Chapter 6

505 40 12
                                    

Very thankful po sa 17 followers, now it's 2.18K! Maraming salamat po sa suportang parati niyong ibinibigay!

...

PANAKA-NAKANG hinahalikan ni Iñigo ang malalamig na kamay ni Crexion. Malaki ang ngisi na nakapaskil sa mga labi niya.

Sa wakas ay nakuha ko na ang katawan mo, Mahal, sana sa susunod ang puso na.

Hindi man niya maamin sa sarili ay nae-excite na siya sa mga araw na darating at kung may nabuo ba ang kanilang pagtatalik o kung wala naman ay alam niyang hindi niya ito titigilan.

'Di magtatagal ay makukuha ko na ang loob mo at papayag ka na na pakasalan ako. Saglit lang, Mahal. Kapag natapos ko na ang mga gusot na ito ay buong-buo na kitang aangkinin. Hindi ko hahayaang maagaw ka ng mga Lycan na iyon.

***
Flashback

Nabuhay ang isang Felix Natividad noon. Isa siyang anak ng kapwa Lycan na hardinero at kasambahay sa mansion ng mga Ferrera. Mabuting bata si Felix at parating tumutulong sa mga magulang.

Sa mga panahong iyon, namumuno ang bampira sa iba pa mang pang mga species ng mga nilalang sa daigdig. Sila ang nasa pinakatuktok ng tatsulok kasunod ang mga Lycans, Werewolves, at mga tao.

Ang kaibahan lamang ng mga Lycans o Lycanthropes at Werewolves ay nakakapagtransform ang mga Lycans into wolves kung ano mang oras nila gusto, habang ang mga Werewolves ay nakakapagtransform lamang tuwing full moon. Ibig sabihin ay mas malakas ang lahi ng mga Lycans kaysa sa pinsan nitong mga Werewolves. Mas matalino rin sila at hindi kagaya ng mga Werewolves, nakokontrol nila ang sarili kahit anyong lobo na sila.

Kung kaya ang mga Lycans ang pinakainaasahan sa pagsisilbi sa nga bampira, ang pinakamayaman, pinakamatalino, puinakamalakas at pinakamakapangyaring lahi.

Isang araw ay habang pinipilit niya ang kaniyang ina na hayaan siyang hugasan ang mga plato na nasa lababo ay may pumasok na isang batang lalaking sa kusina na parati na lang nakakunot ang noo at seryoso. Sa mga oras na namamalagi siya dito sa mansiyon upang tumulong ay pangalawang beses lang niya itong nakitang bumaba mula sa ikatlong palapag upang personal na kumain o 'di kaya'y uminom ng tubig.

Ito ay si Señorito Iñigo, ang panganay na anak ng mag-asawang Ferrera. Dalawa ang anak nila ni Señora Florida at Señor Policarpio. Si Señorito Iñigo at ang inampon nilang Lycan na si Señorito Hilton. Sabi raw ng Nanay, makapangyarihan rin si Señorito Hilton sapagkat nanalatay sa dugo nito ang dugo ng namayapang hari ng mga Lycans.

Magkaibang-magkaiba ang ugali ng dalawa. Sa katunayan ay kaibigan ko si Señorito Hilton kasi sobrang bait niya at palakaibigan tapos si Señorito Iñigo ay sobrang kabaliktaran naman ni Señorito Hilton. Parati siyang galit at sinusumpong araw-araw.

CREXION: Ang lalaking isinumpa [ BXB ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon