DISCLAIMER: I do not own the rights to the pictures/photos and songs used as visualizer in the story.
***
"NAPAPANSIN niyo ba na ang tiyan ng lalaking kinupkop ng mag-asawang Valencia ay tila lumalaki nang lumalaki?""Oo nga, kung pagbabasehan sa tiyan ng mga buntis ay mukhang apat na buwan na ang tiyan nito."
"Baka nabuntis siya ng mga chokoy dahil ang tagal yata niyang nagpalutang-lutang sa dagat."
"Kawawa naman sina Mang Karding at Nay Isang. Bukod sa hindi makaalala ay may cancer pa sa tiyan ang nakupkop nila."
"Sinumpa yata ng mangkukulam iyan. 'Yong barang-barang. Uso iyon ngayon."
"Baka may lamang buhay na isda sa tiyan!"
Ilan lamang iyan sa mga sabi-sabi ng mga marites sa bayan ng Piasa, isang coastal town sa silangan. Nagkaroon ng ingay sa lugar na ito nang may mapadpad na katawan ng isang lalaki sa kanilang dalampasigan. Marami itong gasgas sa katawan pero ang kaniyang pinakamalubhang sugat ay matatagpuan sa kaniyang ulo.
Kaagad siyang dinala sa malapit na clinic. Halos mapuno pa nga ang maliit at masikip na clinic dahil sa pagsisiksikan ng mga tao. Wala kasing ospital na malapit at ito lang ang bukas. Kaagad siyang binihisan at pinunasan ng mainit na bimpo upang malunasan ang hypothermia. Binigyan din siya ng pangunang lunas ang sugat sa ulo at tinahi bago binendahan. Mabuti nalang at hindi naman gaano kalalalim ang sugat.
Wala naman silang tamang apparatus para tingnan kung anong naging damage ng kung anong aksidenteng nangyari sa lalaki sa utak nito. Kahit dalawang kutson lamang ang para sa mga pasyente at okupado na ng lalaki ang isa ay okay lang daw. Hindi naman naging problema ang pamamalagi nito sa clinic dahil natutuwa ang mga tao sa natutulog na mukha nito.
Matangkad, makinis, singkit at pogi kasi.
May iba pa ngang nag-aaktong may sakit na nararamdaman upang maka-tsansing sa katawan ng natutulog na lalaki. Minsan pinaglaruan ang kaniyang kamay, minsan inaahitan ang kaniyang kilikili. Pero iyong iba, nanghahalik sa pisngi. Halimbawa, ang mga batang tila crush siya.
Nagtagal ito sa clinic nang isang linggo bago nagising ngunit ang problema ay hindi na nito maalala ang kahit ano. Kung anong nangyari sa kaniya, kung saan siya nanggaling, maski na ang kaniyang pangalan ay hindi niya raw alam.
Sa kabutihang palad, kinupkop ang lalaki nina Luisa at Ricardo Valencia. Isang matandang mag-asawa na namatayan ng dalawang anak dahil sa pagkalunod sa dagat. Ngayon ay masayang-masaya ang dalawa sa bagong anak na mabubuhusan nila ng kanilang nakaipon na pagmamahal na para sana sa namatay nilang mga anak.
"Shoo! Ang ingay niyo, alam niyo namang may amnesia 'yung tao." Saway ni Imong sa mga ale na nagbubulungan. Nang mapatingin ako sa kanila ay nginitian lang nila ako nang matamis.
"Tara na, Alon. Male-late ka na sa bar." Tumango ako at sumunod sa kaniya. Hindi man ako tuluyang binigyan ng Valencia na apelyido ay nabiyayaan naman ako ng pansamantalang pangalan at tahanan kasama ang mga Valencia.
Alon? Like the waves that washed me ashore. Napakagandang pangalan.
Bilang pagtugon sa pagmamahal ng mga ito sa akin ay nag-apply ako ng trabaho sa isang bar, sa isang malapit na beach resort bilang singer. Hindi ko alam pero parang sanay na sanay na ako sa ganitong pagkanta sa harap ng mga tao.
BINABASA MO ANG
CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ]
FantasyONGOING | MPREG | MATURE 🔞 Isinumpa ako. Alam ko iyon kaya nga pinandidirihan ko ang sarili ko. Abnormal ako. May nakakatakot na sakit. Sino bang makakatagal sa isang lalaking isinumpang manganak? Lalake ako at ayaw ko ng ganitong kondisyon. This i...