Chapter 25 Surprise

1.4K 29 1
                                    

CHAPTER 25

SURPRISE!

 

"Happy Birthday Princess!" sabay kiss sa cheek ko si kuya.

"Thank you kuya" si papa ang unang bumati sakin kaninang umaga. Umuwi si papa ngayon for my birthday tapos dito na din sya magchristmas at new year.

Madami na din nagtext sakin para batiin ako pero sila Franz hindi pa ko binabati, ayaw na ba talaga nila sakin? Ganon ko na ba sila napabayaan? Haaaayyy. Nakakalungkot isipin na hindi kami magkakaayos ngayong birthday ko. 

Saka sya? Alam ko na alam nya na birthday ko ngayon.

Binati din ako ng ilang memeber ng Seven D. Hayyy! Naaalala ko na naman tuloy siya.

Alam naman siguro niya na kung ano ang meron ngayon.

"So, whats your plan?" tanong ni kuya habang kumakain.

Umiling ako. Ano pa icecelebrate ko, ayaw na sakin ng mga bestfriends ko.

Pakiramdama ko tuloy parang nag-usap-usap ang mga bestfriends ko at si EL na iwanan ako.

Imposible naman na nakalimutan nila na birthday ko ngayon.

"What do you mean?"

"Huwag nalang tayo magcelebrate ng birthday ko kuya"

"What? Why? Bakit naman Princess?"

"Ayoko lang. Please kuya?" ayoko naman sabihin sa kanya na wala na kong bestfriends, mag-aalala nanaman sya.

"Bahala ka nga"

Paglabas ko ng gate namin andun na si Blake.

"Happy Birthday!" sabay bigay sakin ng bouqet ng flowers.

"Thanks"

Pumasok na kami. Pagdating ko sa room, parang wala lang kila Franz na andito ko sa room,.

Ano ba yan! Naiiyak ako sa kilos nila, parang di nila ko kilala.

Habang nagkaklase tumitingin ako kina Glam pero kahit minsan ata hindi nila ko tinignan man lang.

LUNCH

"a-ah, Franz, Aica, Glam" panimula ko.

"Uso pa pala himala ngayon" bulong ni Franz sa dalawa.

"Bak--"di natapos yung sasabihin ni Glam

"Oh ayan na si Blake, sige alis na kami hindi mo na kami kailangan andyan na sya oh" sabi ni Franz, bigla nalang tumulo yung luha ko, talaga ba? bakit ang sakit magsalita ni Franz?

"F-ranz teka lang" hinawakan ko yung braso nya,pinipigilan ko ang umiyak.

"Blake sa kanila muna ako sasabay, salamat" sabi ko kay Blake, tumango naman sya at umalis na

"tara maglunch treat ko" saka ako ngumiti. Tinatagan ko ang sarili ko sa mga sinasabi ni Franz, may tampo lang sya.

"Bribe?" sagot agad ni Franz.

DEATH THREATS OF AN ANGEL [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon