Chapter 17
The Meeting
Pauwi na kami ngayon ni EL. Malapit na kami sa bahay kaya mas lalo akong kinakabahan.
Nag-iisip kung anong paliwanag ang sasabihin kay kuya.
Sigurado akong magagalit siya sakin.
Nagulat ako ng biglang hawakan ni EL yung kamay ko.
"hey, what's wrong? you look worried?" tanong nya saka tumingin sakin at tingin ulit sa dinadaanan namin.
"iniisip ko kasi si kuya malamang galit sakin yun."
"don't worry, I'll explain to him" sabi nya na may assurance saka nya pinisil yung kamay ko. tumango nalang ako, habang palapit na ng palapit sa bahay mas lalo akong kinakabahan.
Huh? Pero paano kung magalit din sa kanya si kuya. OO. Tiyak na galit din sa kanya si kuya. or worst sisihin pa siya ni kuya.
Umiling ako.
"kaya ko na 'to. Isa pa baka awayin ka lang ni kuya ha-ha-ha."
"Just remember . I'm here for you. Always." then he kissed my hand.
I smile at him.
Nung malapit na kami sa bahay natatanaw ko na si kuya na nakatayo sa tapat ng gate.
Ilang saglit pa huminto na kami sa tapat ng bahay.
Pakiramdam ko tuloy para kaming kriminal na nahuli. Kinakabahan ako.
Hindi ko na hinintay si EL na pagbuksan ako ng pinto agad na akong lumabas ng kotse niya at ganun din siya.
"kuya." bati ko sa kanya. Si EL naman hinawakan yung kamay ko. I feel safe in his arms.
"Saan ka galing sophie?" iba yung tono ng pagtatanong niya. Pati tinawag niya ako sa pangalan ko. Galit talaga siya, parang gusto ng lumabas ng puso ko sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kaba ko.
"we dated" si EL ang sumagot.
Kinakabahan talaga ako. Anlakas-lakas ng tibok ng puso ko.
Bakas sa mukha ni kuya ang pagkagulat.
"sorry kuya." nasabi ko nalang . At alam kong marami pang sorry ang sasabihin ko mamaya.
Tinitigan ni kuya si EL.
Nagtitigan sila.