sa kaniyang mga bisig, "Hush now, I will explain everything later."
Ngunit nang hindi tumigil ang paghikbi ko ay inilapit niya ang mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy mint.
"You are safe with me, Mahal. You can trust me." Bulong niya sa tenga ko gamit ang pinakamalumanay niyang tono. Pinahiran niya rin ang mga luha kong patuloy na nahuhulog mula sa aking mga mata. Ang mga kulay itim niyang mga mata ay pilit na sinasabayan ng kaniyang makakapal na kilay na tila ba nagsusumamo.
Labis ang pagkagulat ko nang sinalubong ng kaniyang mga labi ang hindi pa tumatahimik kong bibig na abala sa pagngawa. Ang kaniyang mga kamay ay pumwesto sa aking mga pisngi upang patagalin ang aming paghahalikan nilang kaniyang solusyon para matigil na ako sa pag-iyak.
Alam ko na pala kung bakit niya ako nakuha. Dinala pala ako ng bampira sa paganitong pag-arte.
Effective nga.
Nang tumahan na ako ay kaagad kong pinunasan ang aking mga labi gamit ang aking damit. Kitang-kita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang mga mata.
"Those nuns aren't real nuns, mga taga-sunod ko sila. I planted fake memories into their heads, na mga madre sila at pagsapit ng ika-apat ng Hulyo ay may kakatok sa kanilang pintuan at may dalang sanggol. I ordered them to raise you, Tinanggalan ko din sila ng memorya about them being my subjects. Mahirap mang paniwalaan pero I hope you will, Mahal." Huminga siya nang malalim.
"We are vampires, yes we sometimes drink human blood but napagtiya-tiyagaan naman ang dugo ng mga hayop. Kung makakainom man kami ng dugo ay 'yung mga blood bank lang na common lang ang blood type, since doctor ako." Umalis ako sa hospital bed at nanginginig na sumiksik sa sulok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
FantasiONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...