Chapter 3

759 54 10
                                    

NAPAIWAS ako ng tingin sa isang babaeng tinutulungan akong maligo sa isang malaking tub na puno ng bula at rose petals, may mga scented candles din na nakapwesto sa iba't-ibang bahagi ng kwarto. May kung ano siyang mahikang ginagawa kaya biglang kuminis at lumambot ang aking balat and it's been an hour since nakalublob ako dito, antagal niyang matapos.

It's too akward, babae pa ang tumutulong sa pagligo sa akin but kailangan kong magpadala sa agos. I don't know kung demonyo din 'tong babaeng 'to at baka mawalan ako ng buhay kapag sumuway ako.

Kung namumula na ang balat ko kakakiskis niya, ang babae naman ay may kutis ng papel. Walang bakas ng dugo sa kaniyang mukha at mga braso. Ewan ko na lang talaga. Kung hindi siguro mainit ang tubig sa bathtub at malaman ko na malamig ang balat niya na tila ba hindi siya nabubuhay ay talagang mas gaganahan akong makatakas dito.

I don't know when did I got here pero natagpuan ko lang ang sarili ko sa isang mala-kastilyong bahay or kastilyo nalang, hindi sa exaggerated ang pagkakadescribe ko, it's just that castle-themed talaga ito. Kahapon nasa hospital ako, ngayon biglang lipat ng lokasyon. I can sue them for abducting me kaso I'm sure I can't win, judging from this fancy castle.

Binabaliw ba ako ng mga taong nakapalibot sa akin? Kung oo, malapit na talaga akong mabaliw sa bilis ng mga pangyayari.

Kanina ko pa din tinatanong itong nag-iisang kasama ko dito kung para saan ba itong mga ganito ngunit parati lang siyang sumasagot ng, "Malapit na po ang kasal ng mahal na hari at imbitado po kayo."

"Kelan ba iyang kasal na iyan?" Tanong ko sa kaniya ngunit kinilabutan lang ako sa malaki niyang ngiti.

Nakakainis! Sino ba kasi iyang mahal na hari nila at bakit kailangang kasali pa ako sa kasalang magaganap na iyan?! All these time, sina Sister lamang ang nakasalamuha ko at mga tao sa ampunan at simbahan. Ni hindi ko nga alam na may nag-e-exist pala na kaharian dito sa Pilipinas dahil hindi naman ako gaanong lumalabas sa ampunan except kapag nagraraket ako sa pagkanta.

Nagpaubaya na lamang ako, nakakapagod magtanong ng parehong tanong at maakakuha rin ng parehong sagot every time.

Tumikhim ang babae at yumuko bago tumalikod, "pangalawang hari, aalis na po ako. Masaya akong napagsilbihan ka." Ano daw? 'Di ko narinig 'yung una niyang sinabi.

At ngayon nag-iisa na ulit ako sa kwarto. Suklam at kalungkutan ang unti-unting pumupuno sa aking dibdib.

If I could escape here, I will not hesitate to kill him with my bare hands.

Joke lang. Pinalaki akong may takot sa Diyos ng aking mga ina. Wala akong kakayahang pumatay. Tatakas lang ako tapos mananahimik, it's a win or win decision than to be killed here. Babalik ako sa dati kong buhay na tahimik at hindi ganito kagulo.

Kailangan kong makatakas. Maysa demonyo ata iyong doktor na iyon dahil nakontrol niya ang mga ina ko. Baka plano akong ialay ng alalay niya kaya ako pinapaliguan at pinapabangohan. Baka pagkatapos maligo ay papakainin ako nito ng masasarap para busog ako 'pag inalay na.

Inilibot ko muna ang aking mga mata sa panghuling beses upang maghanap ng kahit anong butas upang makatakas at nang makitang wala talaga ay saka ko na napagpasyahang umalis na sa pagkakalubog sa bathtub at magpatuyo. May damit ding plantsado at malinis na nakatupi sa gilid kaya isinuot ko nalang ang mga iyon.

It's been three days. Tatlong araw na akong nakakulong sa kwartong ito. Food and clothes are sent here by another servant but not company, pagkatapos nilang ibigay ang pangangailangan ko ay umaalis sila kaagad. Nakakabaliw! Nakakabaliw ang walang kausap. Namimiss ko na ng aking mga ina, ang kanilang pag-aalala sa akin. Oo naman at hindi ako pinapabayaan dito pero iba pa rin kasi kung may pagmamahal ng ating mga nanay.

Tumingin ako sa salamin at kitang-kita ko ang isang lalakeng may tila walang buhay na mata. Isang lalakeng nawawalan na nang pag-asa sa buhay. Ako pa ba ito?

Is this some sort of torture? Some reality show?

Hindi pwedeng makulong lang ako dito. Mapupunta sa wala ang pinaghirapan ng aking mga ina. I don't want them to have a failure son or think that they raised me wrong. Gusto ko pang makabawi sa lahat ng tulong at pagmamahal nila at hindi ko iyon magagawa kung makukulong ako dito.

Isa pang misteryosong bagay ang lumitaw sa aking isang kamay: isang koronang tattoo. I don't know kung anong meaning niyan and it's not important to ask about it right now.

Nawawalan na ako nang mga plano. Gusto kong makatakas sa impyernong ito. Naho-homesick na ako at natatabangan na ako sa ibinibigay nilang pagkain sa akin na walang asin at bawang.

Sinuntok ko ang salamin ng malakas at paulit-ulit hanggang sa dumugo ang mga kamao ko, manhid na ako. I need to get out of here bago pa ako tuluyang mabaliw.

Kung kinakailangan kong umarte na magpapakamatay ako ay gagawin ko dahil kapag sinugod nila ako sa ospital. Baka doon mas malaki ang tiyansa kong makatakas.

Ni hindi ko pa nga nalalaslasan ang aking palapulsuhan nang biglang may sunod-sunod na malalakas na katok kasabay wirdong tunog at kaluskos ang nakapabaling ng atensiyon ko sa pinto. May tila ba mga tao sa likod ng pintuan at mabibigat ang ginagawang paghinga ngunit maya't-mayang sumisinghot na tila ba may naamoy na kay bangong pagkain.

Kaagad kong tinakbo ang pinto upang i-lock. Hindi ko gusto ang nase-sense kong panganib sa likod ng pintong iyon.

Ilang minuto pa ang nagtagal bago  sinira ang doorknob at dahil wala na ang tanging sagabal ay bumulaga sa aking harapan ang dalawang babaeng maids na kapwa pula ang mga mata, pareho silang naglalaway at nakatitig sa duguan kong mga kamao at tila ba handang-handa na silang sugurin ako.

Sila iyon! Ang dalawang maid na pinagsilbihan ako sa loob ng tatlong araw. Kung hindi pa dahil sa suot-suot nilang maid uniform ay hindi ko talaga sila mamukhaan dahil sa kanilang nakakatakot na anyo.

Pinagdikit ko ang aking mga palad at ipinikit nang mariin ang aking mga mata upang magdasal na sana hindi totoo ang lahat ng ito... na sana binabangungot lang ako.

Ngunit ramdam ko, hindi nawawala ang presensiya ng dalawa.

So this will be my death? Ang makain ng mga halimaw na halang ang kaluluwa at uhaw sa dugo ng tao.

What have I gotten myself into?

CREXION: ANG LALAKING ISINUMPA
ALL RIGHTS RESERVED
©2020

@FORTYUNEYT

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon